Chapter 5

1882 Words
Binagsak ko agad ang sarili sa kama pagka uwi. Ala syete na nang nakarating ako sa bahay. Pero sabi sa amin ay mas gagabihin kami ng uwi simula bukas. Na briefing na kami at excited na excited na ako magsimula. Bukas na bukas ay may ia-assign na samin at kailangan namin iyong magawa at ipapasa ang output sa sasabihing deadline ni Ms. Antoinette. Tinanggal ko na muna ang sapatos dahil medyo nanakit na rin ang mga paa ko, nilibot kasi ako ni Gia kanina pagtapos nilang mag usap ng Dad niya. Kailangan daw muna siyang ipadala sa probinsya nila sa Ilo-Ilo para sunduin ang tito niya, balak daw atang mag trabaho din o tumulong sa kumpanya nila. -- "Oh Biancs, bakit?" "Girl! For sure ako ikaw yun!" tumili tili pa siya at halatang kilig na kilig. Ano na naman bang tinutukoy nito? Binuksan ko ang ref at nakitang paubos na iyong mango juice doonna paboritong paborito ko kaya iyon na lang ang kinuha para isalin sa baso. "Ano na naman ba yan ha?" "Anong kulay ng suot mo kanina nung pumunta ka sa kumpanya nila Gia?" Bumaba ang tingin ko sa damit na hanggang ngayon ay suot ko pa rin dahil di pa nakakaligo para magpalit. "Uh... blush pink?" Kumunot na ang noo ko at napainom sa baso. Narinig ko siyang tumili sa kabilang linya kaya nailayo ko ang cell phone sa tainga, "Ano ba kasing meron? Ang sakit sa tainga ha." "Gurl! Iba ka!" "Sabihin mo na kasi, ano ba yun? Nakita mo ba ako kanina?" "Nako, i-open mo ang IG mo, check mo story ni Alonzus. Naka close friends pa nga yun hihi, medyo kinikilig ako na kasama ako sa close friends niya!" humagikhik pa siya. "Oh ano namang meron sa story niya?" Narinig ko ang buntong hininga niya at nai-imagine kong nag roll eyes pa siya dahil sa sinabi ko. Eh sa hindi ko gets yung catch dun? Ano naman kung nag story siya? "Hay nako Denny, konting pakita naman diyan ng curiousness! My God, tatanda kang single kung mananatili kang walang interes sa lahat!" Natawa naman ako doon, noon pa man si Bianca na palagi ang nagpu-push sa akin na pumasok na ako sa relationship dahil naaawa na raw siya sa akin at hindi ako nakakaramdam ng kilig. Sabi ko sa kaniya'y hindi ko kailangan non. Gusto ko munang maabot ang mga pangarap ko at maging successful, makakapag hintay naman ang pag-ibig at sigurado akong dadating yun kapag tama na ang panahon. Ayokong ipilit ang lahat. "Oo na, iche-check ko mamaya." "Mamaya pa?! Ngayon na! Sige ibababa ko na tawag. I check mo na ngayon." Hindi pa ako nakakasagot ay binaba niya na nga. Pinindot ko ang i********: at ang kulay green na naka palibot sa icon ni Nick. Wow, kasama din ako sa close friends? Napatayo ako nang tuwid. Boomerang iyon kuha ang labas ng coffee shop kanina at ang kape niya. Nahagip ako doon pero hindi naman nakita ang mukha, nakuhanan lang ang damit ko at ang kamay na naka salikop sa ibabaw ng table. Chinat ko agad si Bianca para itanong kung paano niya naman natukoy na ako agad iyon, 'di ba pwedeng ibang kakilala niya? Biancakes: Oh balak mo pa itanggi? Kabisadong kabisado ko na itsura mo, saka diba pinakita mo sa akin yong damit na isusuot mo para sa pag apply mo don. Ako: Wala naman sigurong meaning yun. Baka gusto niya lang talaga i-story kung nasan siya. Biancakes: Ay nako sigurado ako meron! Sus, baka na love at first sight yon! Sa ganda mo ba naman yan! Talented pa at mabait! Paboritong paborito ka ni Lord, girl! Ako: Sira! Bahala ka diyan. Ang mahalaga may trabaho na ako. Yun lang :P Napa iling na lang ako, hindi naman kasi totoo 'yong love at first sight. Anong love don? Paano ka niya mamahalin kung ang pisikal na anyo mo pa lang naman ang nakikita niya. Siguro may iba pang eksplanasyon kung totoo man 'yon o hindi, pero para sa akin ay hindi ako naniniwala doon. Even in second chances, not that because I haven't experience it pero kasi kung may nagkamali sa relasyon niyo, it means, desisyon niya yon at alam niya sa sarili niya ang pagkakamali niya at nasa iyo naman ang desisyon kung pagbibigyan mo siya. Ayoko sa lahat ang nagiging tanga at never akong magiging tanga sa pag-ibig. Naging mahimbing ang tulog ko sa gabing iyon dahil umulan, maaga akong nagising para magluto ng agahan ko at makaligo na. Alas nuwebe ang oras ng pasok ko, ngayon ay alas otso pa lang. Inayos ko muna ang kuwarto bago mag ayos ng sarili, naalala ko noon ay nagagalit sa akin si mama kapag hindi ko inaayos ang kama tuwing magigising, sa huli ay siya na ang nag aayos non at aalukin niya na ako ng agahan. Napa ngiti ako at medyo nalungkot nang maisip na nabubuhay na lang ako mag isa. Wala akong kapatid at malapit na kamag anak dito, ang iba ay nasa ibang bansa. Si Auntie Anya na lang ang maaari kong lapitan na nasa bicol. Kapag bakasyon noon ay nagpupunta ako doon, siya ang tumutulong sa akin noon sa pagpapa-aral nong mag c-college na ako. Malaki rin ang utang na loob ko sa kaniya kaya ngayong may magandang trabaho na ay pwede ko nang masuklian ang mga ginastos niya sa akin. Sixteen ako nang namatay si papa dahil sa pneumonia, habang inatake naman sa puso si mama ilang buwan pagtapos kong mag eighteen. Mag t-twenty na ako next year. Mabuti at hindi ko naabutan ang k-12 curriculum dahil paniguradong maghihirap si auntie Anya na pag aralin pa ako. Nagamit ko ang mga natirang pagmamay ari nila mama at tulong na rin ni auntie. Umuwi siya dito noong namatay si Mama. Mahigit dalawang linggo lang ang itinagal niya at kinailangan nang bumalik sa kanila dahil naroon ang pamilya niya. Mahihirapan sila kung lilipat sila dito sa amin. Ang ibang gamit ay naibenta ko upang makatulong sa akin, ang mga natitira na lang ay ang mga damit nila mama at papa at ang ibang gamit pa nila na hindi ko kayang ipagbili sa iba kaya naroon pa rin ang iba sa kuwarto nila. Noon pa man ay proud sila sa akin dahil sa pagiging consistent kong with honors sa pag-aaral kahit na medyo alanganin sila sa gusto kong kurso ay ramdam ko namang suportado nila ako. Masaya kami at palaging may oras para sa isa't isa maliban na lang sa iilang araw kapag kinakailangang umalis ni papa para sa trabaho niya bilang engineer. Si mama naman ay dressmaker. Nagt-trabaho sila pareho sa kumpanya kaya madalas na walang tao sa bahay dahil pumapasok din ako, pero nagkakasabay pa rin naman sa hapagkainan. Pinunas ko ang kamay sa luhang tumakas sa aking mga mata. Hindi ako mahina. Kayang kaya ko ang pagsubok na ito, hindi ako pinalaki nina mama at papa nang sumusuko na lang agad. Isang malalim na buntong hininga ang ibinuga ko bago nagtuloy sa pagkilos at nag ayos na ng sarili. Tinali ko ang humahaba ko nang buhok, mukhang kailangan ko na uli magpa gupit. Noon, ay gustong gusto ni mama na mahaba ang buhok ko dahili hilig niya itong itirintas. Nagsuot lang ako ng konting kolorete sa mukha at ayos na. I'm wearing a white chiffon long sleeve blouse paired with pencil skirt and black flat shoes. Ngumiti ako sa salamin at hinawi ang humahaba ng side bangs. "Good luck to your first day, Denny!" sinalubong ako ni Gia at binigay na sa akin ang I.D. Malaki ang ngiti ko habang sinusuot iyon. "I'll be leaving today. I hope you'll get along with other employees here. Next week pa siguro ang balik ko dahil balak ko rin mag stay dun nang ilang araw." Tumango naman ako, "Okay lang, enjoy your stay there, Gia." Pagtapos non ay sumakay na ako ng elevator para umakyat sa 6th floor. Kahapon ay nakilala ko na ang iilan sa mga kasama ko at lahat naman sila ay mababait ang pakikitungo pero nang buksan ko ang pinto ay may isang babae na nakataas ang kilay at mukhang naguguluhan kung sino ako pero nang makita ang i.d ay agad siyang dumiretso sa pagkakatayo at binuksan nang malaki ang pinto para makapasok ako. Ngumiti naman sa akin si Amanda, siya yung nag apply din kahapon. Ang kaibahan lang talaga ay hindi na ako ininterview na katulad sa kanila. "Uy, excited ka na rin ba?" Ngumiti ako at tumango. Sa tantiya ko ay nasa mahigit anim lang kaming nandito. Malalaki at hiwa hiwalay ang table. Maaliwalas ang itsura ng kuwarto namin at may malalaking naka sabit na painting sa ding ding. Minimalist lang ang disenyo pero maganda. May mga materials na sa bawat table namin pero dala ko pa rin ang iba kong gamit. Inassign na sa amin indibidwal ang aming gagawin. May iilan pang paalala si Ms. Antoinette bago siya lumabas ng studio. "I hope you do your best for this assignment. Pass the output to me by Friday, kahit na meron kayong dalawang araw, make sure na may progress kayo ngayong araw." -- "Bawal ang cell phone sa oras ng trabaho, Miss... kabago bago pa lang eh," Medyo nakataas na naman ang kilay nung babae, hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi. Balak ko sanang ipasak sa tainga ang earphones para makinig ng music dahil doon ako nakakabuo ng idea para sa id-drawing. "Uh... sorry, makikinig lang sana ako ng music para makabuo ng idea. Sorry..." tiningnan niya na lang ako at umiling. Pinasok ko na lang uli ang earphone at ini-sleep mode ang cell phone bago muli nilagay sa bag. Napa buntong hininga na lang ako at nag try mag sketch. Kailangan namin magpasa ng drawing related sa mother's day para ngayong week kay Ms. Antoinette, maaaring mag iba iyon kapag may nagandahan siyang gawa sa amin. Ang ibang team ay nai-assign naman daw sa pag sculpture at painting. Next week ay iba na naman ang mai-a-assign sa amin. Kapag may pumasa sa gawa namin ay iipunin ang lahat ng nakapasa sa ilang buwan at iyon ang mga isasama sa exhibit. May mga kilalang ibang malalaking kumpanya ang pumupunta dito para sa exhibit kaya naman ginanahan na ako at inumpisahan na ang gagawin. Nabanggit na rin sa amin na mayroong araw sa isang linggo kung saan puwede kaming hindi pumasok, at 'yon ay kung walang naka assign sa amin para sa buong week na 'yon. Nang mag lunch break ay chineck ko agad ang cell phone ko para i-message sana si Bianca pero biglang nag ring iyon at nakita ang number ni, "Nick?" Nag alinlangan pa ako kung sasagutin iyon pero pinindot ko pa rin ang accept. "Uh hello?" "Hi." "Bakit ka napatawag?" "First day?" "Sa work? Yes, paano mo pala nalaman." Ilang segundo siyang natahimik. Hindi siguro alam ang isasagot. Oh my... stalker ba siya? Nakunot ang noo ko sa naisip. Ang kapal naman ng mukha kong mag-isip na isang sikat ang nang i-stalk sa akin. Tsk. Hay nako Denny. "Uh... Sorry. Am I creeping you out?" ako naman tuloy ang natahimik. Uh yes? "I just got the info from Mark, na-kuwento raw kasi ng bestfriend mo," mariin akong pumikit at minasahe ang bridge ng ilong. Ang babaeng hilaw na yon! "Ahh..." This is so awkward, ayoko man isipin pero nag r-replay na lang bigla sa utak ko ang sinabi ni Bianca na baka may gusto sa akin itong si Nick. "I'm really sorry, I just want to ask you to eat lunch... with me," nanghina ang boses niya sa huli. Napatingin naman ako sa paligid. Hindi ko alam ang sasabihin ko! "S-Sure. Pero baka may makakita sa'yo? Ayoko namang maging instant famous..." I chuckled, trying to get rid of the awkwardness. Oh my god Denille! Oh my god! Kumabog nang malakas ang puso ko. What the f is happening?! "Don't worry about that, the people here doesn't really recognize me when I'm not with other members." Hindi ko na alam kung maniniwala ako sa kaniya, ako nga nakikilala ko na siya kahit mata niya lang! "I'll wait you here at locavore, malapit lang din doon sa coffee shop yesterday... Or should I fetch you instead?" napatayo ako dahil doon kaya napatingin sa akin si ate girl na kanina pa ako tinataasan ng kilay. Kaming tatlo na lang nina Amanda ang natira dito. Nag lalagay siya ng face powder at napataas ng kilay nang napatayo ako. "H-Hindi na. Hintayin mo na lang ako." "Alright then, see you Miss Aila..." Napasinghap ako nang naibaba na ang tawag. Lumapit sa akin si Amanda nang nakangiti. Napatingin naman ako sa isa naming kasama, "Ano bang pangalan niyan ni ate sungit?" Natawa siya konti sa sinabi ko, "Si Miss Camila yan. Apat na taon na raw dito nagt-trabaho at hindi pa rin na p-promote. Oh ano sasabay ka ba sa amin nila Karl?", iyong kasabay niya rin kahapon ang tinutukoy niya. Mapait akong ngumiti sa kaniya at napalingon sa lumabas na si Miss Camila. "A-Ano kasi may im-meet akong friend. Pero today lang naman! Bukas sasabay na ako sa inyo. Need lang makipag chika," what a great liar. "Ohh... okay! Sige enjoy sa lunch! Una na ako?" Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Bumaling ako sa table ko at kinuha ang salamin "Shit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD