Chapter 4

2136 Words
                                                  “Can you see the suicidal in my eyes?” –anonymous. Chapter 4 Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Isang puting kwarto ang agad na sumalubong sa’kin, habang may isang ulo na naka-yuko ang sa gilid ko. Bakit hindi pa ako patay? Tinignan ko ang kamay ko, kung saan may mga naka-kabit na kung ano at may benda kung saan ang mga ginawa kong mga sugat. “M-ma” halos mapiyok kong sabi. Sobrang sakit ng lalamunan ko, kung mag-sasalita pa ako ng isang beses ay pakiramdam kong tuluyan nang mapupunit. “Gising ka na” walang emosyon niyang  sabi bago tumayo. Inabutan niya ako agad ng isang baso ng tubig, agad ko ‘yong ininom dahil ayon naman ang kailangan ko. “M-ma” tawag ko ulit sa pangalan niya. Naka-iwas lang siya ng tingin sa’kin habang ang kamay niya ay hawak ang bote ng tubig. Napa-kagat ako ng labi ko sa ekspresyon ni mama, para siyang walang pakealam sakin. Galit ba siya sa ginawa ko? Para sa kanila naman ang ginawa ko para mawala na ako sa landas nila, at hindi na maging pahirap sa kanila. “Bakit mo ginawa ‘yon, Monica?” tumutulo na ang luha ni mama. Hindi ko siya kayang makita na umiiyak sa’kin. Palagi nalang siyang pinapa-iyak ni papa sa tuwing nag-aaway sila, ngayon pumapatak naman ang luha ni mama ng dahil sa’kin. Wala talaga akong ginagawang tama sa lahat. “Ma, sorry” tanging na sabi ko. Yumuko ako at kinalikot ang daliri ko, hindi ko kaya na makita si Mama. “Dahil ba sa nobyo mo kaya mo ginawa ‘yon? Monica, malaki ang pangarap ko para sa’yo dahil alam kong kaya mong pantayan ang mga sinasabi ko sa’yo pero ngayon, sisirain mo ang buhay mo sa isang lalaki?” sigaw niya. “Wala akong boyfriend ma.” Pag-dedepensa ko. Dahil para sakin ang pinaka-importante ay yung maging proud ka. Ang maging masaya ka at patunayan kay papa na kahit ikaw lang ang nasa tabi ko, ay kaya ko. Kaya natin ma. Na kaya natin kahit wala si papa. “Bakit mo ‘to ginawa? Bakit pati ikaw iiwan mo ako, anak?” tuloy-tuloy lang ang pag-tulo ng luha ko. “Sorry, ma” wala akong masabi. Naging selfish ako sa ginawa kong desisyon. Hindi ko na isip si mama na mag-iisa nalang pag na wala ako, kaya ba ayaw sakin ng lahat dahil puro nalang sarili ko ang iniisip ko? Ganon ba ‘yon? “Ginawa mo na ‘yan, monica. Binigay lahat ng pangangailangan mo sa pag-aaral, sa bahay, kahit sa ibang luho mo ginagawan ko ng paraan ‘yan. Para kahit paano hindi mo maisip ang ginagawa ng ama mo, at para kahit paano ay maging buo ka.” Humahagulgol na sabi ni mama. “Pero bat hindi mo na isip ‘yon?” Bakit nga ba hindi ko na isip yun? “Hindi mo ba alam kung paano ako nag-alala nang makita ka sa loob ng kwarto mo? Na naliligo sa sarili mong dugo, habang iniisip na ano pa ba ang pag-kukulang ko bilang ina sa’yo? Ano pa ba ang gusto mong gawin ko, Monica?” napa-kagat ako sa labi ko. Walang kahit anong salita ang gusto lumabas mula sa’kin. Galit si mama, disappointed siya sa ginawa ko. Nag bigay nanaman ako ng sama ng loob sa kanya. Sobrang nag hihirap si mama sakin. Siya lang ang nag tataguyod ng pag-aaral ko, bawat pangangailangan ko at sa bahay. Bakit ko pa na isipan na bigyan siya ng sama ng loob na katulad ng ganitong bagay? Isa talaga akong malaking Disapointement kahit saan parte tignan. Hindi ako maka-imik, hinahayaan ko lang ang mata ko na mag labas ng mga luha. Mas ayos na rin ‘to kesa hindi ako umiyak at punuin ko nanaman ang dibdib ko ng sakit na nararamdaman ko. Ilang minute kaming ganoon ni mama, umiiyak kaming dalawa habang ako naman ay naka-yuko lang. iniisip ano ba ang pumasok sa isip ko nang araw na ‘yon. “Tama ang tita Amica mo. Mas mabuti nang sa kanya ka na muna.” “What? Ma, ayaw ko mahiwalay sa’yo ma!” naiiyak kong sabi. Hindi ko kayang mahiwalay kay mama, hindi ko kaya. Wala na ako papa, pati ba naman mama ay iiwan na rin ako? Paano na ako? “Buo na ang desisyon ko, inaayos na nang tita mo ang lahat sa hospital mo. Pati na rin ang papers mo sa school, sa kanya ka na sasama.” Walang emosyon ni mama bago tumayo. Kasabay ng pag bukas ng pinto at mula doon, niluwa si tita Amica na may hawak na kung ano-ano. Ngumiti siya sakin, bago mabilis na lumapit sa pwesto ko at hinalikan ang nook o. “Kamusta ka na, Monica?” mahinhin niyang tanong sakin. Hindi ko siya pinansin naka-tingin lang ako kay mama na hindi kayang maka-tingin sa pwesto namin. “Aalis ako ng bansa, Monica. Sa susunod na lingo na ang alis ko, sa pag-alis ko wag mo bigyan ng sakit ng ulo ang tita Amica mo.” Paalala ni mama.  “Iiwan mo ko ma?” sambit ko. Ang nag iisang tanong sa utak ko, iiwan ako ni mama? Wala na akong kaibigan, wala akong malalapitan na tatay, pati ba naman si mama mawawala rin sa tabi ko? Sana kung ganon, di nalang ako na ligtas. Wala rin naman palang matitira sa’kin bakit pa ako na gising? Para ano? Patayin ako sa sakit at sikip ng dibdib ko o para ipa-mukha sa’kin ang pagiging walang silbi ko sa buhay? “Oo. Amica, ikaw na ang bahala sa kanya. May trabaho pa ako,” walang pakealam ni mama bago siya tuluyan na lumabas ng kwarto. Napa-yuko nalang ako, habang ang luha ko ay patuloy sa pag-tulo. Ganon ba kahirap na mahalin ako, bakit sarili kong magulang hindi ako kaya mahalin? “Wag ka na umiyak, Monica. Aalagaan naman kita katulad ng mama mo.” Pag-aalo ni tita. Hindi ko siya pinansin, umiyak lang ako ng umiyak hangga’t sa makakaya ko pang umiyak. Lumabas na ang pagiging mahina ko, umiiyak na ako sa mga problema ko. Masakit sa mata pag umiiyak, pero mas masakit pag hindi ka umiiyak kahit gusto mo dahil lahay yun na iipon sa dibdib mo. “Ano ba ang naging problema? Bakit ginawa mo ‘yon? Alam mo ba kung gaano umiyak ang mama mo no’n habang buhat ka ng kapit bahay niyo at tinatakbo pasakay ng ambulansya?” tanong ni tita sa’kin. Hawak niya nang magaan ang kamay ko, habang ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. “Paano niya po ako na kita?” sound proof ang bahay. Kahit anong kalabog ang gawin ko sa loob ng kwarto ko ay hindi nila maririnig, kaya paano na laman ni mama aang nangyayari sakin? “Pumunta ako sa inyo nang araw na ‘yon, tinawagan ako ng mama mo para ihabilin ka sa’kin. Nang araw na rin ‘yon tinatanong niya sakin kung paano sasabihin sa’yo na aalis siya ng bansa. Pero pag pasok niya sa kwarto mo, nakita ka nalang namin na walang malay.” Kwento ni tita bago hinawakan ang sugat ko. “Wala akong anak, pero ramdam ko ang mama mo ng araw na ‘yon. Wala siyang tigil sa pag-iyak, hawak niya lang ang kamay mo hanggang makarating tayo sa hospital. Hindi siya mapa-kali, sinisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa’yo, kahit anong alo ko sa kanya wala akong magawa kaya hinayaan ko nalang siya.” pagpapaliwanag niya. “Tita, bakit aalis si mama?” maayos naman ang trabaho niya. Kasya ang kita niya para sa’min sa bahay. Kahit hindi sunod ang lahat ng luho ko ay na bibigay niya ng paunti-unti, kaya bat pa siya aalis? “Hindi ba sinabi ng mama mo sa’yo kanina?” umiling ako. “Nalaman niya na malaki ang utang ng papa mo, at lahat yun ay naka-pangalan sa kanya. Ang sabi niya ay hindi niya kayang bayaran ‘yon kung ayun lang ang trabaho niya, kaya na isip niya na tanggapin ang offer sa trabaho nila. Medyo kinakapos na rin daw ang sahod niya, dahil parami na nang parami ang bayaran niyo sa school.” Bumuntong hininga nalang ako. Ganon pala ang pinag-dadaanan ni mama kaya nitong nakaraang mga araw madalas na mainit ang ulo niya sa lahat ng bagay. Akala ko ako lang ‘yong may  problema, si mama din pala. Malaki rin pala ang problema niya pero mas dinagdagan ko pa ‘yon. Tahimik lang akong umiiyak. Hindi na ako pinaki-alaman ni tita o pinatahan. Nasa tabi ko lang siya habang na pinapanuod ako sa pag-iyak. Isa sa pinaka-ayaw ko ang pag-iyak sa harap ng tao, pero ngayon na wala ‘yon. Gusto ko maging mahina ngayon, gusto ko iiyak ang mga luhang ayaw lumabas sakin nakaraan, at ayaw ko muna maging malakas. Umiyak lang ako ng umiyak, hanggang makatulog ako sa pag-sisi sa ginawa ko.   ISANG MALAKAS na bagay ang bumagsak sa loob ng kwarto. Agad akong na patayo at kinuha ang kumot na tumatabing sakin. “Wag mo ‘ko sasaktan papa!” tanging sigaw ko. “Kumalma ka, Monica. Wala ang papa mo rito.” Pa-aalo agad sa’kin ni tita. Mabilis akong kumapit sa braso ni tita. Nag umpisang mag landasan ulit ang luha ko, tinignan ko ang buong paligid. Nakatingin sila sa’kin lahat pati ang doctor na kausap ni Tita ay nakamasid sa’kin. “Pasensya na po, Doc” paumanhin ng nurse na may hawak nang kung anong bagay. ‘yon ata ang nahulog kanina na akala ko ay nabasag. “Kumalma ka, ija. Hindi namin hahayaan na masaktan sa lugar na ‘to.” paliwanag nang doctor. Seryoso siyang naka-tingin sakin. Nag iwas ako ng tingin at hinigpitan ang pag-hawak kay Tita. “ and you, be careful!”  sabay baling niya sa nurse. Huminga ako ng malaim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. ‘Wala dito si papa, wag ka matakot monica.’ Pag-kukumbinsi ko sa sarili ko. Ilang minute din akong nag pakalma at doon na pansin ko ang lahat ay naka-tingin sa’kin. “Bakit po?” “Ija, may itatanong ako sa’yo. At gusto ko lahat nang ‘yon ay sasagutin mo. Okay?” tumango ako kay Doc. Maganda siyang naka-ngiti sa’kin para siyang walang problema, hindi gaya ko. Punong-puno ng problema. “Wag kang kabahan, hindi naman ‘to mahirap.” Tumatawa niyang sabi. Nahalata niya ata na medyo kinakabahan ako sa itatanong niya. Bumuntong hininga nalang ako, bago tumango at ngumiti rin sa kanya. Humawak ako sa braso ni Tita ng mahigpit, para doon ilagay ang kaba na nararamdaman ko. Ito ang unang beses na ma-hospital ako, hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin o ano. “Do you feel hopeless? Parang worthless, self-hate or inappropriate guilt? “Opo, madalas. Nitong mga nakaraang araw po,” diretso kong sagot. Nag umpisa ‘yon nang mag-away kami ng mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat ng bagay, kung bakit kami nag away, at kung bakit kami nag kawatak-watak. Lahat ‘yon sinisisi ko sa sarili ko. “Lost interest?” tumango ako ulit. “Minsan lang po, pero this past few days lagi po.” Pag-amin ko. Tumango naman ang doctor at sinulat ‘yon sa hawak niya. “Do you have sleep problems and increased fatigue?” “Paano pong increased fatigue?” tanong ko. Madalas akong mag karoon ng sleep problem, dahil sa quizzes or test. Kaya minsan hindi talaga ako maka-tulog ng maayos. “Kakulangan ng energy, ‘yong madalas mo na ginagawa ay tinatamad ka na, or pagod ka lagi” paliwanag ni Doc. Tumango ako ulit. “Sa sleep problem po madalas, dahil po sa school works. At ang increase fatigue, napapadalas po nang mga nakaraan.” Pag-amin ko. “How about uncontrollable emotions?” “Yes po. Ito po ang madalas na napapansin ko sa sarili ko, I cant stop myself mas lalo na pag galit po ako.” Katulad nang pag-sagot ko kela bea. Hindi ko ma control ang galit na nararamdaman ko nang araw na ‘yon para sa kanila. Kaya nagawa ko silang ipahiya at sagot-sagutin sa harap ng maraming tao. Hindi ko ugali ‘yon, mas gusto ko ayusin ang mga problema sa maayos na paraan kesa sa sigawan at pahiyaan. Pero nang araw na ‘yon hindi ko maipaliwanag. Para akong walang laman, sobrang bigat ng dibdib ko pero para lang hangin. Pumapasok dahil kailangan, uuwi dahil uwian na. ganon ang nararamdaman ko. “So, ayun tapos na!” masiglang sabi ng doctor bago ngumiti sa’kin. Ngumiti rin ako ng pilit sa kanya. Ang sakit ng mata ko kaka-iyak, halos ayaw na dumilat ng mata ko sa pagiging maga. “Wag ka na masyadong umiyak, okay?” paalala niya. Tumango ako at nag paalam na siyang aalis sa kwarto ko. “Nararamdam mo lahat ‘yon, Monica?” tanong ni Tita bago ako inayos sa pag-upo. “Opo tita. Lately po.” Hindi ko alam kung anong meron don, pero sa reaksyon ni Tita mukhang hindi maganda ang lagay ko ngayon. Mamatay na ba ako? Mas ayos ata ‘yon kesa mabuhay at paulit-ulit nila akong saktan. “Ganon ba? Gusto mo bang kumain? Ilang araw ka nang tulog, tumawag sakin ang mama ko kanina. Inayos niya na ang pag absent mo sa school at bibigyan ka nalang daw ng task.” Tumango ako. Sa lahat ng tanong sa’kin ng doctor isa lang ang na isip ko, ang ginawa sa’kin ng mga tinuring kong kaibigan. Napangiti ako ng mapakla. Balang araw ay malalaman din nila ang ganitong pakiramdam. “Kailan po ako lalabas?” kung matagal na ako dito ibig sabihin malaki na rin ang bill ko dito. Problemado si mama sa pera, siguradong problemado din siya ngayon dahil sa ginawa ko. “Baka next day pwede na” sabi ni tita bago ako inabutan nang apple, “Tandaan mo ‘to, Monica.” Tumungin ako kay tita, seryoso siyang naka-tingin sakin na may awa ang mata at pag-aalala. “Ano po ‘yon?” “Hindi ang pag-kitil sa sariling buhay ang solusyon sa lahat ng problema.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD