EPISODE 45 ILLNESS GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Gusto mo bang sunduin kita diyan sa airport, Gabby? Sabihin mo lang, willing ako na puntahan ka,” sabi ni Sabrina, kausap ko siya sa cellphone ngayon. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa Pilipinas at naayos ko na lahat ng problema rito sa Italy. Nabayaran ko na rin lahat ng utang ng aking pamilya at itininda ko na ang mga negosyo namin rito. Pero hindi naging madali ang lahat, umabot ako ng isang buwan para ma settle ko lahat ng problema rito at tinulungan din ako ni Kuya Jerome para hindi ako mahirapan. “It’s okay, Sabby. Pupunta pa naman akong Manila dahil may aasikasuhin pa ako doon sa mga properties namin. Tawagan na lang kita kapag nakauwi ako diyan sa probinsya,” sagot ko sa kanyang tanong. “Okay, Gabby. Ingat ka! I missed you so

