“Pulling someone down will never help you reach the top.” –anonymous
Chapter 2
Makapal na kilay, sa ibabaw ng singkit kong mga mata. Maganda ang pagiging bagsak ng buhok ko na mas nag papakita ng maliit kong mukha. Humarap ako sa malaking salamin ng kwarto ko.
Medyo namamayat na ako sa palaging maraming iniisip, na hihirapan na rin ako matulog sa gabi dahil sa nararamdaman ko sa dibdib ko.
Lungkot na hindi ko ma-intindihan, lungkot na nararamdan ko ngayon.
Siguro dahil na disappoint sa’kin si mama o baka dahil sa ginagawa ng tinuturing kong kaibigan?
Kinuha ko ang bag ko bago bumaba, tahimik at hindi ako na gising dahil sa sigawan ngayong araw. Wala silang dalawa ngayon, ang alam ko ay lumayas si papa dala ang mga iilan niyang gamit.
Napabuntong hininga nalang ako. Ganon ba kahirap ang mag stay sa’min ni mama?
Kung sabagay, wala akong magagawa. Kahit nga ang tunay niyang pamilya ay na gawa niyang iwan kami pa kaya ni mama na kabit lang.
Dumiretso na ako palabas ng bahay, as always. Nag-hihintay nang pwedeng mapag-chismissan ang mga chismosa sa labas nang bahay, wala na akong kailangan pang asahan.
“sus, ‘yang si mae na tira na ‘yan ni Christian. Kunwari lang ‘yang santo” bulong ni Rowena.
Napa-iling nalang ako, ang galing humanap nang butas ng iba pero ang anak naman niya ay isang malaking PAKARAT.
Hindi na ako nag abala na tignan sila, nag diretso na ako paalis. Mga gano’on bagay ay hindi kailangan pang pagka-abalahan.
Sumakay ako sa jeep, at ilang oras din ang byahe. Mas mahaba pa kesa sa inaasahan, mabuti na lang ay maaga din akong pumasok ngayong araw. Tatlong subject lang naman kami, konti nalang ang units namin ngayon kumpara dati na halos sa school na kami tumira.
Pag pasok ko sa room ay medyo marami na sila, nandon na rin sila Rose at Bea. Pansin ko ang masamang tingin sa’kin ng iilan kong classmate, mga tingin na hindi maka-paniwala.
“Pwede bang sumama muna ako sa inyo?” tanong ko kay Beri, nag tinginan naman silang apat bago tumango.
Umupo na ako sa tabi nila, nasa gilid lang ako at hindi umiimik. Ayaw ko muna silang kasama, sa tuwing gumagawa sila ng bagay para pag-tawanan ako ng iba at pumangit ang tingin sa’kin nasasaktan ako.
Tao din naman ako, hindi ako umiimik at nag sasalita gaano pero ang bawat ginagawa nilang ika-papahiya ko sa lahat ay nakakasakit din sa’kin.
Akala kasi nila ay hindi sila nakaka-sakit sa ginagawa nila. Hindi rin naman tama na pag-tawanan ka habang naka-talikod mas lalo na kung ang mga tao na tumatawa sa’yo ay sarili mo ring kaibigan.
“Monica, bat nandyan ka? Diba kela Rose ka sumasama?” malakas na tanong nang isa, umiling nalang ako at bago ngumiti.
Ayaw ko mag komento sa kahit anong tungkol sa kanila, dahil una sa lahat kaibigan ko pa rin sila. Ayaw ko silang mawala kahit ganito ang ginagawa nila sa’kin.
Baka masyado lang akong sensitive ngayon, mas lalo na’t napapadalas nang nakaraan ang pag-aaway ni mama at papa sa bahay.
Kahit sabihin nang iba na ang problema sa bahay ay dapat sa bahay lang, syempre hindi pa rin ma-iiwasan na maapektuhan pa rin ako habang na sa school.
“Baka warla sila, hindi naman lalayo ‘yan kung ayos sila.” Sabat ng isa kong classmate. Parehas silang naka-simangot, tama naman sila. Hindi naman ako lalayo kung walang problema.
Mas ayos na rin ang ganito kesa makisama ako sa kanila at hindi ko maramdaman na belong ako. Minsan nga ay pinaparinggan pa ako sa twitter dahil alam nilang di ako gaanong active don.
“Totoo ba, Monica?” tumaas ang kilay ko. “Na sinabihan mo daw silang bobo dahil nag bibiro sila ng chikinini mo daw sa balikat pati may sugar daddy ka daw?”
“Sino?” pinapanatili kong kalmado ang boses ko.
“Si Bea, hindi nga ako maka-paniwala sa sinabi niya. Hindi ka naman ganon na tao, kaya ayaw ko sana maniwala sa sinasabi nila.” pagpapaliwanag niya.
“Sinabihan nila ako nang may chikinini kahit pasa ang nakita nila.Pinapahiya nila ako sa klase kahapon, kahit nandyan si Sir.
Ano ba dapat ang asahan mo sa’kin?” hindi naman kasi porket mabait ako, hindi na rin ako na pupuno at nasasaktan.
Hindi ako mahilig pumatol sa ganyan, ayaw ko nang gulo pero alam ko kung sobra na. Hindi rin ako pinalaki ni mama para api-apihin nila, dahil lang sa mas naka-tataas ako o dahil lang sa inggit sila.
“Pero biro lang naman daw ‘yon”
Umiling ako sa kanya bago ngumiti,
“May biro ba na pinapahiya ka sa harap nang maraming tao? Biro pa ba na inaakusan ka na ginagamit ang sariling katawan para magka-pera at biro pa ba ang ginagawang paninirang-puri na ginawa nila ngayon?”
Hindi siya maka-imik. Tama ako, hindi mo kailangan gawing biro ang paninirang puri na katulad nang ginagawa nila sa’kin kahapon. Kung tunay silang kaibigan dapat na sa amin nalang ang issue kahapon, hindi naman nila ika-tataas ‘yon.
“Ganon ang sabi sa’min kagabi, ka-chat ni Bea si Rushielle at ganon ang sabi niya.”
“Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, kilala mo ako. Ilang taon na tayo mag kaibigan, alam ko ugali mo at alam ko na alam mo rin ang sa’kin. Nasa inyo na kung maniniwala kayo doon” mahinahon kung sabi kahit puno na ako ng galit.
“Tsaka sabi din ni Bea dati may sugar daddy ka daw dati” napa-kagat nalang ako ng labi ko. Hindi ba talaga sila titigil?
“Katulad ng sabi ko na sa inyo na ‘yon kung maniniwala kayo.”
Tumayo na ako, pakiramdam ko ay anytime tutulo na ang luha ko.
Wala nga akong boyfriend na mananakit sa’kin, pero mali naman ang sinasamahan kong kaibigan.
“Beri, CR muna ako” pag-papaalam ko, tumango naman siya at iniwan ko sila doon.
Kaya naman pala iba ang tingin ng iba sa’kin, bakit sa mga wala kahapon nila kwinento. Bakit sa mga naka-kita kahapon nang mga nangyari di nila kwinento, siguro dahil alam nila na hindi nila ako masisiraan.
Gusto ko sila awayin, gusto kosila prangkahin pero ang dami ko nang iniisip sa bahay. Ang dami ko nan gang problema sa magulang at pag-aaral ko dadagdag pa sila, anong klaseng tao ba sila?
Pumunta ako sa cr nang mag-isa, sanay naman ako mag-isa. Kakayanin ko naman ata na walang kaibigan na nasa tabi ko, hindi rin naman sila maituturing na kaibigan dahil sa ginagawa nila sa’kin.
Nakaraan ko pa sila na ririnig at may nag susumbong sa’kin na patalikod nila akong pinag-uusapan at pinag-tatawanan pero hinahayaan ko lang. ilang taon na kami mag kasama kaya ayaw ko na sanang gumawa ng ika-sisira namin.
Ngayon, nakita ko na ang tunay nilang ugali. Sila ang mga tao na mabait sa tuwing kasama mo at kung ano-ano na ang sinasbai sa tuwing nakatalikod.
Pag pasok ko nang cubicle agad na nag patakan ang luha ko. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, bakit ganon?
Imbis na tanungin nila ako kung ayos lang ba ako, o anong problema ko mas pinili pa nilang siraan ako sa marami. Ang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang ilang taon namin na pag-kakaibigan.
Ayos lang naman sana kung harapan nilang sabihin ang problema nila sa’kin, kung anong problema sa ugali o ginagawa ko pero bat humantong pa sa ganito?
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Ang dami ko nan gang iniisip sa problema ko, dinagdagan pa nila. mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, imbis na sila ang malalapitan ko sila pa ang mas nag patumba sa’kin lalo.
“Kaya mo ‘to, Monica. Pekeng kaibigan sila hindi sila kawalan, tandaan mo!” bulong ko at patuloy na pinupunasana ng mga luha ko na patuloy lang sa pag-bagsak.
Hindi mo sila kailangan iyakan Monica. Hindi sila karapadtdapat sa luha mong ‘yan.
Pinilit kong patahanin ang sarili ko bago lumabas ng cubicle, wala pa rin tao at isang babae ang naka-tingin sa’kin. Walang emosyon ang mata niya, walang kahit anong mababasa kahit sa mukha niya.
Seryoso lang siyang naka-tingin sa’kin hanggang maka-labas ako ng tuluyan sa cubicle.
Pumunta ako sa sink at nag hilamos, laking gulat ko nalang nang nasa tabi ko na siya.
“Narinig ko ang mga sinabi mo kanina” mahinahon niyang sabi pero parang may laman ang bawat salita niya. “Katulad mo naranasan ko na yan.”
“Yung ano?” maang kong tanong sa kanya, hindi ko siya kilala pero sa tipo palang ng uniform na suot niya ay parehas kami ng course pero mukhang ibang major lang siya.
“Plastik na kaibigan, siniraan at umiyak sa cr” natatawa niyang sabi bago ako hinawakan sa balikat,
“Makakayanan mo ‘yan, wag kang papatalo sa kanila. Tanungin mo ang sarili mo kung ano ba ang kinaiinisan nila sa’yo at gawin mo lalo, hangga’t mamatay sila sa inggit.”
“T-teka, paano mo na laman?”
“Katulad ng sabi ko kanina, naranasan ko na ‘yan. Hindi mawawala sa mundo ang ganyang mga tao, ang hilahin ka pababa hangga’t di ka na maka-bangon pero wag kang mawalan ng pag asa. Dahil ang mga ganyan tao hindi ka lang kayang lamangan.” Natatawa niyang sabi bago tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.
“Umiyak ka, hanggat gusto mo umiyak. Namnamin mo ang bawat sakit na binigay nila sa’yo, unti-unti makakatakas ka at makakawala ka sa ginawa nila sa’yo. At doon matutunan mo ang lahat, na hindi lahat nang nasa paligid mo ay totoo at kailangan pag-aksayahan ng oras pati luha.” Malalim na sabi niya.
Seryoso pa rin ang mukha niya, wala akong makita na kahit anong emosyon pero ang mga salita niya ay may diin. Tama naman siya, pero sa sitwasyon ko wala akong ibang masamahan.
Sila lang ang tinuturing kong kaibigan, sa kanila ko pinaikot halos kalahati ng college life ko. Wala akong ibang msasamahan, wala akong pwedeng iyakan.
“Tandaan mo ang sinabi ko sa’yo, dahil darating ang oras na tatawanan mo sila.” Huling sabi niya bago tuluyan nang lumabas ng cr.
Pinunasan ko ang mukha ko, hindi ko siya kilala pero bat parang alam niya ang lahat nang nangyayari sa’kin ngayon?
Lumabas ako ng cubicle at pumunta sa room, sabay-sabay ang irap nang iilan ang nakuha ko pati na rin ang naka-ngising si Bea at nakataas na kilay ni Rose.
Hinayaan ko sila, wala akong magagawa.
“Ang tagal mo naman sa banyo, chinat kita pero hidi mo sineen” bungad ni Beri sa’kin.
“Ay, pasensya na. Pwede ba na sa inyo muna ako sumama?” pakiusap ko. Kailangan ko talaga ng pwedeng samahan, kailangan ko ng masasandalan pero pakiramdam ko walang pwedeng pag-katiwalaan.
“Actually gusto ka namin dati pa, masipag ka at ang galing mo sa harap ng maraming tao. Kaya bakit naman hindi?” sagot ng isa sa grupo ni Beri na si Jaspher.
Agad naman akong na pangiti sa sinabi niya, atleast kahit paano ay may makakasama na ako.
“Salamat!”
Medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit paano, mahihirapan akong mag adjust dahil iba na nag makakasama ko pero mas ayos ‘to.
Mas maayos kung iba na ang magiging kasama ko kesa mag-isa ako na kinakain ng problema ko, o ang makisama sa dating tinuring kong kaibigan pero patalikod akong sinisiraan.
Pumasok ang pangalawa naming prof, nag bigay nang mga sasagutan at agad na umalis.
Wala na kaming next subject dahil may meeting ang lahat ng professor kasama ang president ng school namin.
Kasabay ko si Beri, Jaspher, Joyce at Bryan na lumabas ng school. Buti nalang at parehas kami ng dadaanan ni Bryan pa-uwi at kahit paano’y may makakasama ako.
“Ano bang nangyari?” tanong ni Bryan. “Bakit ka umalis sa group mo at sumama sa’min? Anong dahilan mo?”
“Nakaraan ko pa gusto lumayo sa knaila, iba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing kasama sila o kausap. Kanina na laman ko na may pinapakalat sila na ikaka-sira ko, kita mo kahapon hindi pumasok sila Rushielle sabay kanina iba na ang tingin sa’kin. May iba na palang nangyayari,” pagpapaliwanag ko.
“Ano ba ang nangyayari?”
“Nalaman ko na pinapa-kalat nila na sinabhan ko daw sila ng bobo kahapon, totoo naman pero y8ng maging mag malinis at hindi sinabi ang mga tunay na nangyari at ginawa nila.” sobrang naka-sasama ng loob.
Sila ang inaasahan ko na makakasama ko hanggang maka-graduate pero sila pa pala ang gagawa ng paaraan para sa pagbagsak at pagka-sira ko sa ibang tao.
“Oo nga, kahapon ilang beses ka nila pinahiya kahapon. Napa-iling na nga lang kami kung bat ka pa sumasama sa mga ganong kaibigan, masyadong toxic.” Kaya pala umiling sila kahapon, kaya pala ganon nalang ang tingin nila.
Atleast alam ko na may mga tao pa rin kahit paano na concern sa’kin kahit papaano, at sa mga hindi ko pa inaasahan na mga tao ko malalaman ‘yon.
“Ayon nga, sinabi nilang biro lang daw ‘yon. May biro ban a ipa-hihiya ka sa harap ng tao at hihilahin ang damit mo para may mapag-tawanan, sabay sa bandang huli ako pa ang ginagawa nilang masama” naiinis kong sabi.
Sila lang ang nakilala kong gano’n na tao, mga sanay na mamabaliktad at gumawa ng storya na ika-sisira ng iba, sana nag journalism nalang sila total magaling naman sila gumawa ng storya.
“Hayaan mo na sila, mga walang magawa lang yan. Tsaka kahit saan mo tignan lamang ka sa kanila” umiling lang ako.
“Mas lamang sila sa’kin hindi lang nila nakikita, dahil mas inuuna nila akong tignan” totoo. Maswerte sila kumpara sa’kin.
“Hayaan nalang natin” sabi ko para maiwasan ang topic.
Hindi rin nag tagal ay bumaba na ako ng jeep na sinasakyan namin, nakayuko lang akong nag lalakad ramdam ang kakaibang kirot sa puso ko.
Ang sakit, masakit pala traidurin ng sariling kaibigan. Ganito pala ang pakiramdam ng nararamdaman ng iba.
“Mabuti umuwi ka na agad, heto ang allowance mo. Aalis ako, ‘yang allowance para galingan mo sa pag-aaral hindi para lumandi.” Bungad ni mama bago ako tinalikuran at lumabas ng bahay.
Mas sumakit ang dibdib ko sa sinabi ni mama, bakit ganito? Bakit parang wala akong kakampi dito sa bahay?
Bakit ganito ang trato nila sa’kin bakit ganito?
Lahat naman ginagawa ko para magustuhan nila ako, para kahit paano ay maging proud sila sakin na maging kaibigan o anak pero bat ganito ang ginagawa nila sakin?
Binaba ko ang bag ko sa sofa at pumunta sa kusina para kumuha ng pag-kain, nang mahagip ako kutsilyo sa gilid. Kinuha ko ‘yon at tinignan ang matulis niyang hasa.
Paano kung patay na ako, makikita ba nila ang mga maganda at pag-hihirap na ginawa ko?