"Maybe death hurt less than life." -anonymous
Chapter 3
Naka-yuko akong pumasok sa room, hawak ang kabilang kamay ko na may kaunting hiwa na ginawa ko kagabi.
Ang sarap sa pakiramdam na saktan ang sarili, habang emosyanal ka rin na nasasaktan dahil sa iba.
Hindi mo maramdaman ang tunay na sakit sa ginagawa mo sa katawan, dahil mas nanaig pa rin ang sakit sa dibdib mo.
Gusto kong iiyak lahat, lahat nang sakit na nararamdaman ko pero walang lumalabas sa mga mata ko. Naiipon lahat sa dibdib ko, kinikimkim ko ang lahat ng galit, sakit at puot sa buhay ko.
Dagdagan pa ngayon na wala akong kaibigan na pwedeng lapitan, wala akong mapaka-tiwalaan sa lahat problema ko.
Pakiramdam ko mababaliw na ako, pakiramdam ko ang sarap tapusin ng buhay ko.
“Grabe! Ang lakas manira ng iba” salubong sakin ni Rose.
Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa tabi ni Beri.
Wala akong balak na tumabi kela Rose, hindi pa ako okay at pakiramdam ko mas lalo lang ako na stress.
“Be, may na rinig ako kanina na sinisiraan mo daw sila Rose.” Nag-aalala na sabi ni Beri sakin ng tuluyan na akong maka-upo.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kalian pa?
“Huh? Kalian?” nag-tataka kong tanong sa kanya bago inayo ang sarili na humarap sa kanya.
“Matagal na daw. Yun daw ang rason mo kung bakit ka lumayo sa kanila, kaya ka namin ipag-laban pero gusto namin malaman kung totoo ba ang sinasabi nila.”
“Walang katotohan ang kinakalat nila. Una, paano ko sila sisiraan kung sila lang naman ang lagi kong kasama. Pangalawa, hindi ako ganong tao hindi ko kaya at mang apak ng iba. At pang-huli, lumayo ako sa kanila dahil nalulungkot at may problema ako na sinasabayan nila.” paliwanag ko sa kanya.
Hindi naman ako gano’n klase nang tao. Once na tinuring kitang kaibigan, ituturing ko na ring kapatid ko sa ibang ina. Hindi ako katulad ng kapit-bahay namin, ayaw ko gawin sakin kaya ayaw ko rin gawin sa iba.
“Sabi sa’yo eh!” sabi ni Jhasper na pumunta sa pwesto namin.
“Hindi niya magagawa ‘yon, tsaka kahit saan tignan mali sila sa ginawa nila.”
“May ano ba?”tanong ko.
Bat may issue ako na hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, bat may ganitong nangyayari ngayon?
“Sinabihan mo daw silang bobo, nag bibiro lang naman daw sila.” Sigaw ni Jhasper kunin ang atensyon ng iba.
“Diba, sinisiraan niya kami” sagot ni Bea.
Masama siyang naka-tingin sakin ganon na din ang iilan namin mga kaklase na malapit sa kanya.
“Kaya pala walang kaibgan yan dahil ganyan ugali” sabi ni Kath. Kaklase namin.
“Kailan ko kayo siniraan?” kalamado kong tanong sa kanya.
Napipikon na ako, una pinapahiya ako sa harap ng maraming tao. Ngayon naman gagawan ako ng walang ktotohanan na kwento.
“Pakunwari ka pa, wag ka ngang pa inosente!” tili ni Bea. Tuluyan nang naagaw ang atensyon ng lahat nang na sa klase.
Tumingin ako sa kanya ng kalmado, nakaramdam nanaman ako ng sakit sa dibdib ko.
“Wala naman talaga akong ginagawa sa inyo. Kayo lang naman ang nagpa-lalabas ng kung ano-ano na tungkol sa’kin.” Sagot ko.
Hindi ko na kaya manahimik, hindi ko na kaya pang mag tiis sa mga ginagawa nilang paninira sakin.
Akala ata nila hindi ko alam na pinag-uusapan nila ako, na ako ang sinisiraan at laging binabaliktad ang mga sinasabi nila.
Para mag mukha silang mabait at ako naman isang supladitang kontrabida.
“Kami pa, pero nalaman namin na sinisiraan mo kami. Hindi lang naman sila Rose ang sinisiraan mo, pati na rin kami at ako.” Galit na sabi ni Kath.
“Hindi nga tayo close” natatawa kong sabi sa kanya.
Paano ko naman siya sisiraan, ang alam ko lang naman sa kanya ay mahilig siyang tumawa.
Kaya paano ko siya sisiraan sa iba, at hindi naman ako close sa iba para mag kwento ng kung ano-ano.
“Wag ka nang pa-victim! Nag bibiro lang naman kami nakaraan, pero anong sabi mo sa’min na bobo kami. Bakit monica? Dahil ba matalino ka sa’min kaya ang lakas mo mag sabi sa’min nang ganon. Anong klase kang kaibigan?!” iskandalo rin ni Bea.
Wow, siya pa ang may gana na mag salita at mag-akusa ng gano’n bahay. Siya naman ang pasimuno nang lahat nang ‘to.
Ito na naman ba kami? Ang playing victim nanaman ang gagawin?
“Tanong ko sa’yo, may kaibigan ba na ipa-hihiya ang kapwa kaibigan sa harap ng maraming tao? Kaibigan ba kitang maituturing kung pati ako sinisiraan mo sa iba?” natatawa kong sabi bago tumingin sa pwesto nilang dalawa.
“Tsaka biro? Biro ba ang ipag-sigawan na may sugar daddy at may chikinini ako kahit walang katotohanan. Ngayon ang hinihimutok niyo, sinabihan ko kayong bobo? Paano kung sabihin kong biro lang ‘yon”
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng sabihin ko ‘yon, napa-ngunguhan nanaman ako ng galit ko.
Ang hirap pigilan ng emosyon, kung sarili moa lam mong punong-puno ka na sa mga ginagawa nila.
“Hindi ka ba maka-intindi ng biro, Monica? Biro nga lang ang sinabi namin na may sugar daddy ka, na may chikinini ka. Pinakita mo nga sa’min na pasa ‘yon. Sana kung may problema ka samin dapat sinasabi mo!” paliwanag niya sakin.
Halata na rin ang galit sa mukha niya, sa kanilang lahat. Wala naman akong pake, wala akong pake sa kanilang lahat.
“Hindi matatawag na biro ang ginawa niyo, biro yon pag dating sa inyo pero para sa’kin? Ayos lang sana kung tayong apat lang ang nandon, pero ang ipag-sigawan niyo. Why? Gusto niyo atensyon?” dahil ganyan ang ginagawa nang mga taong kinulang sa atensyon.
Ganyan na ganyan, katulad ng ginagawa nila ngayon.
“Hindi atensyon ang gusto namin. Baka ikaw? Pabida ka naman diba?” naka-ngisi na sabat ni Rose.
“Pabida, siguro ang description ng pabida sa inyo ay ang pagsagot sa harap at pag-rerecite. Alam niyo, sa punto na ‘yon, kayo na ang may problema hindi ako.” Walang emosyon kong sabi.
Once na nag recite ka, pabibo ka na. Once na pumunta ka sa harap para sumagot, kulang ka na sa atensyon.
Tanginang pag-iisip ‘yan, mga pag-iisip ng mga bobo na tao.
“Wag mo nga kaming baliktarin dito. Kaya siguro galit na galit ka sa sugar daddy dahil meron ka talaga. Wag masyadong defensive na pag-hahalataan ka masyado.” Sabay pa-ikot niya ng eyeball niya sakin.
“Kayo lang naman nag pa-kakalt ng may sugar daddy si Monica!” singit ni Beri na nasa tabi ko na.
Galit na rin ang mukha niya, mukhang na pikon n rin siya sa mga nangyayari ngayon.
Sinong hindi diba? Ang kaibigan mo sinisiraan at ngayon balak kang gawing masama sa sarili nilang kwento.
“Hindi naman ako defensive, hindi ko rin naman ginawa yung mga sinasabi niyo. Hahah, baka kayo? Diba nga Bea laspag ka na?” natatawa kong sabi sa kanya.
“Mas mukha ka pa ngang may sugar daddy kesa sa’kin.”
Kita ko naman ang pa-mumula ng mukha niya, na below to the belt ko na ata ‘to.
“How dare you para sinaraan ako sa harap ng maraming tao?!” galit na galit niyang sabi bago ako akamang lalapitan. Nag uumpisa nanaman siya mag skandalo.
“Nag tanong lang naman ako kung laspag ka na. Why so defensive?” balik ko sa kanya ng tanong.
“Akala mo porket kaibigan ka namin hindi kita papatulan? Hah?!” sigaw niya at akamang lalapit sakin pero agad siyang pinigilan ng iba naming mga kaklase.
“Kaibigan? Kaibigan ba kita? Alam ko kasi ang kaibigan, hindi ipa-hihiya ang kapwa kaibigan sa harap ng maraming tao.” Kalmado kong sabi sa kanya.
Napa-upo ako sa upuan ko, nanginginig na ang buong katawan ko sag alit at sakit ng dibdib ko. Hindi ko akalain na ganito ang kayang gawin ng galit sa’kin, sobra akong na kokontrol.
“Hindi ka ba maka-intindi na biro lang yung sinabi ko?!” galit na sabi ni Bea. Galet na galet gustong manaket.
“Hindi ka rin ba maka-intindi na tanong ko lang ‘yon?” naka-ngisi kong sabi sa kanya.
Tignan mo nga naman, ang taong malakas manira. Triggered.
“Wala naman kasi akong ginagawa sa’yo, bakit mo kami sinisiraan ng ganito” umiiyak niya nang sabi.
Iskandalosa + Paawa = B E A
Kanina, pa-victim. Ngayon naman paawa, nice! Sana nag artista nalang siya, bagay doble kara sa kanya.
Ang mabait pag-kaharap, pero malakas manira patalikod.
Dalawang mukha sa iisang pangalan.
“Wala kang gingawa pero pinapakalat mo kung ano-ano.” Tumayo ako sa kinauupuan ko.
Medyo na wala na ang panginginig ng katawan ko, pero walang ni-isang luha ang gusto sa mga mata ko.
“Wala akong pina-kakalat tungkol sa’yo! Hindi totoo ‘yang mga pinag-sasabi mo, monica!” sigaw niya.
Pansin kong naka-sarado na ang lahat ng pinto, pati ang mga bintana ay naka-sara na rin.
Karamihan sa mga kaklase namin ay na sa paligid niya at ang na sa side ko lang ay mga may alam nang tunay na nangyari.
“Kung wala kang pinapa-kalat, bakit umabot tayo sa ganito?” pinapanatili kong kalmado ang sarili ko.
Dahil ang pag-iiskandalo, ugali lang ng mga taong walang pinag-aralan.
Kayang baliktarin ng iskandalo ang lahat ng tunay na nangyari, pero hindi nila kayang baliktarin ang konsensya sa ginawa nila.
Kung may konsensya pa sila.
“DAHIL SAYO! KUNG HINDI MO AKO SINISIRAAN, HINDI TAYO AABOT SA GANITO!” pag-wawala niya.
Natawa ako sa sinabi niya, ngayon ako naman ang may kasalanan sa ginawa niyang gulo.
Nakakatawa, malakas manira, malakas pang mangbaliktad. Pro na pro!
“Ikaw nag umpisa nito. Wala akong ginagawa sa inyo, pero kayo wala kayong ginawa kundi ang maglabas ng kung ano-anong issue tungkol sa’kin. Sabay ngayon mag papa-victim ka sa sarili mong gulo? Wow! Pro na pro!” sarcasm kong sabi.
Gusto kong pumalakpak para damang-dama niya, baka makita lang nila ang kamay kong nanginginig. Hindi sa takot, kundi sag alit.
“Ano ba kasing problema mo?! Bat ka lumayo?” naka-taas na kilay ni Rose.
“Pati pag layo ko, issue sa inyo?” seryoso kong tanong.
Issue sa kanila ‘yon, dahil wala na silang masisiraan at mapag-tatawanan.
“Maayos naman kasi tayo, pero bat ganito ginagawa? Pinapalabas mo lang ang sarili mong kulay!” tama siya.
Pinalabas nila ang tunay kong kulay.
“Ako nga ba ang nag labas ng sariling kulay, o kayo ang nag labas ng sarili niyong kulay? Ano nga ulit ‘yon Rushielle?” sabay baling ko kay Rushielle na nanahimik sa gilid.
“Sinisiraan nila ako sa inyo?”
Hindi na ako mag-tataka kung may maniniwala sa mga kwento ni Bea. Mayaman ‘yan, may mahuhot sila kay Bea at sakin wala.
Kung sabagay, kahit saan kung angat ka sa buhay maraming linta na lalapit sayo.
Handa ka nilang kampihan sa lahat ng bagay, kahit mali kung meron silang mahuhuthot sa tao ipag-lalaban nila. Ganoon ang reyalidad ng buhay.
Hindi na umiimik si Rushielle, napa-yuko nalang siya at nag iwas ng tingin sakin.
At hindi lahat ng tinuturing mong kaibigan ay kaya kang ipag-laban.
“Tignan mo? Walang naniniwala sa’yo dito, Monica. Masyado ka kasing pabida dito sa klase kaya kung ako sa’yo umalis ka na nang school na ‘to. salot ka! Kaya dapat ka lang siraan!” sigaw ni Bea.
Natawa ako sa huli niyang sinabi. Sa hinaba-haba ng away, lumabas din ang totoo sa mismong bibig niya.
“Pabida, pabibo. Kasi ano? Pala-recite, pala-report, o baka nalalamangan kita? Ganon lang ‘yon, katulad ng sabi ko. Hindi ko na problema ‘yon, problema niyo na sa ugali yun. Hindi ko na kasalanan kung ganyan tingin niyo, dahil kung masaya kayo at tunay kaibigan dapat masaya achievement na nakukuha ko.” Mahaba kong sabi bago sila tinignan ng seryoso,
“Hindi mo mababaliktad ang lahat dahil sa pag-iyak o pag-iiskandalo mo sa harap ng maraming tao. Dahil ang tunay na edukada, simple, kalmado, at maayos mag salita. Mas mukha ka pang defensive, at sa huli sa mismong bibig mo rin nang galing na sinisiraan mo ‘ko.” Natatawa kong sabi bago inayos ang upuan ko na medyo na gulo.
“Parang hindi kayo mag-kaibigan at walang pinag-samahan! Ang sama ng ugali mo. Monica!” sigaw ni Mae na ngayon ay inaalok na si Bea.
Sa pagka-aalam ko, isa rin siya sa nakikinabang kay Bea.
“Hindi kaibigan na ma-ituturing ang mga ‘kaibigan’ na ipa-hihiya ka sa harap ng klase, pag-tatawanan ka sa likuran. At mas lalong hindi ‘tunay na kaibigan’ kung sinisiraan ka lang rin patalikod.” Maka-hulugan kong sabi bago sila inirapan.
Akmang mag-sasalita pa si Kath ng isang malakas na kalabog ang kumuha nang atensyon namin lahat.
Yung babae sa banyo.
“Tama na ‘yan, paparating na si Sir.” Walang emosyon niyang sabi bago tumingin sa’kin ganon pa rin ang ekpresyon niya.
Wala pa rin makikita na kahit ano katulad ng una ko siyang nakita.
“Ayo slang ‘yan monica” alo ni Beri sa’kin.
Nanginginig ang buong katawan ko, sa galit, sa inis, at sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na kaya ko sumagot ng ganon, na kaya ko ipag-tanggol ang sarili ko sa pamamagitan ng galit ko.
Masyado akong nag pa-kontrol, dapat hindi ko sila pina-tulan. Dapat hindi na dahil sa ginawa ko mas lalong lalaki ang gulo.
NATAPOS ang klase na lutang ang isip ko. Naka-focus lang ang atensyon ko sa nararamdaman ko at sa posibleng mangyari sa ginawa kong pagpatol.
Halos hindi ko na maintindihan ang buong discussion ni Sir. Sa tuwing kinaki-usap ako nila Beri ay pinipilit kong ngumiti, pero sino nga ba niloko ko sa mga ngiti ko. Ngiting PEKE.
“Ingat!” paalam k okay Jhasper bago lumabas na sa jeep.
Kumaway ako at hinayaan na maka-layo ang sinasakyan niya bago nag-umpisa mag lakad.
Na iiyak ako. Naiiyak ako sa ginawa ko sa mga kaibigan ko, dapat kahit gano’n hindi ko sila sinagot-sagot dahil kaibigan ko pa rin sila.
Nakayuko lang ako, pinipigilan ang pag-patak ng luha ko. Sana umulan para walang pasok bukas.
Hindi ko sila kayang makita, hindi ko kaya makita ang pang-huhusgang mga mata nila.
Wala naman maniniwala sa’kin, sino ba naman ako? Wala nga silang mapala kahit sagot sa’kin sabay maniniwala pa sila? Mas ayos nang alam ko ang katotohanan kesa ipag-pilitan na maniwala sila sa’kin.
Nasa kanila na ‘yon, kung magiging bulag o magiging bingi sila sa nangyayari. Ayos lang ako.
Kahit paano may naniniwala pa rin naman sa’kin kahit hindi ko sila talagang ka-close.
Pumasok ako sa bahay ng makarating ako. Himala, wala ang mga chismosa sa labas ng bahay. Walang naka-abang o ano.
Gusto ko nang masasandalan. Si mama.
Kay mama ko sasabihin dahil siya lang ang pwede kong pag-sabihan.
Nag madali akong pumasok sa bahay, tahimik pa rin katulad ng dati sa tuwing wala si Papa.
“Ma” nag umpisa nang matuluan ang mga luha ko.
Ngayon lang sila tumulo, ngayon lang sila tuluyan na lumabas at nag pakita.
Ang sakit ng dibdib ko, ang sakit ng puso ko. Sobrang sakit, hindi ko na maintindihan.
“Ma, ang sakit na” pa-una kong sabi bago siya niyakap pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya.
Malakas niya akong tinulak papalayo sa kanya, may galit ang mga mata niya at ang itusra.
Napabitaw ako sa ginawa niya.
“Ma” tawag ko sa kanya.
“Ano iniwan ka nang nobyo mo, sabay mag-iiyak ka sakin? Tigilan mo ako sa ka-dramahan mo Monica! Mag-aral ka sa kwarto mo at wag puro landi ang asikasuhin mo”
Natigilan ako sa sinabi ni Mama, gano ba ang tingin niya sa’kin? Isang malandi? Bat hindi niya muna akong pakinggan?
Ang bigat na ng dibdib ko. Mula sa pag-aaway nila ni papa, sa disappointment sakin ni mama, at sa nangyayari samin ng mga kaibigan ko.
Hindi ko na alam kung ano ang kailangan isipin. Di ko na kaya ang nararamdaman ko.
Umakyat ako sa kwarto ko, binagsak ko ang sarili ko sa higaan at doon nilabas ang sakit na nararamdaman ko.
Bakit walang gusto makinig sa’kin? Kahit makinig lang sa problema ko, bakit pati si mama ayaw sa’kin?
Bakit ayaw ako ng lahat?
Ginagawa ko naman ang kailangan kong gawin, ginagawa ko lahat para magustuhan at maging proud sila sakin kahit hindi ako masaya.
Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko?
Ang papa hindi kami kayang piliin ni mama, madalas niya pa akong saktan pag nag-aaway sila. Si mama naman isa lang akong malaking disappointment para sa kanya. Ang mga kaibigan ko ayaw din sa’kin at sinisiraan lang ako.
Nababaliw na ako, parang hindi ako mahalaga sa lahat ng bagay. Ayaw ko na.
Tumayo ako sa kinahihigaan ko, hindi na ako nag-abala na punasan ang luha ko.
Hinubad ko ang uniform ko at doon lumabas ang mga hiwa na ginawa ko kagabi sa katawan.
Kinuha ko sa bag ang blaide na binili ko kaninang umaga. Hindi ko akalain na ganito kaaga ko magagamit ‘to.
Tinapat ko ang tulis ng blaide sa pulsuhan ko, bago madiin akong napapikit.
Wala naman iiyak pag wala na ako. Wala naman may gusto sa’kin.
Di ako mahal ni papa. Si mama naman disappointed sakin, at ang mga kaibigan ko galit sa’kin.
Ayaw ako ng lahat. Ayaw nila sa’kin kahit anong gawin ko.
Diin ko ang hiwa sa pulsuhan ko, kita ko ang dugo na dumadaloy sa kamay.
Tama na, hindi ko na kaya.
Unti-unti akong nanghina, kasabay ng pagbitaw ko ng blaide na hawak ko ay ang pag-bagsak ng katawan ko.
Paalam.