EPISODE 52 CRY SEBASTIAN AKI’S POINT OF VIEW. “No. It’s your choice, Gabriella, and you choose to leave your family, to leave me and our son. Kaya h’wag ka nang umasa na babalik ako sa iyo at ibibigay ko ang anak ko sa ‘yo. Dream on, Miss Flores.” Tinalikuran ko si Gabriella at hinay-hinay na naglakad palayo sa kanya. Ang bigat ng aking damdamin ngayon at parang gusto kong suntukin ang sarili ko sa kagagohan na aking sinabi sa kanya. Alam kong natatakot lang ako kaya ko nagagawa ito kay Gabriella, pero hindi ko rin mapigilan na mas masaktan lalo na kapag makita ko siyang umiiyak at ako ang dahilan. Nang hindi ko na kaya ang aking sarili at hindi na ako makatiis ay binalikan ko si Gabriella kung saan ko siya dinala kanina at pinagsalitaan ng masama. Nanlaki ang aking mga mata at hi

