CHAPTER 10

3576 Words
“My driver will pick you up at the hospital at 6 p.m. See you later!” Iyon ang huling sinabi niya sa text sa akin. Bumuntong-hininga ako. “Hindi naman ako tatakas para kailangan sunduin," bulong ko. “Magpasundo ka para hindi niya mahalata na sasama ako.” wika ni Lora. Habang kumakain kaming dalawa ng tanghali sa canteen ng ospital. Tumingin ako sa kanya. “Hindi ba magbabago ang desisyon mo? Baka magalit si Ryker?” Umangat ang kanang kilay ni Lora. “Tinatawag mo na siya sa pangalan niya. Akala ko ba, demonyo ang tawag mo sa lalaki na 'yon?” “Oo, hindi naman magbabago 'yon.” “Okay!” Nagkibit-balikat siya. “Pero, sasama pa rin ako. Gusto kong makita ang itsura ng demonyong lalaki na 'yon para naman may habulin kami kung sakaling may hindi magandang nangyari sa'yo," “Huwag ka lang magpapahalata sa kanya.” Ngumiti si Lora. “Of course!” tugon niya. Nang sumapit ang alas-dos nang hapon ay umuwi si Lora dahil hindi ito nag-over-time. “See you later!” wika ni Lora sa akin bago siya tuluyang umalis. Tumango ako bilang tugon sa kanya. “Ingat ka!” tugon ko. Pagka-alis niya pinagpatuloy ko naman ang trabaho ko. “Nurse Jillian!” tawag ng lola ni Jayson na isa sa mga pasyente namin. Matamis akong ngumiti habang nakatingin sa hawak niyang maliit na itim na bag. “Kumusta po, Lola?” tanong ko. Ngumiti siya. “Okay naman. Ilang araw akong hindi nakadalaw sa apo dahil sinumpong ako ng rayuma.” “Mmm... Kaya pala hindi ko po kayo nakikita. Magaling na po kayo ngayon, kaya nandito na kayo?” Tumango siya. “Pero hindi ako ang magbabantay sa kanya ngayon gabi. Ang daddy ni Jayson ang magbabantay sa kanya at siguradong matutuwa siya kapag nakita niya ang daddy niya," nakangiting sabi ng matanda. Tumango ako bilang tugon. “Mabuti naman kung gano'n.” “Mama, bakit hindi n'yo ako hinintay?” Sabas kaming lumingon ng matanda. Isang matangkad na lalaki na nasa edad trenta ang lumapit sa matanda. Kayumanggi ang balat nito at chinito. Kung hindi ako magkakamali, ito ang tatay ni Jayson dahil kamukha niya ito. “Jarred, kinausap ko lang ang nurse ng apo ko. Ito nga pala si Nurse Jillian. Mabait siyang nurse dahil inaalagaan niya ang apo ko," wika ng matanda. Tumingin sa akin ang lalaki at matamis na ngumiti. “Hello, Nurse Jillian. My name is Jarred.” Tumango ako. “Hello, Sir Jarred!” tugon ko. Nilahad nito ang kamay niya. “Nice meeting you. Lagi kang kinukwento ng Mama ko sa akin," anito. Ngumiti ako at nakipag-shake hands. Nagulat na lang ako dahil ang higpit ng hawak niya sa akin. “S-Sir Jarred, maiwan ko muna kayo dahil may pasyente pa akong pupuntahan. Hinila ko ang kamay ko at tipid na ngumiti sa kanila bago umalis. “Sabi ko sa'yo maganda si Nurse Jillian," narinig kong sabi ng matanda. “Yeah, she's beautiful," tugon ni Jarred. Gusto ko sanang balikan sila para tanungin kung bakit nila ako pinag-uusapan. Ngunit kailangan kong unahin ang trabaho ko. Nang sumunod na oras ay naging abala ako sa ginagawa ko. “Nurse Jillian, off duty ka na?" tanong ng isang nurse. Binuksan ko muna ang locker ko bago ako nagsalita. “Oo, pauwi na ako.” “Akala ko night shift ka na dahil hinahanap ka ng head nurse kanina.” Bigla akong kinabahan. Mukhang balak pa yata akong mag-straight duty. “Sige, puntahan ko mamaya kapag nakapagpalit na ako ng uniform.” “Tama 'yan gawin mo. Mag-out ka rin para hindi ka na habulin kung sakaling pag-straight over time,” tugon niya. “Salamat.” Dumiretso na ako sa banyo para magpalit ng damit. Pagkatapos, pinuntahan ko ang head nurse. “Good evening, Ma'am Joy!” bati ko sa head nurse. Matamis siyang ngumiti. “Mabuti naman at dumaan ka rito sa nurse station, kanina pa kita hinahanap.” “Bakit n'yo po ako hinahanap?” “Straight duty ka hanggang 10 pm.” “Nakapag-out na po ako at nandiyan mo ang karelyebo ko," tugon ko. Tumingin siya sa akin. ”Joke lang! May ibibigay lang ako sa'yo.” “Ano po 'yon?" Kumunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. “Ito, para sa'yo," nakangiti niyang saad. Palumpon na pulang rosas at paper bag ang inabot niya sa akin. “Hindi ko naman birthday, bakit n'yo po ako binigyan ng mga ito?” “Hindi 'yan galing sa akin. Inabot lang 'yan sa akin ng sekyu kanina. May nagpapabigay sa'yo.” “Ha? Para sa akin?” “Tingnan mo baka may nakalagay diyan kung sino ang nagpadala.” Tiningnan ko ang bulaklak at ang paper bag, pero wala naman akong nakitang card. “Walang nakalagay. Sigurado po ba kayo na para sa akin ito?” paninuguro ko. Sunod-sunod ang tango niya. “Naka-dikit ang pangalan mo diyan tingnan mo.” Saka ko lang napansin ang pangalan ko na naka-dikit sa may hawakan ng bulaklak. “Baka may pasyente ka na may gusto sa'yo or manliligaw.” “Hindi ko alam, pero salamat.” “Jillian, bag ba ang laman ng paper bag?” Tumango ako. “Siguro, malaki eh.” “Sana all talaga may mayamang manliligaw. Pangalan pa lang ng paper bag mo parang isang taon sahod ang presyo ng bag na 'yan.” “Sige po, alis na ako," pag-iiba ko ng usapan. “Ingat!" Habol niyang sabi. Paglabas ko ng hospital ay sinalubong ako ng isang matandang lalaki na nakasuot ng kulay asul na uniporme. “Ma'am Jillian, pinasusundo kayo ni Sir Ryker," wika nito. Sandali ko siyang tinitigan. Driver ito ni Ryker, ngunit wala akong tiwala sa kanya lalo't masama ang ugali ng amo niya. Ngumiti ako. “Huwag na, naka-book na ako ng sasakyan paparating na.“ “Ma'am, baka mawalan ako ng trabaho kung hindi ko kayo masusundo," tugon niya. “Hindi naman siguro. Tawagan n'yo na lang ang boss n'yo at pakisabi na hindi na ako sasabay sa inyo.” Bumuntong-hininga siya at tinawagan si Ryker. Nakikinig ako sa sinasabi ng driver niya hanggang sa inabot sa akin ang telepono. “Ma'am, gusto po kayong makausap ni Sir Ryker.” Kinuha ko ang telepono niya. “Bakit?” tanong ko. “Are you trying to make me angry?” bungad niya. “Unang-una, hindi mo sa akin sinabi na susunduin ako ng driver mo kaya wala kang karapatan magalit at lalong wala kang karapatan na tanggalan ng trabaho ang driver mo dahil lang sa hindi nasunod ang gusto mo,” alibi ko. Alam ko naman na may magsusundo sa akin dahil nag-text siya. “I texted you that someone would pick you up. Didn’t you read it?” “Hindi ko nabasa," pagsisinungaling ko. “Whatever, just follow my order.” tugon niya. “Paano kung ayaw ko?” “f**k! don't push me to my limits!” “Go to hell!” sigaw ko, sabay putol ng tawag. “Ma'am, sumabay na kayo sa akin," bakas sa mukha ng driver ang pag-aalala. Seryoso