Chapter 1

1302 Words
"Bilis Denny!" Inaayos ko ang bag ko habang tumatakbo papasok sa studio para samahan ang best friend ko. Hindi naman dapat ako kasama dito eh, pinilit lang ako nitong si Bianca dahil wala raw siya ibang makasama. "Teka, sige na mauna ka na sa loob. Bibili lang ako tubig dito", nakakita kasi ako ng stall sa gilid. Hindi pwede mag dala ng ibang pagkain sa loob at hindi ko naman kasi alam kung gaano ba 'to katagal kaya iinom na lang muna ako para hindi mauhaw mamaya. Lahat ata ng manonood nakapasok na sa loob at ako na lang ang mag isang naglalakad. Kakabukas ko pa lang ng bottle nang may tumakbo at nabangga ako kaya paglingon ko ay natapon ito sa kasunod na dumaan. "Oh My, hala! Sorry!" Nanglaki ang mata ko nang makita mukhang miyembro siya ng BLAZE at pati yung tumakbo kanina. Napalunok ako ng tatlong beses nang wala sa oras dahil nakita kong nabasa ang suot niya. Hindi ko alam kung sino siya pero mukhang medyo nairita siya sa nangyari at nakatingin doon sa lalaking ka grupo niya na naka bangga sa akin. "Sorry talaga!" Nako. Mukhang ka-kailanganin niya pa atang magpalit! Nabasa iyong cobalt blue niyang coat pero mukhang tuyo naman iyong panloob. "It's fine." Malamig ang boses niya kaya kinabahan ako kahit na sinabi niyang okay lang. Napalingon ako sa babaeng tumatakbo palapit sa kaniya. Lumipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa at napansin niyang basa 'yong damit nito. "Nako, sir Miguel! Mag-i start na raw po ang show in 3 minutes. Bakit po nabasa itong coat? Ikaw ba ang may gawa nito?" Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. Aba't hindi ko naman sinasadya eh! "No. Nabangga siya ni Mark kaya natapon iyong tubig. It's fine. Huhubarin ko na lang 'tong coat. Let's go." Magsasalita pa sana ako para humingi uli ng tawad pero mabilis na silang naglakad palayo. "Bakit natagalan ka, Denny?" Naupo na ako sa tabi ni Bianca. Kapansin pansin na ang ingay ng iba pang audience. Hindi naman kami ganoon karami, mukhang ipapalabas pala ito sa television. Maraming camera sa paligid at medyo madilim dito sa parte ng mga manonood except sa stage na puno ng kulay blue na iba't ibang disenyo. Winter ang theme ng stage kaya may faux snow rin na naka lagay sa gilid at puno pa ng ibang kulay blue ang stage pati na rin ang ilaw. Ik-kuwento ko sana kay Bianca kaso biglang nagsalita ang MC at pinakilala na ang BLAZE bago ito mag perform. Ang sabi sa'kin nito ni Bianca ay pumirma na raw ng kontrata yung grupo sa Star Ace Entertainment at maaari na silang makilala internationally. Schoolmate niya kasi ang isang miyembro nito noon kaya todo support siya kahit na hindi naman pala sila close nun nung tinanong ko siya. Halos mabingi ako nang nagsitilian ang mga babae nang nag dim na lalo ang ilaw. Mas lalo pa itong lumakas nang lumabas na ang grupo. Napako ang tingin ko sa nag iisang miyembro na walang suot na coat at tanging white long sleeve polo lang na naka bukas ang tatlong butones. Siya iyong natapunan ko kanina. Ngayon ko lang siya na obserbahan at masasabi kong deserve nga nilang lahat na matilian nang ganito kalakas. Side parted na dark brown ang buhok nito, mas maputi rin siya sa iba at at sakto lang ang tangkad. Iba-iba ng styles ang bawat miyembro pero nasa kaniya lang ang atensyon ko, "Sino 'yong naka white?" "Si Miguel, Nick Miguel. Iyong pinaka matangkad naman si Vincent, itong nasa kaliwa si Neo, 'yon namang nasa gitna ngayon si Kyle, tapos itong nag r-rap ngayon ay si Jayson... at yung blonde hair ay si Mark, siya yung schoolmate ko." Halatang masaya si Bianca habang pinapakilala sila isa-isa sa akin. Hawak hawak niya pa rin iyong banner na ginawa namin kagabi. "Para lang rin silang kpop group. Ang pagkakaiba... Mas may chance tayo ditoooo!" Nagulat ako nang bigla siyang tumili kaya tinawanan ko na lang at nagpatuloy na lang sa panonood. Hindi ko alam kung ilang kanta ba ang pinerform nila pero nang tumigil sila ay nakahinga na ako nang maluwag. Kanina ko pa gustong kumain, minadali ba naman ako nitong best friend ko kaya hindi ko na naubos ang breakfast. Muling naupo ang karamihan pagtapos palakpakan ang nakakapagod na performance ng BLAZE. "Keep believing and be brave, this is BLAZE!" Si Mark iyong nagsalita at nagsabay sabay lang nang sinabi ang pangalan ng grupo. Muli na namang nagtilian ang mga babae kaya napalingon lingon ako sa paligid. "Hindi ko pala nasabi mga position nila. Si Mark ang leader at vocalist din, while Miguel is the main vocalist at visual nila sa grupo, si Vincent iyong lead vocalist, tapos si Kyle ang main rapper tapos si Jayson ang lead, and then si Neo ang main dancer." Tumango na lang ako kahit medyo naguluhan. Nang isa-isa silang nagpakilala ay tuloy tuloy ang sigawan para akong nagmumukhang kj dito kaya pumapalakpak na lang ako. "Anong oras ba matatapos 'to?" Sinubukan kong hindi magtunog na bored na bored na pero mukhang nairita pa rin si Bianca sa tanong ko kaya ngumiti ako. "Patapos na 'to. May konting announcement lang siguro sila tungkol sa song na malapit nang irelease and then mag m-message for fans." Kinuha ko na lang ang cell phone ko at naglaro ng offline games. Wala talaga akong interes sa mga ganitong pagiging fan girl kahit noon pa man. Nang nag angat ako ng tingin ay nanigas ako sa kinauupuan ko. Nakatitig sa banda namin iyong si Miguel. "Oh my god, Shiena! Nakatingin ata si Miguel sa atin!" "Oh my god! Oh my god!" Paulit ulit sila nang sinasabi, tiningnan ko si Bianca pero mukhang kay Mark lang siya naka focus kaya lumingon uli ako kay Miguel at nag iwas na ito ng tingin. Namukhaan niya siguro ako! Or baka napansin niyang ako lang iyong hindi nanonood sa kanila habang nagsasalita sila isa-isa? "We hope that you guys will like our upcoming song. So, please look forward into that." Iyon lang naman ang sinabi ni Miguel pero parang walang bukas kung maka tili na ang mga babae. Nagpaalam na sila at nag take ng group picture kasama kaming mga audience. Unti unti nang naglabasan kaya masaya akong nilingon si Bianca. Finally! "Grabe, Biancs. Gutom na ako. Kain muna tayo!" Umagree naman siya don kaya nagmadali na ako nang biglang sumulpot sa harap ko si ate na tinarayan ako kanina. Stylist kaya siya ng BLAZE? "Hi. Uh.. Sorry natarayan pa kita kanina." Nagulat ako doon pero ngumiti rin agad, "It's okay po. Hindi mo naman alam-" "Can I get your number?" Napatigil ako doon at pati si Bianca ay naguluhan. May hawak na maliit na papel si ate at ballpen. Napatingin ako sa bestfriend ko para manghingi ng isasagot pero kahit siya ay naguguluhan. "Uhm... No need na po. Okay na po yung sorry." I gritted my teeth. Hindi ako sure kung tama ba sinagot ko pero mukhang nag alanganin siya. Mukhang nangangapa pa siya ng sasabihin. Buti na lang at nakalabas na ang mga tao kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito at iyong naglilinis sa stage. "Ah hindi 'yon, uhm... I will offer you something." Matagal bago ko pa napagdesisyonan, mukhang hindi naman ako ipapakidnap or what naman nito ni ate diba? "O-Okay, sure." Kinuha ko ang papel para isulat ang number ko, pansin ko pa na parang nakahinga siya nang maluwag. Nang nakalabas na kami ni Bianca ay bigla na lang siyang huminto sa harap ko at nag takip ng bibig, "Oh my gosh, Denille!" "What? Gutom na ako Biancs. Please, kain muna tayo." Hihilahin ko na sana siya pero hindi nagbago ang ekspresyon niya sa mukha kaya kumunot ang noo ko. "That was Nick Miguel's P.A!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD