EPISODE 58 I DON'T HAVE A CHOICE GABRIELLA’S POINT OF VIEW. Nagising ako at nang mapatingin ako sa paligid ay puro puti lang ang aking nakikita. Don’t tell me patay na ako? Napahawak ako sa aking mga mata at kinusot ito. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa hospital room lang pala ako at hindi pa ako patay. Bumukas ang pintuan ng kwarto at nakita kong pumasok si Aki. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapatingin sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking mukha. “G-Gabriella, wala ka bang nararamdaman na masakit? May kumikirot ba sa ‘yo? Nahihilo ka pa rin ba? Nagugutom ka ba?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Ang naintindihan ko lang sa tanong niya ay kung gutom na ba ako. “G-Gutom na ako, Aki,” mahina kong sabi. Tumango siya at mabilis na pumunta

