"A problem will get heavier when the only person carrying it is you."
Chapter 5
"Tita, hindi po ba pupunta si mama?" dismayadong tanong ko.
"Busy ang mama mo ngayon, monica. Hindi siya nag sabi kung kalian siya babalik, pero sigurado naman ako na bibisitahin ka rin niya." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni tita.
Pangalawang araw ko nandito sa hospital. Sa dalawang araw na rin na 'yon ay hindi ko pa na kikita si mama, pagtapos niyang umiyak sa harap ko ay iyon na ang huling pag-kikita namin.
Alam kong busy si mama. Palagi naman siyang busy pero ngayon, kailangan ko siya.
Muli akong bumuntong hininga, bago nahiga. Kahit paano ay kumakalma ang sarili ko habang nandito ako, pero sa tuwing naalala ko ang mga pinag-daan ko nang nakaraan ay halos di ko na kayanin ang sakit ng dibdib ko.
Ang bigat, sa tuwing naalala ko ang isa sa kanila. Sa bawat nangyari nang nakaraang araw, kahit alam ko sa sarili ko na wala akong ginawa sa kanila ay nagu-guilty pa rin ako.
Hindi ko rin maiwasan isipin ang school, kung kalian kailangan ko bumawi saka ako um-absent at naging ganito. Sigurado din ako na kalat na sa school namin ang ginawa ko.
"Monica?" na balik ako sa sarili ng mahina akong tabigin ni Tita. Nakangiti siya sa'kin bago inabot ang mga manga na nasa plato. "Aalis muna ako. Kailangan kong kausapin ang doctor mo para maka-labas ka na bukas."
Tumango nalang ako. Nag madali siyang lumabas at sinarado ang kwarto.
Paano pag pasok ko pagtawanan nila ako? Paano kung pag pasok ko kung ano-ano nanaman ang malaman ko na tungkol sa'kin na pinagkakalat nila?
Kakayanin ko pa kayang pumasok kahit wala naman akong kaibigan?
Hay, bakit ko pa kasi sila pinatulan nang araw na 'yon. Bakit ko pa sila sinita sa ginawa nila, sana hiyaan ko nalang sila dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang mali.
Napahawak ako sa dibdib ko na muling kumabog.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Galit ako sa kanila mas lalo na kela Bea at sa ibang sumisira sa'kin, pero gusto ko sila kasama. Nanghihinayang ako sa pinag-samahan namin pero hindi ko naman alam kung ang pinagsamahan namin no'n ay totoo.
Pakiramdam ko sa lahat nang bagay ay nanghihina ako, kahit wala naman akong ginagawa na ikak-papagod ko. Ang dibdib ko palaging bumibigat sa tuwing naiisip ko ang problema mas lalo na sa problema sa school at sa kaibigan ko.
Pero sa tuwing na iisip ko naman kung hindi ko nalaman na sinisiraan at pinag-uusapan nila ako patalikod ay mag mumukha rin akong tanga. Akala ko talaga tunay sila pero tama nga ang sabi ng iba;
Hindi lahat nang tinuturing mong kaibigan ay tunay. Hindi lahat nang naka-sasalamuha mo at kasama sa tawanan ay totoo.
'yon ang natutunan ko sa lahat nang nangyari, kailangan ko maging maingat sa lahat ng tao na nakapaligid sa'kin. Mula sa pag-sasabihan ng problema at sa pwede ko makasama. Hindi naman kasi lahat pwede mong kasama, hindi naman pala lahat kailangan mong pagka-tiwalaan. At mas lalong hindi naman lahat ng tao kailangan kang magustuhan.
Dahil ang trust ay binubuo nang tao, at hindi binibigay nang basta-basta.
Ayon ang positive pero bakit na sasaktan pa rin ako sa tuwing na iisip ko sila?
Nilapag ko nalang ang hawak kong plato bago na higa. Ang sabi sa'kin ni tita ay kung maraming gumugulo sa'kin ay mas piliin ko nalang ang matulog at humanap nang kalilibangan.
Simula nang tanungin ako ng doctor sa nararanasan ko, hindi na ako iniiwan ni tita. Kahit sa pag-tulog ko ay hindi niya pa rin ako iniiwan, wala rin dumalaw ni isa sa mga tinututring kong kaibigan.
Siguro mas masaya talaga sila kung wala na ako.
Tinignan ko nalang ang orasan na patuloy sa pag-andar. Ang tagal ni tita, hindi naman siya nagtatagal nang ganito sa labas.
Ngayon, mas gusto ko na may kasama ako kahit paano ay na wawaksi sa isip ko ang saktang ang sarili.
Tumingin ako sa pinto nang marinig ko ang mahinang katok. Mukhang nandito na si Mama o tita.
Hinintay ko ang pag-bukas ng pinto, at isang tao ang hindi ko inaasahan ang bumungad sa'kin. May hawak siyang plastic, mukhang may iilang pag-kain. Ang mukha niya ay walang kahit anong ekspresyon, diretso lang siyang naka-tingin sakin.
Unti-unti siyang naglakad papalapit sa'kin, nakatingin lang siya bago dumako ang tingin niya sa kamay ko. Marahan siyang umiling sa'kin bago pa man siya makarating sa pwesto ko agad ko na siyang tinanong.
"Anong ginagawa mo dito?"
AMIKA'S POV
Dahan-dahan akong lumabas nang kwarto ni Monica. Tulala nanaman siya at wala sa sarili, kinakabahan ako at sana ay hindi totoo ang hinala ko.
Agad na bumungad sa'kin ang kapatid ko. Hindi mapanatag ang mukha niya simula nang dalhin namin ang anak niyang si monica.
Kahit sinong ina naman siguro ang malagay sa panganib ang anak, siguradong mawawala sa wisyo.
"Hindi ka talaga papasok sa loob? Ilang beses nang nag tatanong ang anak mo sa'kin ate Ali. Hindi ko na kayang sagutin ang iilang sagot niya," aniko.
Sa ilang beses na hinahanap siya ni Monica, gano'n din ang ulit na nag sinungaling ako. Ang buong akala ni Monica ay wala ang mama niya dito pero halos hindi na rin umuwi si Ate sa kanila kakabantay.
"Hindi ko pa kaya harapin siya ngayon, Amika." Katulad pa rin nang nakaraan. Ayan pa rin ang sinagot niya.
Wala na akong magagawa kung 'yan ang desisyon niya. Iniintindi ko ang kalagayan nilang dalawa, alam ko na hindi niya kayang harapin ang sarili niyang anak dahil sa pagkaka-mali niya dati.
Pumasok kami sa loob ng office ng doctor. Kinakabahan akong umupo sa upuan sa harap niya bago ngumiti,
"Doc" na unang nag salita si Ate Ali.
Kita ko ang pag-aalala niya sa sabihin nang doctor, hanggang ngayon ay tulala pa rin ang anak niya. Kung ako nga ay kinakabahan sa sitwasyon ni Monica, siya pa kayang nanay nito.
"Ano na po ang lagay ng anak ko?" aniya.
Hinawakan ko ang kamay niya, para pakalmahin. Isa rin akong nurse, alam ko ang iilang sintomas ng mga sa'kit pero ayaw ko manguna. Ayaw ko pangunahan ang sasabihin ng doctor tungkol sa pamangkin ko.
"Misis, at first we're not sure sa theory namin dahil ang na sa isip namin ay pressured lang siya. katulad ng sabi niyo sa'min nakaraan na nag karoon kayo ng ilingan pagdating sa grades niya. Pero nang isang araw I asked her, at doon ko na confirm na mas malala pala sa akala ko 'to."
"What do you mean, doc?" agad na tanong ko.
"She had a Depression, Mrs. I asked her specific questions at lahat 'yon ay nararamdaman niya. One of that is Anxiety, being nervousness, restless, or feeling tense. Isa po 'yan sa mga major symptoms ng depression. " Tama ang hinala ko.
Tama nga ang hinala ko na pwede siyang magkaroon ng depression, sa pagiging tulala niya at malalim na iniisip na nakikita ko siya ay malaki talaga ang possibility na may Depression siya.
"Paano po 'yon nangyari? Bakit siya nagkaroon ng gano'n?" humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ate.
Nanginginig na ang kamay niya. Dahil sino ba naman ang hindi?
Inulit nang anak niya ang ginawa niya dati.
"Depression is a mood disorder that causes a persistent feeling of sadness and loss of interest. Also called major depressive disorder or clinical depression, it affects how you feel, think and behave and can lead to a variety of emotional ang physical problems. Nang tinanong kita mrs, ang sabi niyo ay sinaktan siya nang ama niya bago siya pumasok sa school,"
What? Sinaktan ni Kuya Harold si Monica bago pumasok? Kaya ba ang dami niyang pasa nang makita ko siyang walang malay?
Tumingin ako kay ate, marahan lang siya tumango at pilit na pinipigilan ang luha niya.
"At pag-uwi niya ay may binigay s'ya sa inyong grade at nagkaroon kayo ng ilingan. Base on that situation, kahit saan tignan ay siguradong pressured ang anak niyo when it becomes to study, sa bahay niyo naman ay may problema din that gives her a trauma. May sinasabi po ba siya sa inyo about her life? Sa nangyayari sa buhay niya sa pang araw-araw?"
"Wala po, doc. Pero sa tuwing sinisilip ko siya pag nag bubukas siya ng social medias ay nag iiba ang awra niya." Tumango-tango ang doctor sa kanya.
"Last time I entered her room, I saw him panic nang marinig ang ingay sa na hulog na bagay. Inshort, hindi lang depression kundi pati trauma na rin ang kinakaharap ng anak niyo. Siguro dahil sa p*******t sa kanya o sa madalas niyang makita sa paligid niya." Nag sulat ito ng iilang mga gamot sa papel at inabot sa'min.
"'yan ang mga gamot niya na kailangan niyang inumin araw-araw. Make sure na wag niyo siya masyadong iwan mag-isa, always ask her kung ano ang na sa isip niya at kung ano ang nangyayari. Depression is not easy, buhay po ni Monica ang nakasalalay dito. Once na nagawa niya na ang suicidal attempt at hindi Malabo na gawin niya ulit." Sabi ng doctor bago ngumiti.
"Mrs, hanggat sa maari ay ilayo niyo siya sa bagay na iki-stress niya. Sigurado ako na may iba pa siyang dahilan, if you want po ay i-rerecommend ko kayo sa kaibigan kong Psychotherapist para mas matutukan po siya. And also ilayo siya sa mga bagay na makapag-papaalala ng problema o trauma sa kanya. Mas mabuti nang libangin niyo siya sa ibang bagay o bigyan nang pagka-aabalahan sa bawat oras."
Wala na akong maintindihan, hinayaan ko nalang na mag-usap si Ate Ali at ang doctor sa sitwasyon ni Monica.
Kahit ako ay iisipin na may iba pa siyang problema. Sigurado ako do'n.
Lumabas kami sa office ng doctor, dumiretso kami sa labas ng kwarto ni Monica at doon na upo.
"Ate" aniko. "Totoo ba na sinasaktan ni Kuya Harold si monica?"
"O-oo, wala akong magawa ngayon Amika. Aalis ako ng bansa, maiiwan ko ang anak ko na ganyan ang kalagayan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon, Amika." Umiiyak na sabi ni Ate bago tinakpan ang mukha niya.
"Ako ang bahala sa kanya ate, pero kailangan pa ba na i-stay natin siya sa school niya ngayon?" tanong ko.
"Dalhin mo nalang siya sa Pyschotherapist, Amika. At kung malaman mo na dahil din sa school ang problema niya, kailangan natin siyang ilipat." Pero paano kung ayaw ni Monica?
Paano kung ayaw niya rin magpalipat nang school kahit isa sa reasons ng depression niya 'yon?
Bahala na, basta ang kailangan ngayon ay asikasuhin ang pamangkin ko. Mas lalo na ngayon na tama ang hinala ko,
"Ikaw ang bahala sa desisyon." Umupo ako sa tabi niya bago siya ni Yakap.
Tandang-tanda ko ang lahat nang nangyari dati. Kung paano ko rin yakapin si Mama habang hinihintay ang sasabihin ng doctor dahil sa ginawa ni Ate.
Ate Ali is one of the victim of r**e, at si Monica ang bunga no'n. halos patayin niya ang sarili niya dahil sa na walang puri niya.Si Kuya Harold, siya ang taong 'yon,. Ang walang awing gumahasa kay ate, at si Ate naman ay gusto magkaroon ng sariling pamilya kaya mas pinili niya ang maging kabit.
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon, Amika. Patong-patong na ang problema ko," aniya.
Hinayaan ko nalang siyang umiyak, habang sinasabi ang lahat ng problema niya.
Isa sa pinakamainam ang ilabas ang problema sa puso't-isip kesa sarilihin. Katulad ngayon nang nangyari kay Monica, sinirili niya ang bawat problema na kinakaharap niya kaya siya humarap sa ganito.
"Kailangan mom aging malakas. Isipin mo ang anak mo, sigurado akong mas lalo siyang ma-stress kung makita kang ganito." Payo ko.
Tumango naman siya bago bumitiw sa yakap. "Bibili ako ng gamot, asikasuhin mo na si Monica. Naka-ayos na ang papers sa paglabas niyo."
Tumango ako at hinayaan siya.
Wala pa rin talaga siyang balak na magpakita kay Monica, kahit ngayon lang at kausapin ang anak. Pero siguro mas ayos na rin 'to, kesa makita nanaman n Monica na umiiyak ang mama niya dahil sa kanya at sa problema nila sa bahay. Siguradong ma-stress lang ang bata.
Hindi na muna ako pumasok sa loob, at nanataling naka-upo dito sa labas.
Problema sa magulang, p*******t nang ama niya at ang pressured sa pag-aaral. Tatlong klaseng problema pala ang kinakaharap niya, nang una ay akala ko natural na matalino na si Monica dahil sa dami ng awards niya pero lahat pala 'yon ay na kuha sa sipag niya.
Ngayon, kumakaharap siya sa sakit na depression dahil sa mga problema na 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung meron siyang kaibigan sa labas o sa loob ng school para sarilihin ang lahat.
Mas maayos kasi kung ang problema ay na ilalabas mo, sa pag-iyak o sa paglalabas ng sama nang loob sa ibang tao kesa ang sarilihin at kimkimin lang sa dibdib.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumayo. Mas mabuti nang tanungin ko siya sa problema niya, hindi kami gano'n kalapit sa isa't-isa pero mas maayos nang kunin ko ang loob niya para naman kahit paano'y may mapag-sabihan siya.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at doon nakita ko siyang hawak ang kutsilyo habang nakahawak sa mga talim nito.
"Monica anong ginagawa mo!?"
Kasabay nang pag-sigaw ko ay ang pagkahulog ng kutsilyo sa kamay niya.
Monica