EPISODE 51 FAINTED GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Gabriella, saan ka pupunta?” Napatigil ako sa pag-aayos ng damit at paglagay nito sa aking bag nang nakita kong pumasok si Kuya Jerome sa aking kwarto. Hindi ko alam na pupunta pala siya ngayon dito sa mansion. “Kuya!” Lumapit ako kay Kuya Jerome at niyakap siya. Nakakunot pa rin ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. “Saan ka pupunta?” muli niyang tanong sa akin. Ngumiti ako. “Pupunta akong Davao, Kuya. Nandoon kasi ngayon si Aki at si Gabriel. Gusto ko silang makita dahil matagal ko na rin silang hindi nasisilayan,” sagot ko sa kanyang tanong. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Kuya Jerome habang nakatingin sa akin. Alam ko kung bakit siya nakatingin sa akin ng gano’n, naaawa siya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngi

