EPISODE 53 THE TRUTH GABRIELLA’S POINT OF VIEW. Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong humahalik sa aking kamay. Sino ba iyon? Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at napakurap ako sa maliwanag na ilaw. Nasa langit na ba ako? “Gabriella?” Napatingin ako sa aking gilid at nakita ko ang maamo at magandang mukha ni Aki. Bakit nandito siya sa langit? Nananaginip lang ba ako? Bakit siya ang napananaginipan ko? Naramdaman ko ang kanyang pag haplos sa aking pisngi at wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lang siya at tignan ang kanyang mga galaw. “Wala bang masakit sa ‘yo? May nararamdaman ka bang masakit? Okay lang ba ang iyong pag hinga?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Wala akong nagawa kundi ang umiling. Bumuntong hininga siya at ngumiti sa akin

