“Adira!” Petra called my name. Tumakbo siya palapit sa akin. Akala ko pa naman ay kung napaano na siya sa lakas ng pagtawag niya sa pangalan ko. Magpapalagay lang pala ng sun block. “Lagyan mo nga ako nito sa likod ko please?” “Maliit kasi ang braso niya kaya pagpasensyahan mo na kung hindi niya abot at sa iyo pa nagpapalagay.” Agad na asar ni Juanito. Nandito rin pala siya sa puwesto namin at hindi lang siya nag-iisa, mayroong babaeng nakapulupot ang kamay sa kaniyang braso. Matalas ang tingin ni Petra kay Juanito pero mas lalo iyong tumalas ng mapansin niyang may nakasakbit na babae sa braso nito. Hindi siguro inaasahan ni Petra na makakabingwit agad ng babae si Juanito. Kahit naman ako ay nagulat na may kasama agad ito ng babae wala pang isang oras na pananatili namin. Talag

