Chapter 2

1252 Words
Isang linggo akong kinukulit ni Bianca tungkol sa nangyari noong nanood kami ng show ng BLAZE. Araw-araw niya akong tinatanong kung nag text daw ba sa'kin o ano. Pero wala namang nangyari. Hindi ko pa rin alam kung para saan ba yung pagkuha ng numero ko. "Baka dahil doon sa nagawa kong pagtapon sa damit nung... Nick Miguel." Parang hindi ako narinig ni Bianca at pinagpipilitan niya na baka si Miguel na raw ang soulmate ko. "Hindi eh. Diba nga humingi naman na ng tawad yung P.A nung lumapit sa'yo? Pinakuha yon ni Nick. Sigurado ako! Nako! Ikaw na talaga pinagpala. Pag nalaman yan ng iba nilang fangirls, talk of the town ka panigurado." Umiling na lang ako. Iyon nga ang pinaka ayaw ko, 'yong nakakakuha ako ng atensyon na hindi ko gusto. Saka napaka imposible namin nung Nick Miguel na 'yon kaya hindi ko naman masyadong iniisip, itong kaibigan ko lang talaga ang palaging nangungulit. "Oo nga pala, diba ibibigay mo na yang painting?" tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng sandwich. "Ito nga ata pinaka mabilis kong gawa. Maganda ba? Feeling ko kasi may konting mali. Parang nagmamadali kasi yung nag--" Biglang tumunog ang cellphone ko, napa roll eyes na lang ako. Yung client na naman. "Hindi daw ako pwedeng ma-late kasi kalkulado niya na ang oras niya." "Sino ba 'yan?" "Alonzus Michael daw, taga pasig." "Oh saan meetup niyo? Sayang di kita masasamahan." "Pumayag na ako sa Ayala, may bibilhin rin naman akong mga materials. Tawagan ko na lang daw siya." Nang tumingin ako kay Bianca ay tutok na tutok naman siya sa cp niya kaya napa buntong hininga na lang ako. "Wala namang sss eh!" "Huh?" "Yung client mo, ch-check ko sana." Humagikgik siya, natawa naman ako. "Kahit kailan ka talaga! Malay mo hindi siya mahilig sa social media." "Nako mag-iingat ka ah. Samahan na kaya kita? Pwede naman akong 'di umattend dun sa seminar." Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Ngumiti ako sa kaniya at pinilit siya na kaya ko na. Masaya ako na kahit isa lang siya na bestfriend ko ay sobra sobra naman ang pagmamahal namin sa isa't isa at parang magkapatid na ang turingan namin. Sa buhay kailangan na'tin ng tao na alam mong hindi ka papabayaan kahit anong mangyari, yung hindi natatawaran yung pagmamahal at tiwala niyo sa isa't isa. Kahit isang tao lang, okay na, kaysa marami pero sa kasiyahan ka lang kayang samahan. Nagsimula na akong mag-asikaso nang naka alis si Bianca. Palagay ko hindi naman scammer o ano yung client ko. Maayos naman ang usapan namin, nga lang ay gusto niya maibigay ko na talaga ngayon. Isang itim na piano sa labas ng isang simpleng bahay at may mag amang naka upo doon. Siguro sila iyon ng tatay niya. 24 x 26 ang size ng canvas kaya hindi ako gaanong nahirapan magdala at sinigurado kong hindi ito madudumihan. Mahirap na, mukhang perfectionist pa naman iyong Alonzus. "Hello? Nandito na ako. Ako yung naka black shirt at jeans. Saan ka po?" Inikot ikot ko ang paningin ko, wala naman ako makitang posibleng siya. "I'm in my car right now, ako yung nasa unahan. Lapit ka." Napalunok ako doon. Medyo kinakabahan ako pero hindi niya naman ako siguro ki-kidnapin diba? Marami rami namang tao kaya pag sumigaw ako, malaking chance na maililigtas ako. Huminga ako ng malalim, kakatukin ko na sana ang bintana ng kulay itim na sasakyan nang bumaba ito. Napa diretso ako nang tayo nang makita kung sino ang client ko. "Ah... Ito na po." Inangat ko ang hawak hawak ko pero bigla siyang tumingin sa harap, "Pasok." Nanglaki ang mata ko don. Napatingin ako sa paligid baka makita kami ng fans niya. Kahit na naka sumbrero pa siya ay halatang si Nick Miguel siya, "Pero... May gagawin pa kasi ako, pwede mo namang ah... iabot dito yung bayad para tapos na?" Sinubukan kong hindi maging sarcastic at pilit na ngumiti nang nilingon niya ako. Saka lang nag sink in sa akin lahat nang tinitigan niya ako. Alonzus Michael pang nalalaman. Paano niya nalamang artist ako? Number ko lang naman nakuha niya sa'kin ah? Ang dami ko pang tanong pero naputol ang pag iisip ko nang muli siyang nagsalita. "Pumasok ka na. Hindi ako masamang tao." Aba, hindi pa rin tayo sigurado diyan. Wala namang masamang tao na bigla na lang aamin na masama talaga siya, kailangan pa muna nila mag panggap. "Hindi na po talaga, Sir. Kukunin ko na lang po talaga bayad. Wala naman po tayo ibang napag usapan." "I'll treat you lunch." "Ay, nako yun lang po ba? Wag na talaga, Sir. Kumain naman din na ako bago pumunta di-" "Do you eat Chinese food?" Napa buntong hininga na lang ako bago tumingin sa paligid. Ayaw talaga pa talo ah. Pilit akong ngumiti at pumasok na sa kotse niya. Agad niyang sinara ang bintana at nag start ng mag maneho. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko sana magtanong kaso irereserba ko na lang para mamaya sa kakainan namin. Tumingin na lang ako sa labas nang naramdaman kong kinukuha niya iyong painting na hawak ko pa rin. Naka stop pa pala, binitawan ko na iyon kaya nailagay niya na sa backseat. Napatitig ako sa kaniya at bigla akong nakaramdam ng kaba. Agad akong umiwas ng tingin dahil bigla akong na-awkward-an. Napapikit tuloy ako nang mariin nang sumagi sa isip ko si Bianca. Paniguradong hindi na talaga ako titigilan nong babaeng 'yon. "Are you okay?" Napa dilat ako don at nilingon ko siya, agad naman akong tumango, "Y-Yeah. I'm... okay." Muli na lang akong tumingin sa bintana, buti na lang nag go na kaya wala na sakin ang atensyon niya. Muli lang akong napabaling nang nagpatugtog siya, "Oh, ayaw mo ng music niyo?" "I should be the one asking you that, you don't like our music, right?" Nagulat ako don kaya umangal ako, nako, napansin niya bang wala akong interes nung show nila? "Hindi naman sa ganon. Ahm, ano, wag ka mao-offend ha? Hindi kasi talaga ako fan. Sinama lang ako nung best friend ko, ka batch niya raw kasi yung isa niyong member. Siya, siya yung super fan niyo talaga." Ilang beses niya akong nilingon kaya todo iwas naman ako. "Uh... Ikaw paano mo nalaman na nag papa-comish ako?" Hindi ko na talaga nakayanan kaya nag tanong na ako. Hindi niya ako nilingon pero sumagot naman siya agad. "Facebook." "Eh paano mo nalaman account ko?" Bigla namang tumigil ang sasakyan, "We're here." Napatingin ako sa isang hindi pamilyar na chinese restaurant. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nags-suot ng facemask. Tagong tago, parang mukhang makakakuha pa rin siya ng atensyon niyan. "Here. Wear this." Inabot niya sa'kin ang itim na facemask. Ilang segundo ko pang tinitigan bago ko tinanggap, awkward pa akong tumawa pero nauna na siyang lumabas. Umikot siya at napatigil ako nang pinagbuksan niya pala ako ng pinto. Agad naman akong lumabas at nauna na siyang maglakad. Pagpasok namin ay may pinakita siya sa cell phone niya sa isa sa mga staff at biglang tinuro nito ang isang pinto. Napansin kong may iilang nakatingin, mukha pala kaming couple sa lagay na 'to. Parehas na parehas kami ng suot. Umiiling iling pa ako sa naisip nang bigla akong nilingon ni Miguel at ng staff. "Ma'am? This way po." Napatingin ako kay Miguel at pabalik kay kuya saka dahan dahang tumango. Nakayuko na lang akong sumunod sa kanila. May ilan pang nagbubulungan kaya tinago ko na lang ang mukha ko gamit ang buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD