EPISODE 57 WEAK GABRIELLA’S POINT OF VIEW. Mas naging malapit kami sa isa’t isa ni Aki nang may mangyari sa aming dalawa kahapon. Kung noong una ay naiilang at nahihiya pa ako kay Aki, ngayon ay bumalik na ang pakikitungo ko sa kanya kagaya no’ng bago pa kaming mag asawa ni Aki. Kaninang umaga nang magising kami ni Aki ay kinain na namin ang binake ko na cheesecake at binigyan din namin si Gabriel. Nagustuhan ni Gabriel ang gawa ko at gusto niya ulit akong gumawa kaya mamaya pag uwi namin ay gagawan ko ulit siya. Masayang masaya ako ngayon dahil hindi ko lang nakakasama palagi si Gabriel, nahahatid ko na rin siya sa school niya at pwede na ako mag hintay sa paglabas niya sa kanilang classroom kagaya ng ginagawa ng ibang parents. “Masaya ako dahil mayos na kayo ni Kuya, Gab

