"Okay.” Napatango ako sa sinabi niya. Pinagpatuloy ko ang pagsagot para makapasok na kami sa loob. "Information detected. Access denied." "Why?" "You didn't put any question. How can we help you?" "I'm.." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kailangan ba talagang may tanong bago makapasok ng tuluyan sa loob? Akala ko hindi ito ganoon ka-importante. "Can you just open the door? We like to go inside, If that's okay..." Wala kaming natanggap na response. Napatingin ako kay Justin at nagkibit balikat ako. Parehas naming hindi alam ang susunod na gagawin. Kung maghihintay pa ba kami o tuluyan nang aalis dito. Pero sayang naman kung hindi kami tuluyang makakapasok sa loob. "This is what I'm talking about. I told you not to do this." Walang bakas na iritasyon at pagkagalit na wika ni Ju

