EPISODE 40 CHOICES GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Aki, ubos na ang gatas ni Gabriel,” sabi ko sa aking asawa habang karga-karga ang anak naming natutulog na si Gabriel. Nanganak na ako at lalaki ang anak namin ni Aki at pinangalan namin itong Gabriel. Mas lalo kaming naging masaya sa buhay namin nang dumating si Gabriel, pero hindi talaga maiiwasan na magipit kami kagaya ngayon. Ubos na ang gatas ni Gabriel at hindi pwedeng wala siyang gatas dahil ito ang iniinom niya. Wala na kasing lumalabas na gatas sa dibdib ko kahit anong gawin ko kaya napilitan na lang kami ni Aki na bumili ng gatas. Ayaw pa naman kumain ni Gabriel ng lugaw o cerelac man lang. Lumapit sa akin si Aki at hinalikan ang aking noo at hinalikan si Gabriel na tulog pa rin ngayon. “Manghihiram muna ako ng pe

