Nagtutulakan sila papuntang Van. Natatawa ako at natutuwa sa kanila, parang silang mga bata habang nag-uunahan sa pagsakay sa sasakyan. “Ang lahat ay makakasakay. Huwag kayong magtulakan diyan!” Umagang umaga ay naha-high blood sa amin si Madam. “Si Juanito kasi Madam, first time ata makasakay sa sasakyan. Nakikipagunahan pa akala mo naman ay maiiwan.” “Excuse me? Nakasakay na ako sa mga ganito, ‘no! Maraming beses na!” “Talaga lang ha? Bakit hindi halata?” “Excited lang ako.” “Hmp!” Lahat ay nakasakay na. Katabi ng driver si Madam. Ako naman nandito sa likod, ang katabi ko ay isang sobrang tahimik na lalaki. Kanina pang maingay ang mga kasama ko pero siya wala pa ring imik hanggang ngayon. Pasulyap-sulyap pa ako sa lalaki at buti na lang ay hindi niya ako napapansin. “Ma

