3RD PERSON POV NANG makabalik si Jen mula sa second floor ng bahay dala ang mga damit, nadatnan nito sina Heiley at Damon na hindi nagkikibuan sa sala habang magkatabi. 'Awkward talaga ang dalawang ito sa isa't isa,' napapailing na turan ni Jen sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang mga ito mula sa kanyang kinatatayuan. "Ehem! nandito na ako guys!" malakas na saad niya, para makuha ang atensyon ng dalawa. Nagtagumpay naman siya nang makita ang paglingon ng mga ito sa kanyang dereksyon, napangiti din siya nang mapansin ang malikot niyang anak na naglalaro sa sofa. Matapos makaupo ay inilahad niya ang mga dalang damit sa harap nina Heiley at Damon. Manghang napatingin naman ang mga ito habang kinikilatis ang bawat dress. Halos kumikinang pa ang iba dahil sa pagtama ng ilaw sa mga b

