Chapter 8

2646 Words
Chap 8 3RD PERSON POV Noong dumating sina Damon at Max sa bahay. Gabi na iyon sapagkat galing pa siya sa condo para ayusin ang mga gamit dahil sa biglaan niyang paglipat. Sa totoo lamang, isang maleta at bagpack lamang lahat ng kanyang gamit, ang maraming talagang gamit ay si Max. Natagalan siya sa pag eempake kaya naman madilim na nang makarating sila sa new home sweet home nila kasama ang babaeng pilit inirereto ng kanyang ama. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito sapagkat likas na mapilit talaga ang kanyang Dad, pero pansin niya na sa lahat ng inereto nito sa kanya, dito lamang sa babaeng ito mukhang seryoso talaga ang kanyang ama. Noon kasi, nagbibigay lang ito ng picture at background ng babae sa kanya pagkatapos ay siya na ang bahala kung makikipag meet ba siya dito o hindi. Pero karaniwan, nakikipag meet siya at nauuwi lang lagi iyon sa hotel, pagkatapos noon ay wala na. Puro casual fling at one night stand lamang ang kanyang balak gawin habang buhay, dahil wala naman siyang balak na magkapamilya at ikasal. Hanggang kaya pa niya at tumatayo pa si manoy, edi okay pa ang s*x life niya, para kay Damon, ang pag aasawa ay malinaw na hindi para sa kanya. Natatakot siya bumuo ng pamilya tapos matutulad lamang sa kinalabasan ng kanyang sariling pamilya. 'Better to have non, than something worthless.' Pero, mukhang iba talaga ang babaeng inirereto ng kanyang ama ngayon at hindi niya maiwasan na di magka-interes dito maliban pa sa tunay niyang pakay. "Damon, you're already at the right age, have a family and have a purpose in life, hindi habang buhay ay bata ka at malakas, hindi habang buhay ay kaya mo ng mag isa----dadating ang panahon na magsisisi ka dahil sa pagtanda mo, maiiwan ka ng mag isa at walang kasama." Napapayuko na lamang siya kapag naaalala niya ang mga pangaral na tulad nito galing sa kanyang ama. "What's why, think about this engagement seriously, baka si Heiley na ang para sa iyo. Sana igalang mo siya ng maayos sapagkat hindi siya kagaya ng mga nakikilala mong babae. Understand her and let your heart opens for her." 'Kung mag seryoso ba ako, may mangyayari ba?' tipid na tanong niya sa kanyang isipan. Para sa kanya, ang relationship ay parang isang negosyo lamang. Kapag may pakinabang pa ang isang babae sa kanya, edi pakikisamahan niya ito. Pero sa oras na wala na itong silbi, he didn't even think twice before leaving them. Just like when his very own mother leaves them behind." 'Ganun naman iyon lagi hindi ba?' Kung paano siya napasok sa magulong sitwasyon at engagement na ito ay nagsimula lamang ilang linggo matapos niya mabalitaan ang isang pangyayari na halos magpasuko sa kanya. Isang stress at pagod na umaga nang linggo dulot ng problema na kinakaharap niya mula sa kanyang negosyo. He suffered from a week of sleepless nights due to his business, kaliwa't kanang meeting at counter measures ang kanilang ginawa para maisalba kahit paano ang negosyo na matagal niyang pinag hirapan. At matapos ang isang linggo, nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang mga kaibigan at makapag inoman bago umuwi, ito ang pinaka unang gabi na nakauwi siya at makakapagpahinga sana. Pero, sa hindi inaasahang pangyayari, may nagtangka pang mang istorbo sa kanya. BZZZTT BZZZTT He can't help to groan and be awakened by the sound of vibrating phone on the bedside table. Dahan-dahan niyang naimulat ang mga mata habang pinipilit na mapanatiling gising ang sarili. When he make sure that he's awake enough, he rolled himself up to get in a sitting position and grab the phone with annoyed expression. 'The f**k! who the hell calling and disturbing me in my sunday morning?' inis na saad niya sa isipan at di na nagawang tingnan ang caller ID bago sagutin ang tawag. "Hey, Damon why didn't you call me again?" The sound of an irritating high-pitched voice comes to his ears, kinailangan niyang ilayo ang cellphone sa kanyang tenga para di mabingi mula sa paraan nang pagsasalita ng babae sa kabilang linya. "Tss, I'm busy Carla, besides didn't I make myself clear that I didn't slept with a person twice?" his voice trace with irration as he rub his tired eyes. "What!? are you kidding me?" galit na sigaw nito na lalong nagpasakit sa kanyang ulo. Pagkakatanda niya, nasa bar siya kahapon at kasama ang tatlo niyang mga kaibigan, kapapanalo lamang bilang mayor ng kaibigan niyang si Uno kaya nagce-celebrate sila. At para na rin kahit papaano ay makalimutan niya ang problemang kinakaharap. Mga tropa at ka-team niya ang mga ito sa basketball noong college. Kahit ilang taon na ang nakakaraan at matagal na silang graduate. Hindi pa rin nagbabago ang kanilang samahan. Kapag may bakanteng oras at di abala sa trabaho, nagkakaroon sila ng get together o kaya ay simpleng inuman sa bar na pagmamay ari niya. "Do I sound like I'm kidding to you?" Sa totoo lamang mas gusto pa niyang matulog kaysa pakinggan ang boses nito. Pero bago niya maibaba ang tawag at muling makahiga sa kumportable niyang kama. He suddenly glanced at the clock that has been placed in the table beside him, his eyes almost drop upon seeing the time, pero kahit napansin niyang tanghali na. Hindi niya maalala kung bakit nga ba pakiramdam niya ay may kailangan siyang gawin. "You're an asshole Damon, and one more thing--- my name is not Carla! It's Charlotte!" the women shouted at him before dropping the call. Dahil sa nangyari ay hindi niya napigilang hindi mapabuntong hininga at saka muling bumalik sa pagkakahiga sa kama para ituloy ang na-udlot na tulog. Matapos maipikit ang kanyang mga mata, unti-unti na ulit siyang nilamon ng antok. A loud sound of frantic siren could be heard in his mind, napabaling sa kaliwa't kanan ang kanyang ulo dahil sa bangungunot na nararanasan. '[FLASH REPORT] MADRID, August.00.0000 - Spanish authorities have evacuated nearly 1,000 people from their homes to protect them from a wildfire that has destroyed at least 12,000 hectares (29,652 acres) of land since Saturday, spurred on by a severe heatwave.' Naririnig niya ang boses ng isang news anchor na patuloy na nagbabalita ng isang malagim na trahedya na naganap sa Madrid, Spain noong mga nakaraang linggo lamang. 'The blaze in Navalacruz, a private vine plantation that's about 120 km (75 miles) west of Madrid in the central region of Castilla y Leon, has been succumbed by flames on Monday and forced all employees of the said winery to evacuation.' Malalim ang naging paghinga ni Damon at tagaktak ang kanyang pawis habang napapayukom ang mga kamay sa kumot na hawak. Habang patuloy ang masamang bangungunot na kanyang nararanasan, hindi niya alam kung ano ang unang mararamdaman nang muling tumunog ulit ang kanyang cellphone. Pero dahil din doon ay nagising siya mula sa panaginip na iyon. Napamulat siya habang nararamdaman ang malamig na daloy ng pawis sa kanyang noo at mukha. Humugot din siya ng malalim na hininga para mapakalma ang nagwawalang puso sa kanyang dibdib. Ayaw na sana niyang pansin ang pagtunong ng cellphone sa pag aakala niya na baka si Carla? Charlotte or kung sino man ang babaeng iyon ang muling tumatawag. Akala niya ay titigil din ito sa pagtawag kung di niya sagutin pero nagkamali siya, at para matigil na ang kaingayan nito. Inis at kunot noo na bumangon muli siya sa higaan para sagutin iyon. "WHAT DO YOU WANT!?" inis na sigaw niya matapos pindutin ang answer button. Ayaw sana niyang magpa istorbo sapagkat gusto niyang magpahinga sa ngayon, pero dahil sa inis dulot ng maingay na cellphone ay sinagot na rin niya iyon. Wala kaagad na sumagot mula sa kabilang linya, pero nang marinig na niya ang nagsalita, nagising siya nang wala sa oras. "Why are you shouting, Damon?--Is this how you talk to your father?" "I-- I'm sorry Dad, I just woke up," nauutal na sagot naman niya, habang inaayos ang pagkakaupo sa kama. Nailayo pa niya ang cellphone sa kanyang tenga para masigurado kung ang Dad nga niya ang kanyang kausap. Dahil sa antok kaya pakiramdam niya ay na nanaginip pa rin siya. "Hm, then wake up properly and get dress," anito, gamit ang mababa at seryoso nitong boses. Hindi naman ito galit pero halatang hindi ito nakikipagbiruan. "Why Dad?" Mukhang lutang pa rin siya at hindi nagpo-process ng tama ang kanyang utak. "What do you mean why? I already told you about this lunch meeting with Ms. Razon." Hindi pa rin niya maayos na ma-proseso ang lahat at halos di nga niya naalala ang apelyido ng babaeng kanya daw makikilala ngayon, pero wala naman siyang choice kung hindi ang sumang ayon. "Ohh-kay, I'll be there in a minute." "You should be," anito, at naputol na ang tawag. Kahit antok pa ay nagawa na niyang bumangon at maglakad papasok sa banyo. Akala niya ay makakapagpahinga na siya ngayon at makakapag isip sana ng paraan para makapasok sa isang malaking group of foundation na pinamumunuan ng tinaguriang 'Port King' ng Pilipinas. Kailangang-kailangan niya ang contract na iyon para maisalba ang kanyang negosyo. Pero kung kailan namang busy siya saka naman naisipan ng kanyang Dad na ito ang pinakamahalagang gawin sa ngayon, pero hindi rin naman niya ito masisisi sapagkat hindi nito alam ang kanyang pinagdadaanan. Hindi pa niya nasasabi dito ang nangyaring pagkasunog ng kanyang grape plantation sa Spain. Dahil sa mga nangyayari sa kanyang buhay ay nagawa na lamang niyang mapabuntong hininga. Ang malaking Alaskan Malamute naman niyang si Max na natutulog sa sleeping bed nito sa baba ng kanyang kama ay nagising na rin at sumunod sa kanya. Napapahikab at napapakamot na siya sa tagiliran ng halos mapasigaw siya nang tumama sa kanyang balat ang malamig na tubig mula sa shower. Nakalimutan kasi niyang i-set ang mainit na tubig dahil sa pagmamadali, nang marinig naman ang malakas niyang singhap mula sa loob ng shower. Napatahol ng malakas si Max dulot ng pag aalala sa kanya, pilit din nitong kinakalmot ang glass door ng shower room. Nang mapansin niya ang ginagawa ni Max, binuksan niya nang bahagya ang pintuan para sumilip doon. "Okay lang ako Max, maglaro ka na muna sa living room, boy," utos pa niya dito. Parang di pa sang-ayon si Max, pero maya-maya ay sumunod na rin ito sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang panliligo, matapos iyon ay nagbihis. Nagtungo rin siya sa kusina para pakainin si Max bago umalis. Matapos maihanda ang pagkain nito, nagpaalam pa siya bago umalis. Habang nasa byahe, bumuhos ang malakas na ulan kaya naman siya natagalan. Pasalamat na lamang niya sa Dyos sapagkat kahit late ay nakarating din naman siya doon. Hindi niya inaasahan na ang babaeng makaka-meet up niya ngayon, kasama ang pamilya nito ay walang iba kung hindi ang nag iisang anak ng tinaguriang 'Port King' at ang babaeng nakita niya sa airport noon. Nang mapagtanto niya ang lahat, daig pa niya ang tumama sa lotto dahil sa saya at swerteng nararamdaman. Napangiti na lamang siya nang napakaganda dahil sa takbo ng mga pangyayari. Nalaman din niya na kaibigan pala ng kanyang ina ang pamilya ng Razon. Doon pa lang alam na niyang may pag asa nang maisalba muli ang pinakamamahal niyang Ross Bane. Naging blessing in disguise ang marriage interview ng kanyang Dad. Alam niyang mali gumamit ng tao para lang sa advantage niya, pero ito lamang ang alam niyang paraan para maayos ang kalagayan ng kanyang negosyo. DAHIL sa ingay ng kanyang mga kaibigan ay napabalik siya sa katotohanan. Kung iisipin ng maayos ang sabi ng kanyang ama tunay nga na kakaibang babae si Heiley, at sa mahigit na isang linggo nilang pagsasama sa iisang bahay. Masasabi niyang tama ang kanyang Dad sa pahayag nito. Una, kung manamit ito ay kakaiba. Hindi naman malamig, pero balot na balot, hindi nga niya alam kung ilang patong na damit ang isinusuot nito. Pansin din niya ang lagi nitong suot na gloves, kahit ata mag end of the world, hinding-hindi nito huhubarin iyon. Sapagkat, mula umaga kita niyang suot na iyon hanggang sa pagtulog. Minsan naiisip niya na baka may skin allergies si Heiley kaya hindi nagpapakita ng balat, ganun din ang pagiging sensitive nito. At may isa pang bagay na hindi rin niya maipaliwanag, iyon ay ang pagmamay ari nitong stuff toy na mukhang sinister na gulay. Dahil sa pagiging weirdo nito kaya minsan naiisip niya kung bakit parang despirado na ang mga magulang nito. Wala naman siyang problema sapagkat iyon naman ang naging daan para malutas ang kanyang sariling problema. "UI NATAHIMIK KA NA PARENG DAMON!?" malakas na sigaw pa ni Brix sa kanya. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na natulala, pero mukhang lasing na ang mga ito ngayon. "Tinanong lang namin sayo ang tungkol sa fiance mo tapos natulala ka na, baka naman inlove ka na sa freaky mong mapapangasawa?" Hindi siya nakaimik, pero malinaw na hindi niya nagustuhan ang tono ng boses ni Jake na para bang nilalait ang kanyang fiance. Sa totoo lamang kay may pagka weirdo ang babaeng iyon, may parte sa kanyang puso na hindi niya matanggap ang pang iinsulto ng iba dito. Alam niyang especial si Heiley sapagkat kailangan niya talaga ito, pero ang masaktan dahil sa pahayag ng iba ay talagang nakakabahala para sa kanya. Noon kasi, parang isang past time lang ang tingin niya sa mga babae, kailangan mo bilang stress reliever. Hindi niya maipaliwanag, pero kahit ganun, nanatili na lamang siyang tahimik at hindi na lang pinansin ang sinabi nito. Nang oorder na sila ng ibang pagkain, biglang bumukas muli ang pinto ng private room niya. Ang maiingay at nagkakasayahan niyang dalawang kaibigan ay napatigil nang makita ang taong dumating. Napatigil sa pagkanta si Brix, habang napababa naman si Jake sa sofa kung saan ay nagtata-talon na iyon dun ngayon. Napasinghap silang lahat at saka Napa sigaw. "RIGO!!! PARE!" "Yow, buti naka abot ka, nagwawala na ang dalawa dito," ani Damon, magkatapos makipag-fistbump dito. Si Rigo ay isa rin sa kanilang magkakaibigan. Busy ito sa trabaho kaya naman akala nila ay hindi ito makakarating sa bonding nilang magkaka-tropa ngayon, mabuti at nakahabol ito. Dahil sa pagdating nito ay nagpatuloy ang kanilang kasiyahan, nakalimutan na rin ng mga gago at lasingero niyang kaibigan ang kanyang fiance na si Heiley. Hindi man siya seryoso sa babaeng iyon, pero may kung anong inis na nabubuo sa kanyang puso dahil sa narinig na pahayag mula sa kaibigan. ▼△▼△▼△▼△ NANG makauwi si Damon sa bahay nila ni Heiley, madaling araw na iyon at may tama na rin siya dahil sa pag iinom kasama ang mga kaibigan. Madilim at tahimik na ang buong bahay, dahan-dahan siyang naglakad papasok at kinapa ang switch ng ilaw. Nang malinaw na sa kanya ang daan. Pasuray-suray siyang naglakad paakyat sa kanilang kwarto. Bagkus niya ng pintuan, ilaw na lamang ng lamp shade ang kanyang naaninag. Mukhang tulog na ang kanyang fiance sa kama at ganun din si Max na nasa sahig. 'Freak mong fiance' Habang pasuray-suray na naglalakad, naalala niya ang sinabi ng kanyang kaibigan kanina. Hindi niya iyon matanggap kaya naman lumapit siya sa kama ng tulog na si Heiley at umupo sa gilid noon. Ngayon, dahil sa kalasingan ay lumalabas ang tunay niyang nararamdaman. "You're not a *hic freak, okay?--- little some---thing off but not totally *hic freaky," bulong pa niya sa tulog na fiance. Nang hindi ito sumagot sa kanyang pahayag, napadako kay Mr. Carrot man na hawak ni Heiley ang kanyang mga mata nito. "You're th--e *hic freak," nakasimangot na saad niya, sabay turo sa malambot na stuff toy na yakap ni Heiley. Matapos tingnan iyon ng masama, dala na rin ng hilo na nararamdaman, hindi na niya nagawang makapaglatag ng higaan at humiga na lamang sa sahig ng biglaan. Naawa naman sa kanya ang pinakamamahal niyang alaga na si Max, at tinabihan siya para di siya lamigin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD