3RD PERSON POV NANG makapasok sa loob ng bahay, ginabayan sila ni Jen para makapunta sa living room at makapagpahinga doon. Kinuha naman muna ni Heiley si baby Savannah habang naghahanda ng meryenda ang kaibigan sa kusina. Walang kasambahay sina Jen kaya naman hands-on ito sa lahat ng gawain sa bahay. Wala din naman itong problema sa ganuong set-up sapagkat hindi naman ito nagtatrabaho ngayon. Habang kumportableng nakaupo, napasilay siya sa malinis at maliwanag na parte ng bahay na kinalalagyan nila. Katulad ng kanyang inaasahan, ang tema at disenyo ng lugar na ito ay masasabing kay Jenifer talaga. Dahil sa hilig sa kulay na cream at pink, ang pader ng buong baahy ay ganun ang kulay. Tingnan pa lang ito ay parang gusto na niya mapatawa habang iniisip ang reaksyon ni Greg habang nag

