3RD PERSON POV "Bes, Fafa Damon, eto oh kumain muna kayo, at wag nyong pag agawan ang anak ko---" Napatigil naman sina Heiley at Damon sa pakikipaglaro kay Savannah ng dumating na ang ina nito mula sa kusina. Tatayo na sana si Heiley para salubungin at tulungan si Jen nang magsalita ito. "--wag kayo mag alala, 9 months lang ang kailangan at magkakaroon din kayo ng ganyan, anong pang hinihintay nyo?" mapang asar na saad pa nito sa kanila sabay kindat pa. Kaya naman na estatwa si Heiley sa kanyang kinauupuan at halos maging kasing pula ng kamatis dahil sa hiya. Habang si Damon naman ay napangisi lamang at mukhang game na game pa. Nang makabawi dahil sa gulat mula sa pahayag ng kaibigan, ginawaran na lamang niya ang dalawa ng masamang tingin. Akala pa naman niya ay magiging kakampi ni

