Namula ang mukha ko dahil sa papuri ni Tita Leona sa niluto ko. Sa huli ay pinilit kong lutuin ang beef stakes na paborito nina Luke at Lira kahit pa hindi ko alam kung paano iyon lutuin. Labis ang aking pagkatuwa noong magustuhan ni Tita Leona ang luto ko. Biruin mo, sa unang try ko pa lang na maluto iyon ay perfect na agad ang lasa. Not everybody can do what I did, right? Hindi naman masama kung maging proud ako sa sarili ko. Hehe. “This is the best beef stakes I have ever taste.” Luke praised my cooked. “True Kuya grabe ang lasa nito. Ang sarap!” “Di naman. I just followed the steps sa likod ng recipe. May nakita ako sa taas ng ref, e,” “Oh, really? That’s my secret recipe. Nakalimutan kong sabihin sa iyo na nadala ko nga pala iyon. Hindi mo naman kasi rin sinabi sa aking hind