akong tumingin sa kanya. “Sigurado ba kayong tatanggalan kayo ng trabaho ng demonyong 'yun?” Tumango siya. “May dalawang anak akong pinag-aaral. Mahirap makahanap ng trabaho na malaki magpasahod tulad ng boss ko.” “Tsk! Dinadaan talaga niya sa pera. Saan naka-park ang sasakyan n'yo?” tanong ko. “Dito po," sabay turo niya. Kung hindi lang ako naawa sa driver ay hindi ako papayag sa gusto ni Ryker. Habang nasa biyahe kami ay ka-chat ko naman si Lora. “Nandito na po tayo," wika ng driver. Halos bente minutos ang ginugol namin sa biyahe dahil na rin sa traffic. Agad akong nag-chat kay Lora na nakarating na ako sa lugar. Inalalayan naman ako ng driver hanggang makalabas ako ng sasakyan. “Nasa loob na po si Sir, hinihintay kayo," wika ng driver. Ngumiti ako. “Thank you!” Diretso akong naglakad papasok ng restaurant. Pagpasok ko, napansin kong walang mga customer na kumakain sa restaurant. Nakita ko si Ryker na nakatingin sa akin. “Itsurang anghel, ugaling demonyo," bulong ko. Nakasimangot ako habang palapit sa kanya. “So you’re coming along after all, so many demands,” wika niya. “Naawa lang ako sa driver mo." “Oh, so you know how to feel pity now,” he said sarcastically “Hindi naman ako katulad mo. Ano bang dahilan bakit mo ako gustong makita?” irita kong tanong. “I want you to have dinner with me.” “Tsk!” I rolled my eyes. Tinawag niya ang waiter para dalhin ang mga inorder niyang pagkain. “Ang dami naman ng mga order mong pagkain. Sigurado ka bang mauubos natin 'yan?” sabi ko. “You can have it packed if there are leftovers," saad niya. ”Bakit tayong dalawa lang ang tao rito? Hindi ba mabenta ang pagkain dito?” “I rented this restaurant for two hours, so there’s no one else.” Nagkibit-balikat ako. “Okay!” Nagsimula na akong kumain upang makauwi kami agad. Kalahating oras pa ang lumipas nang marinig ko ang boses ni Lora. “Jillian!" tawag niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Lora na may kasamang dalawang pulis na pumasok sa loob ng restaurant. Bigla akong kinabahan. “L-Lora!” nauutal kong saad. Hindi niya ako pinansin. Sa halip, lumapit siya kay Ryker. “Hayop ka! Manyak!” sabay sampal niya. “Lora!” Hinila ko siya. “Ito! Itong lalaki na ito ang nang-blackmail sa kaibigan ko!” sigaw ni Lora. Nataranta ako sa takot at kaba. Hindi ko inaasahan na gagawin ito ni Lora. “L-Lora, a-ano bang ginagawa mo?” mabulong ko. ”Jillian, 'wag kang matakot sa kanya. Hulihin n'yo siya!” sigaw pa niya. Mas lalo akong natakot nang makita ko si Ryker na kampanteng nakatingin sa amin habang hinihimas ang sinampal ni Lora. Lumapit ang dalawang pulis. “Sir, Alder. Pasensya na po kung naabala namin kayo. Nagkamali lang po siguro si Ma'am," sabay tingin kay Lora. “A-anong nagkamali?! Siya nga ang nirereklamo ko! Manyak ang lalaki na 'yan!" galit na sigaw ni Lora. “Ma'am, hindi n'yo ba kilala ang si Sir Ryker Alder?” tanong ng pulis. “Wala akong pakialam kung sino ang demonyong 'yan. Masama ang ginawa niya sa kaibigan ko!" sigaw ni Lora. “Jillian, come here!” wika ni Ryker. Kinilabutan ako sa takot. Nanginginig akong lumapit sa kanya. “B-bakit?” “Leave now with your friend, while you still have the chance,” bulong niya. “O-okay!” Lumapit ako kay Lora. “Halika ka umuwi na tayo!” sapilitan ko siyang hinila palabas ng restaurant. “Bakit mo ba ako hinila palabas?!” sigaw ni Lora. Tumingin ako sa paligid. “Umuwi na tayo bago pa tayo makita sa headlines bukas na nakalutang sa ilog," tugon ko sa kanya. “Natatakot ka sa kanya?” wika ni Lora. “Oo, natatakot ako sa kanya. Hindi mo ba nakita kanina ang reaksyon ng mga pulis? Kahit sila takot kay Ryker. Siguradong kilalang tao ang demonyo na 'yon, kaya walang saysay ang ginawa mong pagsusumbong sa mga pulis.” Biglang natahimik si Lora. Nameywang ako. “Ang usapan natin papakilala ko lang siya sa'yo. Hindi mo sa akin sinabi na magsusumbong ka sa mga pulis.” “Gusto lang kitang tulungan kaya hindi ko sinabi sa'yo.” “Lora, alam kong nag-aalala ka sa akin, pero hindi mo na sana ginawa ang bagay na 'yon. Ayokong pati ikaw madamay sa pinasok kong problema.” “I'm sorry!” Bumuntong-hininga ako. “Nasaktan mo siya. Sana lang hindi magbantaan ang buhay mo ng demonyo na 'yon.” “Masama ba talaga ang ugali niya? Kaya ba niyang pumatay ng tao?” “Oo, kaya sa susunod huwag ka lang makialam para hindi ka madamay.” “Jillian, pakiusapan mo siya na huwag akong sasaktan," wika ni Lora. “Huwag kang mag-alala hindi ko hahayaan na saktan ka niya.” “Salamat," tugon niya. “Umuwi na tayo,” sabi ko. Naglakad kami ng kaunti upang mag-abang ng taxi. Habang nag-aabang kami ng taxi ay lumapit sa amin ang dalawang pulis na kasama kanina ni Lora. “Bakit?” sabi ko. Bigla kaming hinawakan at pinosasan. “Sumama kayo sa amin.” “Teka! Ano bang kasalanan namin?” wika ni Lora. Seryoso akong tumingin sa pulis. “Sandali lang ang tatawagan ko lang ang asawa ko," tugon ko. Hangga't maari ayokong banggitin ang salitang asawa, pero dahil may kutob akong si Ryker ang nag-utos sa dalawang pulis ay binanggit ko ang salitang iyon. “Sige!” wika ng pulis. Kinuha ko ang telepono ko upang tawagan si Ryker. “Ryker, pakawalan mo kami," bungad kong sabi. “I won’t do that until your friend apologizes to me,” he replied. “Patawarin mo ang kaibigan ko. Huwag mo siyang sasaktan.” “If she follows what I order, I promise you I won’t hurt her.” “Sige, sasabihin ko.” Tumingin ako kay Lora. ”Humingi ka ng tawad kay Ryker para makauwi tayo ng buhay," sabi ko. Nakita ko ang takot sa mukha ni Lora. “P-Patawad! H-hindi ko sinasadya!” wika ni Lora. “Narinig mo ba ang sinabi niya?” sabi ko. “Yes, but I want her to say it in front of me.” Magsasalita pa sana ako, ngunit nakita ko siyang papalapit sa amin habang nakadikit pa rin sa tainga niya ang telepono. Humarap ako sa kanya. “Pakiusap, huwag mong idamay ang kaibigan ko," sabi ko. Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit. Gusto kong sumigaw sa sakit pero pinigilan ko ang sarili ko. “Akala n'yo, kaya n'yo akong ipakulong," pabulong niya. “Hindi ko alam na gagawin iyon ng kaibigan ko. Patawarin mo na kaming dalawa," tugon ko. Ryker looked at Lora. “I want you to apologize to me.” “P-patawarin mo ako!" nanginginig sa takot na sabi ni Lora. Ngumiti si Ryker na para demonyo. “I’ll only forgive you if I return the slap you gave me.” Nagkatinginan kaming dalawa ni Lora. “Huwag mong idamay ang kaibigan ko,” sabi ko. “Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako ang sasampal sa kanya kung hindi ikaw, Jillian.” “No! Hindi ko kaya!” tuluyang tumulo ang luha ko. “Kung gano'n dalhin n'yo na ang dalawang 'yan at bahala na kayo kung anong gagawin sa kanila," wika ni Ryker. “Jillian, sampalin mo na ako para makauwi na tayo!" Umiiyak na sabi ni Lora. “H-hindi ko kaya,” sabi ko. “G-gawin mo na, Jillian. O-okay lang sa akin," wika ni Lora. “What are you waiting for? She’s already agreed to let you slap her,” wika ni Ryker. Halos malabo na ang tingin ko kay Lora dahil sa mga luha kong sunod-sunod na umaagos. “I-I'm s-sorry!” sabi ko kay Lora. Mapait na ngumiti si Lora. “It's okay. Sampalin mo na ako.” Bumuntong-hininga ako at pikit-mata kong sinampal si Lora. Sobrang sakit sa akin na sinaktan ko si Lora. Nang dahil sa akin ay napahamak ang buhay niya. “Very good, wifey!” sabay tawa nang malakas ni Ryker. Tinanggal ng pulis ang posas namin at umalis na sila. Lumapit ako kay Lora at niyakap ko siya habang umiiyak. “I-i'm s-sorry! I'm sorry!” sabi ko. “O-okay lang. Jillian... naaawa ako sa'yo. Naawa ako sa'yo dahil hindi tao ang lalaki na 'yon.” Tumango ako at muli siyang niyakap nang mahigpit. “Sa susunod, huwag ka ng makialam para hindi ka mapahamak.” Tumingin siya sa akin. “Gaga ka! bakit mo naman nilakasan ang sampal mo? ang sakit kaya!" Hinawakan ko ang pisngi niya. “Sorry!” Nagkatinginan kami sabay tawa. Para tuloy kaming baliw dahil iyak tawa kami. “Umuwi na tayo,” sabi ko. Nakauwi naman kaming ligtas ni Lora. Ngunit ang trauma na naramdaman namin kanina ay ramdam pa rin namin hanggang ngayon. *** “Jillian, bakit ganyan ang itsura mo?” nagtatakang tanong ni Nanay habang sinusuri ang mukha ko. Napahawak ako sa pisngi ko. “May dumi ba ako sa mukha?” Hindi siya agad sumagot. Tinitigan niya ako nang mabuti. “Namumutla ka.” Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay nanlalambot pa rin ang tuhod ko. “May aksidente kasi akong nadaanan kanina,” mahina kong sabi. “Lumabas ang bituka ng lalaki,” pagsisinungaling ko. Bahagyang napaatras si Nanay. “Nakakatakot naman… kawawa ang taong iyon.” Tumango ako at pilit na nagbiro upang pagaanin ang usapan. “Sana naman hindi isaw ang ulam natin ngayon. Hindi talaga ako kakain.” Bahagya siyang napangiti. “Hindi naman. Gulay ang ulam natin.” Napabuntong-hininga ako. “Mabuti naman.” “Magbihis ka na at kumain.” Tumango ako at dumiretso sa kuwarto. Bago ako pumunta sa kusina para kumain, dumaan muna ako sa higaan ni Tatay. Maingat kong nilinis ang sugat niya, dahan-dahan, parang natatakot akong masaktan siya kahit bahagyang dampi lang. Paglabas ko, nakahain na ang hapunan. “Anak,” wika ni Nanay habang kumakain ako, “pumunta rito kanina ang Tiya Letlet mo.” Natigil ang kamay ko sa ere. “Bakit daw po?” Pinagpag niya ang kamay sa tuwalya bago sumagot. “Pinapipirma niya ako sa kontrata. Ibebenta na raw ang lupang pamana sa amin ng lola mo.” “Pumirma na po ba kayo?” Umiling siya. “Sinabi kong hihintayin muna kita.” Bahagya akong nakahinga. “Mabuti naman. Ibebenta niya ang lupa ni Lola? Hindi ka man lang niya tinanong kung gusto mo?” “Hindi ko nga gustong ibenta,” mahina niyang sabi. “Iyon na lang ang natitirang alaala niya sa atin.” “Bakit hindi ang parte niya ang ibenta?” “Gusto raw ng bibili na buo ang lupa. Tatayuan daw ng gasoline station.” Napailing ako. “Naalala ka lang niya kapag may kailangan siya. Akala ko ba marami siyang pera?” Tahimik si Nanay sandali bago sumagot. “Lilipat na raw sila sa ibang bansa.” Napahigpit ang hawak ko sa kutsara. “Huwag kang pumirma, Nay.” “Magagalit ang Tiya mo.” “Hayaan mo siyang magalit,” mariin kong sagot. Simula pagkabata, ramdam ko na ang pagmamataas ng kapatid ni Nanay. Amerikano ang ama nito, may negosyo, at tila palaging mas mataas ang tingin nila sa sarili kaysa sa amin. “Sige,” mahinang sabi ni Nanay. “Sasabihin ko sa kanya kapag bumalik siya.” Tahimik akong tumango at muling kumain. “Jillian! Jillian!” Napalingon ako sa pintuan. May sumisigaw mula sa labas ng bakuran. “Parang may tao sa labas,” sabi ni Nanay. Lumabas siya. Ilang segundo ang lumipas, bumalik siya kasama si Lora. Namumutla ito, at halatang balisa. “Oh, bakit ka nandito?” tanong ko habang tumatayo. “Dito muna ako matutulog,” sabi niya, pilit na kalmado. “Parang may nagmamatyag sa apartment ko. Wala pa ang boyfriend ko.” “May umaaligid sa bahay mo?” tanong ni Nanay, nag-aalala. Saglit kaming nagkatinginan ni Lora. Pinanlakihan ko siya ng mata bilang babala na huwag magkwento tungkol sa nangyari sa amin kanina. “Mga tambay lang po sa kanto,” mabilis niyang sagot. “Mag-isa lang po kasi ako, kaya naisip kong dito muna matulog.” “Sige, dito ka muna,” sabi ni Nanay. “Pupuntahan ko muna ang Tatay mo. Lora, sabayan mo munang kumain si Jillian.” Pagkaalis ni Nanay, agad akong lumapit kay Lora. “Anong ibig mong sabihin na may nagmamatyag sa’yo?” pabulong kong tanong. Huminga siya nang malalim. “May lalaking nakatambay sa tapat ng apartment ko. Hindi siya kilala ng mga kapitbahay ko. Natakot ako… baka tauhan ng asawa mong hilaw.” Napakagat ako sa labi. “Sinabi ni Ryker na hindi ka niya sasaktan.” “Hindi ka sigurado,” matigas niyang sagot. “Dito muna ako matutulog para sigurado.” Kinuha ko ang cellphone ko. “Tatawagan ko siya.” Ilang ring lang ang lumipas bago niya sinagot. ”And why are you calling?” His voice was cold, laced with amusement. “Don’t tell me you miss me.” Pinikit ko sandali ang mata ko. “May tauhan ka bang pinabantay sa apartment ng kaibigan ko?” Tahimik siya sandali. Pagkatapos ay malamig ang boses niyang sumagot. “I wouldn’t waste my men watching your friend.” “Siguraduhin mo lang.” “Is that the only reason you called?" “Oo, si—” Biglang naputol ang linya. “Kainis! demonyo talaga!” “Ano ang sinabi niya?” tanong ni Lora. “Wala raw siyang tauhan. Hindi raw siya magsasayang ng oras sa’yo.” Bahagya siyang nakahinga. “Mabuti naman.” Napaisip ako. “Kung hindi siya… sino?” “Baka nagkamali lang ako,” mahina niyang sabi. “Motor Rider lang siguro na naghihintay ng pasahero.” Hindi ako kumbinsido, pero hindi na ako nagsalita. “Dito ka na lang matulog,” sabi ko. “Para sabay tayong pumasok bukas. Basta huwag mong sasabihin kay Nanay ang tungkol kay Ryker.” Tumango siya. “Okay.” Ngumiti ako nang bahagya at itinulak palapit sa kanya ang plato. “Kumain ka na.” Ngumiti siya pabalik. “Salamat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD