"Aaaaah!!!!"
"Huy ano ba!" sita ko kay Bianca dahil nagtinginan ang ibang kumakain sa'min. Tuwang tuwa na naman siya dahil sa kinuwento ko. Nasabi ko na kasi sa kaniya ang nangyari kahapon.
"Ikaw na talaga Denny! Ikaw na! Pero, uhm... totoo ba? Nababanggit talaga ako ni Mark??"
"Hindi," sinamaan niya ako doon ng tingin kaya tumawa ako.
"Joke, oo nga. Hindi ka nga nagk-kuwento sa akin. Nakaka usap mo naman pala."
"Sira, tampo ka naman agad, diba nga kasi alam ko naman wala kang interes sa kanila. Pero huwag ka mag alala, dahil sa nangyari, magk-kuwenro na ako lagi sa'yo pero syempre may kapalit," Inangat niya pa ang kilay niya bago uminom ng milktea.
"Ano naman?"
"Malamang dapat mag chichika ka rin sa kin tungkol sa nagaganap sa inyo ni... Alonzus," Nagtawanan naman kami don. 'Yon na ang naging code name namin para kay Nick Miguel para hindi malaman ng mga tao sa paligid kung sino ang pinag uusapan namin. Maaga rin ako nakauwi ng araw na 'yon dahil may uumpisahan pa akong comission. Panay naman ang chat sa akin ni Bianca dahil cinonfirm daw siya ng BLAZE sa mga personal accounts nito. Pinagalitan ko pa nga siya dahil sabi ko ay sikreto lang ang mga account nilang 'yon at baka isipin na chinichika ko siya pero sabi niya naman ay matagal niya nang alam pala ang mga 'yon pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para i-follow dahil sa akin.
Makalipas ang ilang mga araw ay wala namang ibang nangyari pero kaninang umaga, nakita kong may dm si Nick kaya medyo nataranta ako at bigla ding kumalma agad.
"Your new painting looks nice. I can't comment on your post : )"
"Uy, thank you! Hahaha it's fine. Thanks for appreciating." Kaninang ala sais pa pala ng umaga yung message niya pero 9:30 na kasi ako nagising. Hindi niya 'yon agad na seen. Paniguradong busy dahil nakalagay sa story niya ay isang kuha ng practice room.
Palabas na sana ako ng pinto nang mag ring ang cell phone ko, "Hello?"
"Denille..." Agad na kumunot ang noo ko at tiningnan kung kaninong number 'yon. "Jasper?"
"Bakit ka napatawag?" Inipit ko sa balikat ang cell phone para mai-lock nang maayos ang pinto, "Jasper?"
"Sorry... I just wanna hear your voice. How are you? Can we talk?" I heaved a sigh.
"Nakainom ka ba?" "I want to see you? Where are you? Nasa bahay ka ba? Susunduin kita," Naalarma naman agad ako doon kaya umangal ako.
Ngayon lang uli siya nagparamdam. Simula nung tinalikuran ko na ang pagkakaibigan namin 2 years ago. Umabot sa akin ang balita na balak niya daw ako gawing nobya para lang patunayan sa mga kaibigan niya na kaya niyang mapasakaniya lahat ng gugustuhin niya. Akala ko ay magkaibigan lang kami, pero para sa kaniya, hinuhulog niya na pala ako sa patibong. Buti na lang at binulgar siya ng isa sa mga kaibigan niya. Halos lahat ng estudyanteng ka batch namin ay alam yon. Ang akala naman nila ay mahuhulog ako kay Jasper pero para sa akin noon, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya.
"Hindi puwede. Marami pa akong gagawin, sa susunod ka na lang tumawag," Binaba ko na agad pagtapos iyong sabihin at tuluyan nang umalis papunta sa pagkikitaan namin ni Veronica.
Kaklase namin siya noon ni Bianca, anak siya ng may ari ng Life and Arts company, kung saan ako magtatrabaho. Kinausap siya ni Bianca para tulungan ako dahil nakwento ko sa kaniya na gusto kong trabaho ay related talaga sa arts. Magp-provide ako ng mga original designs sa manager kung ano man ang need gawan ng design or artworks, at maaari ding makisama sa ibang team kapag kinakailangan.
Masaya ako ngayon dahil finally ay magkakaroon na rin ng stable income, p-pwede pang makapag padala kay tita sa probinsya buwan buwan. Habang nasa biyahe ay inaalala ko ang pag tawag ni Jasper. Meron siyang iniwan na iilang messages, gusto niya raw ako makausap kahit saglit lang. Hindi ko alam kung papayag ba ako dahil wala naman na kaming dapat pag usapan.
Siguro hanggang ngayon ay gusto niyang mag sorry dahil nabuko ko ang binabalak niya.
"Siguro kung hindi ko rin naman 'yon nalaman, ipapagpatuloy niya pa rin..." Napatingin sa akin ang grab driver kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Sinalubong ako sa lobby ng kompanya ni Veronica, madali lang akong pinapasok dahil siguro sa bilin. Hindi man kami gaanong close noon ni Veronica, pero masasabi kong friendly siyang tao noon. Sila ang mas close ni Bianca dahil hindi ako sanay makipag usap. Wala akong galing sa pagsasalita kaya ibinubuhos ko lahat ito sa pag paint o sketch.
"Hi, Denny!" Ngumiti ako pero bigla niya akong niyakap kaya natawa ako doon. Tumingin sa amin ang iilang impliyado kaya medyo nahiya.
"Blooming na blooming ka ah?" Banggit niya at pumulupot sa braso ko saka ako hinatid sa floor sa kung saan naroon ang Daddy niya.
"Nabanggit ni Bianca na mahal na mahal mo raw talaga ang arts. Buti na lang at dito ka magt-trabaho! Everyone here is assiduous. You'll love it here. Plus, hindi sobrang strikto si Dad basta you're doing your job."
"I'm glad dito ako nirekomenda ni Biancs. Thank you, Veronica."
"Ano ka ba, Gia nga." Nagtawanan kami pareho. Noon pa man, iyon ang gusto niyang nickname sa kaniya kahit wala naman iyon sa totoong pangalan niya. Nang makarating kami sa office ng Dad niya ay may kausap ito sa telepono kaya naghintay muna kami na matapos siya. Sobrang ganda ng office ng Dad niya, mayroong mga abstract, sculpture, at paintings ng mga scenery na malalaki. Meron pang nasa ibaba, at ang mga pinaka nakaka attract ay nakasabit sa dingding.
Iniabot ko sa Daddy niya ang aking portfolio nandon na rin syempre ang resume ko. Medyo kinakabahan pa ako pero ang sabi naman sakin ni Bianca ay tatanggapin daw ako agad dito dahil nangangailangan pa talaga sila ng mga artists na magiging malaki ang tulong sa kanilang kumpanya.
"Si Ms. Antoinette na ang bahalang mag briefing sa inyo mga mamaya," napalingon naman ako kay Gia pagtapos iyon banggitin ng Dad niya.
"Mayroon kasing dalawang nag apply kanina. Sa palagay ko mapupunta kayo sa parehas na team. Flexible din kasi sila pagdating sa arts. Kaya baka sa Team C kayo ilagay, konti lang kayo dahil ang mga nag i-sculpture ay nakahiwalay din sa mga nag i-sketch lang. Sila ang nasa team A and B," napatango naman ako doon.
"So, how long have you been doing arts?"
"Since I was 5 year old, Sir. I really love anything related to arts, especially painting."
"You do comissions?"
"Yes po. "
Tumango tango naman si Mr. Breguiles at ini-examin pa lalo ang document ko.
Nilingon ko si Veronica na kaswal lang na nakaupo di kalayuan sa amin at nagc-cell phone. May iilan pang tinanong sa akin ang Dad niya tungkol gaya ng kung ano ang mga long at short term goal ko about sa company nila bago siya tumayo at nakipag kamay sa akin.
"Welcome to Life and Arts, Ms. Francisco."
"Thank you so much, Sir."
"Welcome, Denny!", muli akong niyakap ni Gia kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.
"OMG! Nakita ko sa IG story ni Miguel na nandiyan siya sa isang malapit na coffee shop. Let's go there, Denny!"
"Dad, we'll just grab some coffee."
Hindi pa nga nakaka sagot ang Dad niya ay hinila niya na ako palabas doon. Nang nasa elevator kami ay naisip ko kung si Nick ba ang tinutukoy niya kanina.
"Sinong Miguel ba yung nandon?"
"Oh my- don't tell me you're not a fan of BLAZE?"
"Ahh. Yeah, I'm not a fan..." awkward akong natawa saglit, "Pero nakilala ko sila dahil kay Biancs."
"Gosh, thanks to Bianca for descending you to God knows where mountain you live in," humalakhak siya at napatigil lang nang bumukas na ang pinto.
"Close kayo?"
"Actually, kababata ko siya. We still communicate pero hindi na tulad nang noon dahil syempre, we're both busy. Have you seen him in person though? He's super guwapo na as in! Naalala ko noong bata pa kami medyo payatot pa siya."
Humihinto si Gia sa pag kwento tuwing may bumabati sa kaniyang empleyado para batiin pabalik, habang ako naman ay tipid na ngumingiti sa kanila.
"Sinama ako ni Bianca last month sa isang show nila-"
"Raally?!"
Naramdaman ko na ang mainit na simoy ng hangin dahil nakalabas na kami sa building ng company nila. Tumango naman ako sa tanong niya at hinanap saang coffee shop ang tinutukoy. Wala talaga akong balak sumama doon dahil nahihiya akong makita siya doon. Hindi naman talaga kami close, naging client ko lang siya isang beses at... nilibre ako sa isang chinese restaurant.
"Grabe, ang swerte mo! Hindi ako naka punta non dahil sa dami ng inaasikaso sa company. Alam mo next time, dapat pumunta tayong tatlo sa music shows nila or kapag nag concert na sila," pumalakpak pa siya kaya natawa ako.
"Anyway, lets go?"
"Uhm... ikaw na lang Gia. I'll wait you here o kaya sa lobby."
"Huh? Why? Ayaw mo ba ma-meet si Miguel? Don't worry, wala naman masyadong tao don ngayon dahil mag 12:00 na. Saka hindi pakialamero ang mga tao dito kaya for sure, they wouldn't mind pag nilapitan natin si Migs."
"Uhm... nahihiya kasi ako. Saka, 'di rin talaga ako pamilyar s-sa kaniya eh..." okay that's a lie, medyo nakilala ko na siya noong kumain kami dahil sa mga iilan niyang na-kuwento. Ang lola niya ang nag alaga sa kaniya hanggang sa nag binata na siya. Ngayon ay siya naman ang nag-aalaga dito pero kailangan pa rin ng katulong dahil sa trabaho.
"Oh... okay. I won't force you. I'll just buy you a coffee instead. What coffee do you want ba?"
"Tulad na lang sa order mo. Sorry, Veronica.
"Ano ka ba it's okay. Again, Gia nga Denny." Pagtapos non ay nagpaalam na siya. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makatawid na siya at nang nakaliko na ay pumasok na pabalik sa company.
"Miss, diba po kasama niyo kanina si Ms. Gia?"
"Ah yes. Bakit po?"
"Pinapatawag kasi siya ni Mr. Breguiles uli, urgent daw po."
"Kakaalis niya lang, bibili siya ng coffee saglit."
"Uhmm, puwede niyo po bang habulin Miss? Kailangan ko po kasi umakyat agad sa 8th floor dahil pinapatawag din po ako ni Ma'am Antoinette," medyo napayuko siya don at halatang nahihiya.
"Oo naman, okay lang. Sige puntahan ko na lang siya ngayon din," biglang umaliwalas ang mukha niya at napangiti.
"Thank you po, Miss! Salamat po talaga, mukhang emergency po kasi ang ibabalita ni Sir."
Tumango na lamang ako at mabilis na lumabas ng building para tumakbo at hanapin kung saang coffee shop nagpunta si Veronica.
Pagliko ko ay agad ko rin namang nakita ang shop at kokonti nga lang ang customer gaya ng nabanggit niya kanina. Napukaw agad ang mata ko sa lalaking naka all black na may suot na sumbrero at sumisimsim ng kape nang biglang umupo sa harap niya si Veronica at mukhang inaantay ang order. Ngumiti si Nick sa kaniya at nagsimula na silang mag usap.
Tumalikod muna ako saglit, ayaw ko man sirain ang momentum nila kaya lang ay importante daw ang sasabihin ng Daddy niya sa kaniya kaya huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pinihit ang pintuan papasok.
Agad na napako ang tingin sa akin ni Nick nang makapasok ako kaya medyo kinabahan pa akong lumapit. Napayuko tuloy ako at tiningna ang suot kong blush pink blouse at puting jeans.
Bago pa mabanggit ni Nick ang pangalan ko ay inunahan ko na siya at bumaling agad kay Veronica, "Gia. Sorry sa pag istorbo, bigla ka raw kasi pinapatawag ng Daddy mo. Sorry talaga, uhm urgent daw kasi."
"Omg. Sige, sige. Migs, I have to go. Next time na lang tayo mag catch up. Denny, paki wait na lang ng order ko. I payed for it already, dalhin mo na lang sa office ni Dad ha? Thank you!"
Mabilis siyang naka alis doon kaya na estatwa tuloy ako sa kinatatayuan dahil hindi ko alam kung paano ako maghihintay. Luminga linga na lang ako at naghahanap ng medyo malayong table dito kay Mr. Celebrity guy.
"Are you looking for someone?"
"Huh? No." Bakas sa boses ko ang hiya dahil sobrang hina nang naging sagot ko sa kaniya.
"Why don't you sit down first?" muli akong napalingon sa kaniya. Nakasuot siya ng specs ngayon kaya medyo nag iba rin ang aura niya. Mukha siyang college boy... na may piercings.
Binibilang ko ang piercings niya nang bigla siyang tumingin sa akin kaya napa iwas agad ako nang tingin. Kinakabahan ako dahil baka kilala pala siya ng dalawang natitirang customer dito.
"So, you now work at Gia's company?"
Tipid na tango lamang ang respond ko. Ang tagal naman ng order, gusto ko na agad makabalik sa building. Curious man ako kung anong ginagawa ng isang 'to dito ay hindi na ako nagtanong pa.
Akala ko ay hindi na siya magtatanong pa dahil ginamit niya saglit ang cell phone niya, "I thought you want to be art professor?"
"Mahirap kasi maghanap ng pag-aaplyan. Nirekomenda lang ako doon ng best friend ko kila Gia since classmate rin naman namin siya noon," siya naman ang napatango tango ngayon.
"Miss Gia."
Agad na akong tumayo doon para kunin ang dalawang take out na coffee. Nasa isip ko nang ngitian na lamang si Nick at lagpasan nang bigla siyang tumayo kahit may konti pa namang natitira sa cup niya.
"I also need to go."
Tumango na lamang ako. Siya ang nagbukas ng pinto at pinauna niya akong makalabas, "Thank you." Nakasuot na ang itim niyang mask kaya napatitig na naman ako sa mata niya.
Palagay ko'y kabisado ko na ang mata niya at kahit makita ko uli siya sa kung saan nang naka face mask at may sumbrero ay makikilala ko pa rin siya.
"Nice seeing you again, Denny. Our building is just two minutes away. Kailangan nang bumalik sa practice." Tumango naman ako don at ngumiti.
"See you around then, Nick."