"You never look good trying to make someone else look back." -Anonymous
“Walanghiya ka! Ang kapal ng mukha mong gawin sa’kin ‘to Harold!”
Pag-mulat ng mata ko, sigawan na mula sa baba ng bahay narinig ko. Ang galit na sigaw ni mama ang palaging gumigising sa’kin. At ang papa ko na laging na huhuli na may kasamang iba’t-ibang babae.
Ganito ang laging kina-gigisingan kong pamilya, minsan ay halos ayaw ko nalang umuwi sa hirap at pag-iisip na kung anong klaseng buhay ba ang meron ako ngayon. Minsan na iisip ko na siguro may masama akong ginawa sa kapwa kaya ako humantong sa ganito.
Wala na akong magagawa. Isa nalang ang na sa isip ko, ang grumaduate at maka-alis sa bahay na ‘to, isa na rin ang maging proud silang dalawa sa’kin.
Nag umpisa na ako mag-ayos ng mga gamit ko, pati na rin ang sarili ay hinanda ko na sa pag-labas ng kwarto ko. Baka mamaya pag labas ko ay may bumubulusok na naman na mug sa pwesto ko, who knows?
“Ma, alis na po ako” paalam ko kay mama pag-baba ko mula sa kwarto. Medyo huminto na ang away nila, parehas silang malayo sa isa’t-isa at hindi nag papansinan.
Mas mabuti na rin ‘to kesa nakikita ko sila sa mismong harap ko na nag-aaway at nag babatuhan ng kung ano-ano. Minsan pa naman ay nanginginig ang katawan ko sa tuwing nag-aaway sila, siguro sa trauma dahil simula bata na kikita ko na silang nag aaway.
“Sige, mag-ing” parehas kaming nagulat ni mama ng isang malakas na ingay ang nang galing sa kusina. Agad akong pumunta doon at sumalubong sa’kin si Papa na galit.
Gusto kong tumakbo, habang papalapit siya pero hindi ko magawa. Nanginginig ang buong katawan ko sa nakikita ko, kasabay ng mga kalampagan na gamit na pinag-hahagis ni papa.
“P-pa, masakit po” na iiyak kong sabi. Hawak niya nang mahigpit ang balikat ko, halos magusot na rin ang uniform na plinantsa ko kagabi.
“Ganyan ba ang turo ng magaling mong ina sayo, Monica?!” nangangalaiti niyang sigaw. Mas lalo niya pag hinigpitan ang pagka-hahawak sa balikat ko, pakiramdam ko’y hindi niya ‘yon bibitawan hangga’t hindi nanaman nag iiwan ng malalaking pasa sa katawan ko.
“Please, papa bitawan niyo p-po ako” namimilipit na ako sa sa’kit, rinig ko ang pag-sigaw ni mama pero walang ibang magawa ang mga sigaw n’ya.
Hindi pa rin tumitigil si Papa.
“Bakit takot ka sa’kin hah!?” tumango ako. Takot na takot ako sa’yo pa.
Sa tuwing nag-aaway kayo ni mama, sa tuwing na ririnig ko ang sigaw mo’t boses kinakabahan na ako. Iba ang impact ng bawat kalabog na ikaw ang gumawa, dahil ang unang pumapasok sa isip ko’y mananakit ka nanaman.
Yan ang gusto kong sabihin pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko, dahil sa takot nab aka kung ano ang pwede niyang gawin sa’kin.
Papa ko s’ya at anak lang ako, wala akong maipag-mamalaki sa kanya dahil sa kanila pa ako umaasa.
“Buti nang may takot ka sa’kin!” kasabay ng pag-tulak niya sa’kin.
Pinunasan ko kaagad ang luha ko, ang sakit ng balikat ko pero ang sakit ng puso ko.
Pakiramdam ko ay hindi talaga ako mahal ni papa, kung sa bagay sino nga ba naman ako hindi ba?
Isa lang akong anak ng kabit.
Pinakiramdaman ko ang balikat ko, mamaya ko nalang titignan pag na sa school na ako. Buti pa sa school, pwede akong tumawa at sumaya kahit panandalian lang.
N-nanginginig ang kamay ko na dinampot ang bag ko sa sahig, “M-ma, alis na po ako”
Hindi ko na hinintay pa na mag-salita si Mama, lumabas ako ng bahay at bumungad sa’kin ang mga chismosang nag hihintay na bumukas ang pinto ng bahay namin.
Isa pa sila, mga walang magawa sa buhay! Mga taong walang ginawa kundi ang maging CCTV sa buhay ng iba.
“Anong nangyari, Monic?” tanong ng isa na dala pa ang sanggol na anak para maki-chismis. Umiling lang ako at tumakbo papalayo.
Sigurado mamaya pag-uwi ko ay may kung ano-anong kwento nanaman ang malalaman ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa lugar namin, wala rin naman pag-babago ‘yon sanay na ako.
Walang tigil kong pinupunasan ang mukha ko, nakayuko lang akong nag-lalakad para walang ibang maka-pansin. Ganito ako, palaging masaya pag kasama ang iba pero hindi naman talaga.
Katulad ng araw-araw, sumakay ako ng jeep papuntang school.
Kailangan ko nanaman ngumiti sa harap ng mga classmate at kaibigan ko para hindi sila mag-alala sa’kin.
Ganito ako lagi, sa tuwing kaharap ang iba pinipilit ko maging masaya at enjoyin ang buhay ko pero at end may takot at lungkot pa rin sa puso ko.
Ilang oras din akong na sa byahe bago makarating sa school. Isang semi-private ang pinapasukan ko, buti na nga lang ay may pinatupad na batas na ngayon ang libreng matrikula kaya kahit paano’y na bawasan ang aalahanin ko sap era.
Kaya kahit may kalayuan sa’min ay tinitiis ko ang byahe. Ayaw ko ma-disappoint si mama, alam kong ako nalang ang inaasahan niya.
Pumasok ako sa room, katulad ng normal na classroom ay may nag tutmpukan na magka-kaibigan. Napangiti ako ng kompleto na sila, medyo late na rin pala ako buti nalang wala pa si sir.
“Anong ganap?” bungad ko sa kanila pero walang ni isang pumansin, inirapan lang ako ni Rose at umalis sa tabi ko.
Oo nga pala, wala rin pala akong kaibigan.
Natatawa kong isip, kasama ko lang sila pero ramdam ko na hindi ako belong.
Kina-ibigan lang naman nila ako dahil ako ang nangunguna sa klase, alam ko rin na na iinis sila sa’kin sa tuwing hindi ako naka-sasama sa pag-kain nila sa labas.
Na upo nalang ako sa pwesto ko, mas mabuti nalang manahimik ako dito. Wala rin naman gusto kuma-usap sa’kin.
Napahawak nalang ako sa balikat ko kung saan ang hinawakan kanina ni Papa. Hindi pa nga magaling ang hiya ko sa hita dahil sa ginawa niyang pag-bato sa’kin ng baso nang nakaraan, ngayon pasa naman ang nilagay sa katawan ko.
“Aw!” hinaing ko ng may bumunggo sa balikat ko. Si Rose.
“Ang arte mo naman! Hindi naman malakas ang pag-bangga ko sa’yo kung maka-reak ka dyan!” reklamo niya. Nakataas ang kilay n’ya sakin, hinimas ko nalang ang balikat ko.
“Hindi naman sa gano’n pero” pag-papaliwanag ko, pero isang kamay ang humila ng uniform ko para ma pigtas ang botones ng uniform ko.
Agad na niluwa ang pasa sa balikat ko, medyo na mumula pa ‘yon at naging kulay lila sa higpit ng paghawak kanina ni papa.
“Yuck! Ano ‘yan monica, chikinini?!” sigaw ni Bea na humablot ng uniform ko. Agad ko naman tinago ang pasa sabalikat ko at akmang mag-sasalita na ng umeksena nanaman si Rose.
“Halatang bagong lagay pa lang sa balikat n’ya, kaya ba namumula ang mata mo? Malaki ba?” sabay tawanan nilang tatlo.
Pinilit ko nalang pigilan ang luha ko, hindi naman ‘to chikinini. Hindi rin nila alam kung saan talaga ‘to nang-galing.
“Sarap ba ng may sugar daddy, Monica? Libre mo naman kami, kahit milktea lang!” malakas na hiyaw ni Bea.
Tinignan ko ang ibang na sa room, nakita ko ang pang-huhusga sa paningin ng iba at ang iba naman ay nag iiling.
Wala naman akong ginagawa ah?
Tumayo ako sa kinauupuan ko pero agad akong hinila ni Rose pa upo sa upuan ko. Nandidiri ang paningin niya sa’kin at si Bea na walang tigil sa pag-tawa.
“Bakit ka aalis?” hindi ako sumagot. Hindi ko naman kailangan mag paliwanag ng sarili ko, mas kilala ko ang sarili kesa sa kanila.
“Masyado ka naman defensive, Monica. Bakit totoo bang may sugar daddy ka?” muli silang nag tawanan tatlo.
Wala akong magawa kundi ang yumuko at pigilan ang mga luha ko. Wag mo sila patulan, Monica.
Wala lang silang magawa sa buhay nila, palibahasa hindi nila alam ang pinag-daraanan mo ngayon. Wala silang alam Monica. Wala.
May ibang kumatyaw na at nakikisali, mas lalo konggusto lumubog sa kina-uupuan ko ngayon. Buti nalang at dumating na si Sir kahit medyo late na.
Tumahimik ang lahat at kumuha ng papel. “Okay, ilagay niya ang name niyo at ibibigay ko na ang grade niyo for Midterm”
Nag umpisa akong mag-sulat, masakit ang balikat ko sa tuwing ginagalaw ko at na pwersa pero kailangan ko ‘to gawin. Ayaw ko ma-dissapoint si Mama sa’kin.
Esquibel, Monica A.
Second year College
BSBA major in Financial Management
Tama kayo, sa awa ng diyos ay naka-abot ako ng second year. Last sem na ngayon, mahirap dahil sa pressure ni Mama at sabayan pa ng family problem.
Gumugulo na ang na iisip ko, minsan nga ay di ako makapag-aral ng maayos dahil sa ka-iisip ng problema na hindi ko dapat isipin. Hindi ko lang ma-iiwasan minsan, mas lalo na tuwing aalis ako na nag-aaway at uuwi sa bahay na hindi alam ang aabutan.
“Esquibel, Monica A.” tumayo ako ng tawagin ako sa harap. Kailangan ko maging uno kay Sir para hindi ako maging delikado sa dean lister.
“Hindi ko alam kung anong problema, bumaba ang quizzes mo pati na rin ang result ng exams mo. Kailangan mo mahabol ‘yan Miss Esquibel” sabi ni sir at nilagay ang 89 sa papel ko.
Nakaramdam agad ako nang panlulumo sa nakita ko, bat ganito? Wala akong reklamo na bumalik sa upuan ko, bago pa man ako maka-upo ay hinila na ni Bea ang papel na hawak ko.
“89? 94 ka last time diba? Mahirap ba ipag-sabay ang sugar daddy at pag-aaral?” malakas niyang sabi bago muling nag tawanan ang mga classmate ko.
“Epekto ‘yan nang hindi pagpapa-kopya sa’min!” sigaw ng isang lalaki.
Napayuko nalang ako at hinayaan ang papel ko. Wala akong oras para sagutin sila at ipag-tanggol ang sarili ko dahil ang na sa isip ko ngayon ay si Mama.
Siguradong ma-didissapoint siya sa’kin dahil bumaba ang grades ko.
“QUITE!” sigaw ni sir.
Napa-buntong hininga nalang ako, bakit ba sobrang malas ko. Wala na nga akong masayang pamilya, wala rin maayos na kaibigan?
Wala naman akong ginagawa sa kanila, bakit pinag-tatawanan nila ako ng harapan at nag papalabas ng kung ano-anong mga bagay na hindi naman totoo.
Una si Papa. Pangalawa sila Bea’t Rose at Pangatlo itong grades ko.
Ano pa ba ang kailangan kong problemahin, kulang pa ba ang pasakit na nararamdaman ko sa bahay?
Gusto ko lang naman maging masaya, bat hindi kaya ibigay ng mga taong naka-paligid sakin no’n?
Isang subject lang kami ngayong araw. Ngayon naman hindi ko alam kung saan ako pupunta, siguradong nandoon si Papa at baka saktan ako ulit.
Napa-kagat lagi ako ng di sinasadya na ma-pwersa ang balikat ko. Mukhang sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko nang umuwi.
“Una na ako” paalam ko sa kanila.
“Bakit ang aga? Mag-kikita pa ba kayo ng sugar daddy mo?” pang-aasar na sabi ni Bea.
“Baka kulang pa ang round kaninang umaga” singit ni Rose bago sila muling nag tawanan tatlo. Kasama si Joanna na palagi nilang katabi.
“Masakit kasi ang balikat ko” paliwanag ko bago kinuha ang bag ko sa upuan. Ka-didismiss palang ni Sir, ang iba ay nag-aayos pa at ang iba ay naghaharutan.
“Wag ka kasing pasobra, wag masyadong wild!” sabat ni Rose.
“Baka mamaya niyan makita ko nalang na nasa pornhub ka na kasama ang sugar daddy mo” hindi papatalo na sabi ni Bea.
Ang iilan ay napa-tingin sa’min, naka-hihiya lang dahil may irregular pa kaming kasama at ganyan ang lumalabas sa mga bunganga nila.
Ngumiti ako, tinggal ko ang pagka-hahawak sa balikat ko bago tinabig ang uniform ko. Sakto na para makita nila na pasa ang sinasabi nilang chikinini.
Mga naturingan susunod na edukada pero ang mga bunganga ay walang preno kakapanira ng kapwa. Mga tao nga naman, hindi nila alam kung ano ba ang tunay na nangyari bago mag bunganga.
Mga walang pinag-kaiba sa mga chismosang na walang trabaho, pero sila level up. Mga edukadang mapanira, palibhasa’y nalalamangan at di matanggap sa sarili.
Pero kung tutuusin, utak at ganda lang naman ang meron ako. Wala akong pera, maayos na bahay at mas lalo wala kong matinong bahay katulad ng sa kanila kaya kung titignan mas lamang pa sila sa’kin.
“Bat mo nilabas? Nag hahanap ka pa ng iba?” taas kilay na tanong ni Rose.
“Baka nakulangan pa sa isa. Gusto ata ng criminology” dugtong ni Bea bago sila ngumisi sa’kin.
Ngumiti lang ako ng matami sa kanila at marahan na napa-iling.
“Iba ang pasa sa chikinini, wag kayong bobo.” Aniko bago ako tumalikod.
“Bobo pala kayo eh!” sigaw ng isang lalaki na mapang-asar, tinakpan ko ang pasa ko at lumabas ng room.
Mahirap paliwanagan ang mga taong kulang sa aruga, mas lalo na kung inggit pa sa kung anong meron ka.
Umuwi ako ng bahay, tahimik ang bumungad sa’kin. Nandon pa rin ang mga chismosa sa harap ng bahay at nag-aabang na balita, siguradong tumahimik lang para tignan ako na dumadaan.
“Ma?” tawag ko, lumabas mula sa kusina si mama. May hawak siyang walis at dustpan.
Nag-umpisa akong kabahan, mabait si mama pero iba kung magalit.
“Sorry ma” tanging na sabi ko bago inibaot sa kanya ang isang papel. “Bumaba ako ng limang puntos sa Law, sorry ma”
Wala akong na rinig, tinignan ko lang siya at bumungad sa’kin ang masamang tingin niya.
“Ito ba ang gusto mong ipag-malaki sa ama mo, Monica?! Ang baba ng grades mo! Sabihin mo, may nobyo ka no?!” galit na sabi ni Mama.
Agad akong umiling “Wala ma! Wala po akong boyfriend” paglilinaw ko pero halata sa mukha niyang di naniniwala.
“Umakyat ka na sa kwarto mo, Monica” Mama.
“Sabing umakyat ka na!” wala akong magawa kundi ang sundin ang inutos niya, tumalikod ako sa kanya at nag umpisa nang maglakad ng mag-salita siya muli.
“Dissapointed ako sa’yo, Monica. Baka nga tama ang papa mo nang sinasabi tungkol sa’yo”
Agad na nag patakan ang luha ko. Masakit ma-dissapoint ng dahil sakin ang mga importanteng tao sa paligid ko, mas lalo na kung si Mama. Pero;
Mas masakit ang walang maniwala sa kakayahan mo.