EPISODE 59 LET’S DO IT GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Aki, natatakot ako,” mahina kong sabi at napatingala sa kanya. Nakahiga siya sa aking tabi sa aking hospital bed. Nakasandal ako sa dibdib ni Aki at nakayakap sa kanyang beywang habang siya naman ay hinahaplos at nilalaro ang aking buhok. Gabi na ngayon at kailangan ko na sanang matulog pero hindi pa ako inaantok at hindi mawala sa aking isipan ang sinabi ni Doctor Gia na kailangan na naming mag desisyon kung magpapa chemotherapy ba ako o hindi. Binigyan naman kami ng ilang araw ni Doctor Gia na mag desisyon dahil hindi naman talaga madali para mag desisyon ng ganito. Alam ko naman na kapag pinili ko na magpa chemotherapy ay may possibility na gagaling ako at makaka survive ako sa sakit na dinadala ko sa loob ng ilang

