EPISODE 44 GABRIELLA'S LIFE GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Gab, ayaw mo bang pumunta sa libing ng Daddy mo?” rinig kong tanong sa akin ni Kuya Jerome. Napatigil ako sa aking ginagawa nang magsalita si Kuya Jerome sa aking likuran. Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “May ama pala ako, Kuya Jerome?” sarkastiko kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga siya at umupo sa kalapit na silya at humarap sa akin. “Namatay na lang ang ama mo, hindi mo pa rin siya napatawad,” wika ni Kuya Jerome. “Malaki ang naging kasalanan niya, hindi lang sa akin pati na rin kay Mommy, sa pamilya ng Generoso, sa akin at marami pa. Hinding-hindi ko siya mapapatawad at hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya,” malamig kong sabi. Limang taon na ang nakalipas simula noong pwersahan akong dalhin

