EPISODE 39 MARRIED LIFE GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Gabby! May pasalubong kami sa ‘yo!” Napatayo ako galing sa aking pagkakahiga sa duyan at hinintay na makalapit ang mga kaibigan ko na si Gaile at Hannah. Nang makalapit sila ay agad nilang ibinigay sa akin ang supot na dala-dala nila kanina. Kinuha ko ito at tinignan, nanlaki ang aking mga mata nang makitang cheesecake ang laman nito. “OMG! Binilhan niyo ako ng cheesecake?” naiiyak kong tanong. Ngumiti silang dalawa at tumango. Sa aking pagkatuwa ay humakbang ako papalapit sa kanila at niyakap silang dalawa. “Thank you, Gaile at Hannah!” masaya kong sabi. Apat na buwan na kaming naninirahan ni Aki rito sa lugar nila Aling Letty. Lahat ng iniwan namin sa Governor Generoso ay wala na kaming contact, maliban na

