Chap 9
3RD PERSON POV
KINABUKASAN, maagang nagising si Heiley sapagkat marami pa siyang dapat gawin para sa araw na ito. Naalala rin niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik mula sa Buena Astra ang kanyang Mama at Papa kaya naman hindi pa niya makakausap ang mga ito.
Nag iinat siya ng mga braso, habang nananatiling nakasara pa ang kanyang mga mata. Mula kabataan ay nakasanayan na niya ito kaya hanggang pagtanda ay dala pa rin niya.
Napapahikab pa siya matapos ang munting pag iinat na iyon, nang buksan na niya ang mata, malakas na napasinghap siya sa gulat nang makita si Max na tahimik na nakatingin sa kanya na para bang naghihintay at pinapanuod siya.
Nakaupo ito sa baba ng kanyang kama pero ang kalahati ng pangtaas na katawan nito ay nakapatong sa gilid ng higaan niya at masayang nakatingin sa kanya.
Nang magtama ang kanilang mga mata, masaya at magiliw itong tumahol para siguro batiin siya ng 'Good morning'.
Kahit ayaw niya sa mga aso, kahit papaano ay napapalapit na rin ang loob niya kay Max dahil sa mga oras na magkasama sila dito sa bahay. Dahil nga laging wala si Damon kaya siya na ang naghahanda at nagpapakain dito.
Kahit medyo kinakabahan, itinaas niya ng dahan-dahan ang kanyang kamay at ipinatong sa ulo nito.
Kung kanina halos maputol na ang buntot nito dahil sa paggalaw, ngayon naman ay nagawa pa nitong dumamba paakyat sa kama at patungo sa kanya.
Dahil sa gulat at sa laki ng katawan nito na dumagan sa kanya, hindi niya naiwasan na hindi muli mapahiga ng tuluyan sa higaan. Malikut at napakasigla nito habang dinidilaan ang kanyang mukha. Pilit naman siyang umiiwas, pero makulit talaga ito.
Sa unang pag kakataon, mula nang tumira dito. Wala sa kanyang isipan na gigising siya at magsisimula ang kanyang araw sa isang kasiyahan at sa umagang puno nang tawanan.
"T-Tama na Max hahaha," hinihingal at tumatawang aniya dito, habang pilit umaalis sa ilalim ng napakabigat na asong ito.
Mabuti na lamang at wala naman siyang allergies sa balahibo ng aso, pero sa amo nitong lalaki, dun, walang duda na allergic siya.
"Ikaw talaga Max, hindi ba umuwi ang babaero mong amo?" tanong pa niya kay Max, na walang ginawa kung hindi ang sumiksik sa kanya.
Hindi nya lang kita sapagkat malaki ang kama at nasa gitna sila ni Max, pero ang totoo ay naroon at nakasalampak sa sahig ang tulog na tulog pa rin na si Damon.
Ngayon, nang pababa na siya sa kama. Halos mapasigaw siya sa takot nang muntik na niyang mayapakan ang tulog na si Damon. Nakadapa ito sa sahig at nakatapal ang mukha sa kahoy na flooring ng kwarto.
Mabilis namang bumaba ang katabi niyang si Max at saka nilapitan ang amo nito para amuyin. Siguro ay inaalam nito kung buhay pa ba ito.
Siya naman ay napatakip na lamang ng kanyang ilong nang mapalapit siya kay Damon, may malakas at mabaho ang amoy ng alak na nagmumula dito.
"Now, I know, kaya pala may kakaibang amoy kanina nang magising ako. Ikaw pala yun," bulong niya, habang napapangiwing nakatingin dito.
Halatang dahil sa kalasingan nito ay hindi na nito nagawa pang magbihis ng damit o maglatag ng higaan kagabi.
Wala na sana siyang pakialaman sa lasengerong lalaking ito, kaso hindi mawala sa kanya ang awa. Lalo na at pinalaki siya ng kanyang mga magulang bilang isang matulungin na tao.
Nasa may pintuan na siya at handa nang lumabas nang mapatigil siya doon, hindi niya mapigilan ang buntong hininga na kumawala sa kanyang labi at saka muling bumalik.
Wala naman siyang balak gisingin ito, pero alam niyang nilalamig ito at baka magkasakit kaya gamit ang kumot, ibinalot niya iyon kay Damon para mahila niya ito patungo sa inilatag niyang makapal na duvet sa sahig.
Nang mabalot na niya si Damon, unti-unti niya itong hinila at dahil narito din si Max ay nagawa pa siya nitong tulungan.
Nang mailagay nila si Damon sa ibabaw ng latag, nakahinga siya ng maluwag at napapunas ng noo dahil sa pawis na meron doon. Malaking tao at matangkad ito kaya naman hindi na nakapagtataka na napakabigat nito.
Bago siya lumabas ng kwarto ay kinumutan pa niya ito ng maayos. 'Wala naman masamang magmalasakit, lalo na at alam ko din naman na napilitan lang rin siya na tumira kasama ko.'
Nang masiguro niyang maayos na si Damon, sabay na silang lumabas ni Max at naglakad patungo sa kusina para magluto.
Naghanda siya ng pancake, bacon at scrambled egg. Kahit narito na sa pilinas, lagi pa rin iyong nawawala sa kanyang isipan kaya naman ang breakfast na kanyang nagagawa ay katulad ng madalas niyang kinakain sa America.
Habang kumakain siya, si Max naman ay nagsisimula na rin kumain sa food bowl nito sa ilalim ng lamesa. Hindi na bago sa kanya ang ganitong sitwasyon, sapagkat lagi naman silang ganito kapag umaga.
Dinadamihan na rin niya ang pagkain nito sapagkat kadalasan ay hindi siya nakakauwi sa tanghali.
Matapos kumain, bumalik muli siya sa kwarto para maligo at magbihis. Pagpasok niya, pansin niya na tulog pa rin ang bwisit niyang fiance.
Nagkibit balikat naman siya at dumeretso sa cr dala ang pamalit na damit.
Matapos ang panliligo at pagbibihis, ngayon ay nag ayos siya ng mukha ng kaunting sandali. Kahit mayamang babae si Heiley. Hindi siya kagaya ng iba na inaabot ng halos isa hanggang dalawang oras sa harap ng salamin para lang sa pagpapa ganda.
Alam naman niya na wala iyong kwenta kung sakali na gawain pa niya, sigurado naman na paglabas niya. Isang freak at weirdo ang tingin sa kanya ng karamihan.
Pero dahil unang araw niya para bumisita sa kumpanya na pagmamay ari ng kanyang mga magulang at ayaw naman niya na mapahiya ang mga ito kaya kahit paano ay pumili siya ng maayos at formal na damit.
Isang stylish coat at button down blouse ang kanyang napili pang itaas at isang fitted na slacks naman sa baba na talaga namang bumagay sa kanyang sexy legs.
Syempre hindi makakalimutan ang kanyang gloves na lagi niyang suot, kahit paano, kapag suot niya ito nagkakaroon siya nang pagkakataon na makapag kamay sa mga business partners at iba pang mahahalagang tao na kanyang nakakasalamuha sa kumpanya.
Nang ma-satisfy na siya sa kanyang itsura, lumabas siya ng banyo at inayos ang mga dadalhing gamit patungo sa trabaho. Hawak na niya ang bag, susi at iba pa sa kanyang kamay nang mapatingin siya sa masayang ngiti ni Mr. Carrot man na nakapukol sa kanya.
Nagbigay din iyon sa kanya ng isang tipid na ngiti at lakas ng loob para simulan ang araw na ito. 'Goodbye, Mr. Carrot Man.'
Bago isara ang pintuan ng kwarto, napasilay pa siya sa naka-nganga at sarap na sarap sa pagtulog na si Damon.
Napailing na lamang siya at saka tuluyan nang umalis.
▼△▼△▼△▼△
Dumating si Heiley sa kumpanya, saktong 8:00 am ng umaga. Dahil siya ang anak ng CEO at may ari ng Bloomberry Enterprise at President ng Bloomberry Cultural Foundation Inc. (BCFI), walang naglakas ng loob na humusga sa kanya at manlait dito.
Bagkus ay mababait at magagalang na employees ang sumalubong sa kanya. Sumakay siya sa private lift patungo sa office ng kanyang Papa para kunin ang ibang dukumento na kanyang kailangan.
Sa totoo lamang ay may sarili siyang opisina dito, pero dahil ayaw niya sa masyadong exposure at maging sentro ng atensyon kaya naman nagpasya siyang mag office sa ipinatayo niyang cafe ilang taon na ang nakakalipas.
Bumabalik lamang siya dito sa kumpanya kapag may mahalagang meeting o bisita na dumadating.
Katulad na lamang ngayon, habang inaayos ang mga papeles na dadalhin niya ay biglang dumating si Shein, ang kanyang secretary.
"Ms. Heiley, our new business partner just arrived, he wants to meet you," anito, at saka mabilis na napayuko para ipakita ang paggalang.
"Sure, take him to the conference room and let them wait for me."
"Yes, Miss." Mabilis itong umalis matapos marinig ang kanyang naging sagot.
Napabuntong hininga na lamang siya at saka napailing. Akala pa naman niya ay tahimik at normal na pagbisita at pagkuha lamang ng mga papeles ang kanyang gagawin ngayon.
'Aist, sana pala pumayag ako sa alok ni Shein kahapon na siya na lang ang magdadala sa akin ng mga documents,' nag sisi pa niyang bulong sa kanyang sarili, habang naglalakad patungo sa conference room.
Nang makarating doon ay dahan-dahan pa siyang ipinagbukas ni Shein ng pintuan para makapasok. Tumango naman siya dito bilang pasasalamat bago tumuloy. Sumunod naman ito sa kanyang likuran at saka marahan na sinaraduhan ang pinto.
Pagpasok pa lamang ay napansin na niya ang pigura ng dalawang tao na nakaupo patalikod sa kanya, kung magbulungan pa ang mga ito, akala mo'y nasa isang bar at wala sa pribadong kumpanya kung paano maglandian pa.
At nang marinig ng mga ito ang kanyang pagdating ay mabilis namang tumayo at humarap sa kanya ang mga ito.
"Hi, thank you for ----"
Napatigil ang lalaki sa pagsasalita nang magkaharap silang dalawa. Ang taong ito ay walang iba kung hindi ang kanyang FIANCE na si Damon Ross at kasama naman nitong babae ay mukhang assistant o secretary ata dahil sa pananamit nito at sa mga folder na dala nito.
Pero kahit ganun, ramdam niya na may relasyon ang dalawang ito. Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.
Habang nakatulala ito sa kanya, napangiti naman siya ng pilit habang marahan na napapailing. 'What a wonderful day to you Heiley, tulog pa ito nang iwan ko sa bahay kanina, ngayon ay nakikipag landian na agad sa ibang babae. Aist, iba talaga ang mga lalaki.'
Nang tumighim siya ay nawala ang pagkatulala nito, bumati ito na para bang walang nangyari.
Nasa likod niya si Shein, at nang matapos ang awkward na batian nila, aanyayahan na sana niyang maupo ang mga ito pabalik sa mesa nang tumanggi si Damon.
"No, it's okay. I think I'll just come back when Mr. Razon is here," magalang na anito at nang mapadako sa kasama nitong babae kanyang tingin.
Napataas pa ang kanyang kilay ng irapan siya ng babae na para bang napaka ganda nito.
Nagkibit balikat na lamang siya at tumango bilang pag sang ayon sa sinabi ni Damon.
"I see, then, excuse us."
Handa na siyang umalis at malapit na sila sa may pintuan ng mabilis siyang umiwas nang maramdaman niya ang presensya sa kanyang likuran.
Dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon ay mabilis din na tumatake ang kanyang trauma. Pakiramdam niya ay may masamang gagawin ito sa kanya.
"Don't. Ever. Touch. Me," galit na bulong niya dito, pero nananatili pa rin ang pagiging propesyonal niya.
Dahil sa gulat at bilis ng pangyayari ay nanginig ang kanyang mga kamay at halos lumabas ang kanyang puso dahil sa lakas ng t***k nito dulot ng takot na nararamdaman. Mahigpit din niyang niyukom ang kanyang kamay na balot ng gloves at itinago iyon sa ilalim ng suot niyang mahaba na coat.
"I'm so sorry Hon-- I mean, Ms. Razon, I--It's just a reflex," pagpapaliwanag pa nito.
Hindi na niya iyon pinakinggan pa at nagmamadali nang umalis sa lugar na iyon para bumalik sa kanyang opisina.