Part 3

2044 Words
"Ruk, anong oras ka dumating kagabi? Hindi ko na napansin," sabi ni Rei habang nagsusuot ng medyas kinabukasan. Naghahanda na ito papuntang eskuwela. "Past midnight na. Pansin ko nga, ang tahimik ng bahay pagkarating ko. Mabuti naman at hindi ka na nagbabad sa kakalaro." Si Ruki naman ay nakaharap sa lutuan. Kasalukuyang binabaliktad ang nilulutong scrambled eggs. "Kumain ka muna bago ka umalis." "Medyo sumasakit kasi ang mata ko kapag masyadong tumatagal sa harap ng computer. Tumagos na yata ang radiation." "Pahinga lang ang kulang d'yan, sigurado. Pero kung gusto mo, may nababasa ako sa social media na mga computer glasses. Bumili ka ng gano'n." Pinatay na ni Ruki ang kalan saka inilipat ang itlog sa plato. "Halika na, sabay na tayo." Sumandok siya ng kanin at saka inilagay sa malaking plato. "Halika na." "Ano'ng niluto mo?" "Itlog lang saka ham." Nauna na siyang umupo nang makitang tumayo na ito sa sofa para dumulog sa hapagkainan. "Hmn, pakain ha?" "Sige, sige. Kumuha ka lang, marami naman 'yan. Baka gusto mong magbaon, may mainit pang kanin sa rice cooker," saad niya na kumagat ham. "'Di na, maliit kasi ang bag ko. Hindi magkasya ang baunan. Ikaw ba? Magbabaon ka?" "Hindi rin," aniyang ngumisi. "Iyong project natin kay Prof. Junta, natapos mo na ba ang part mo?" "Kalahati pa lang. Next week pa naman ang due date. Marami pang oras. Ikaw? Tapos na?" "Buti ka pa nga nangalahati na, e. 'Di ko pa nasisimulan." Napapailing na kumagat naman ng itlog si Ruki. "Malapit nang matapos ang school year na 'to. Nakakapagod na, gusto ko nang magbakasyon nang matagal-tagal. Humilata na lang ng buong araw." "Konting tiis na lang, forth year na tayo." Natigil sila sa pag-uusap ng tumunog ang cellphone ni Rei na nakalapag sa itaas ng glass table katabi ng plato. Sinilip muna ng lalaki ang screen bago nilunok ang kinakain at dinampot iyon. Tinanggap nito ang tawag saka pinindot ang loud speaker button pagkatapos ay muling inilapag sa tabi. "Kuya." "Saan ka?" tanong ng nasa kabilang linya. "Nasa condo. Bakit?" "May patitingnan akong file sa 'yo, hindi ko alam bakit hindi ko na mabuksan. Okay naman 'to no'ng isang araw." Kahit hindi nakikita ni Ruki ang hitsura ng kuya ni Rei ay unti-unting nabuo sa kanyang isip kung ano ang posible nitong anyo base sa boses. He had a baritone and hard voice kaya naisip niya ay baka strikto ito. May angas magsalita, marahil ay nakasakubong ang mga kilay nito habang nakikipag-usap sa kapatid. Hula niya sa edad ay nasa late twenties o early thirties. "Kelan mo ba kailangan?" tanong ni Rei. "Kailangan ko 'to anytime pero bukas ko na ibibigay sa 'yo. Sige na, matutulog na 'ko." "Okay, sige, Kuya." Hindi na narinig ni Ruki na sumagot ang kuya ni Rei. Diretsong pinatay nito ang tawag. "He's my idol," pagkuway usal nito sa kanya. Napataas naman ang kanyang mga kilay na tumingin dito. "Dalawa lang kaming magkakapatid pero siya ang sumunod sa daddy namin. He's a PNP, a tough and cool one. Nasa Anti-Kidnapping Group siya, officer." "Aaa..." tango ni Ruki. "Mukhang cool nga." "Yeah, gusto ko sanang mag-criminology noon pero mukhang nakakapagod. Okay na siguro iyong siya na lang. Once, may ni-rescue ang unit nila na anak ng malaking businessman, parang nasa movie 'yong nangyari. Ni-raid nila 'yong kuta ng grupo tapos nakuha 'yong babaeng hostage, nakagapos daw sa upuan. Na-promote siya after no'n." "Wow, ang angas no'n, gusto ko tuloy makilala ang kuya mo." He just said it kasi wala siyang maapuhap na isagot. Nakakahiya rin kapag huwag niyang pansinin ang kuwento nito. Halata pa naman na mataas nga ang tingin ni Rei sa kapatid. But well, totoo naman ang sinasabi nito. His brother sounds badass, pero kapag pulis ng Pilipinas ang pinag-uusapan, ang bumubuong hitsura sa isip niya ay iyong sunog sa init na balat at malalaking tiyan. Rei is handsome pero dahil bata pa ito. Beauty--be it male or female--subsides as they aged. Depende rin sa lifestyle at linya ng trabaho. "Kaya nga. Hmn, ang busog ko na. Thank you, Ruki boy!" Tumayo ito ang dinala ang pinggan sa lababo. "Iwan mo na lang 'yan d'yan. Malapit ka nang ma-late," aniyang bahagya itong nilingon. "Sure ka?" "O, ako nang bahala. Mamaya pa naman ang klase ko." "Baka isipin mo, inaabuso kita." Nakangisi ito habang nagsasalita. "Baliw," naiiling niyang sagot. "Pero sabi mo, e. Iiwanan ko na 'to." "Oo, iwan mo na." "Salamat!" Nabigla si Ruki nang bigla siya nitong tinapik nang malakas sa balikat. "Magto-toothbrush na 'ko." "Sige." Makaraan ang ilang sandali ay lumabas na ang kaibigan sa kuwarto na may bitbit na maliit na bag. "Alis na 'ko." "Sige, kita na lang tayo mamaya sa school." Napahinga siya sabay ngiti nang marinig ang pag-click ng electronic lock. Talk about luck, ang suwerte niya na naging kaibigan si Rei. Walang halong pagyayabang ang mga kilos nito. He could feel the sincerity on how he treats him. Tinatrato talaga siya nitong kaibigan kaya aalagaan niya iyon. Malaking utang na loob na ang pagpapatira nito sa kanya nang libre sa isang napakakompotableng bahay. He couldn't ask for more. All he could do in return is be his real friend, at tumulong nang kaunti sa mga gawaing bahay. *** Tatlong beses sa isang linggo maagang natatapos ang eskuwela ni Ruki. After school, dumideretso na siya sa DCAF, isang coffee shop, para magtrabaho bilang isang parttime server. Apat na oras ang ginugugol niya roon. Kahit na hindi kalakihan ang suweldo niya sa apat na oras, ay malaking tulong din iyon pandagdag sa allowance. Hindi rin naman iyon kalayuan sa condo na tinitirhan niya ngayon kaya hindi siya nahihirapang mag-commute araw-araw. 10 minutes na lakaran lang, nararating na niya ang uwian. "Good afternoon, Chary," bati ni Ruki sa may-ari ng coffee shop na si Chary pagkarating. Charlotte ang totoong pangalan nito pero nakasanayan na ng lahat na tawaging Chary kaya nakisali na rin siya. "Hello, Ruki!" sagot ng may kaputiang babae. Nakadamit ito ng printed white tee at faded tattered pants. Nakatali paitaas ang kulay pink na buhok at may nakapatong na black framed eyeglasses sa ilong. Nakaharap ito sa isang laptop sa isang maliit na round table sa sulok. Kung titingnan mula sa harap, mukhang ang busy nito sa kung anumang ginagawa wherein fact, naglalaro lang ito ng online games. Chary's still young, mga around twenty six. Huminto raw sa pagtatrabaho bilang call center agent nang maitayo ang coffee shop na iyon. The shop was doing well, malapit ito sa mga office establishments kaya maraming come and go na tao. May mga regular customers na rin ngunit dahil halos mag-iisang buwan pa lang naman siya roon kaya hindi pa niya masyadong namumukhaan ang ibang regulars. "Hay, nandito na si Ruki ko!" Ang sabi ni Michika, ang cashier on duty. Chubby na kikay. The first time they met, noong pinakilala pa lang siya ni Chary sa grupo ay sinabi na ng babae na bet siya nito. Wala siyang ibang reaction kundi ang ngumiti. He didn't even understand what she meant. "I missed you! Iba talaga ang duty ko kapag ikaw ang server" "Hmn, salamat at mukhang may contribution ako sa araw mo," aniyang pumunta ng staff room at inilagay ang gamit. Hinubad na rin niya ang light blue shirt na school uniform at pinalitan ng puting polo shirt na may logo ng DCAF. Pagkatapos ay sinundan ng isang brown na apron. Pagkapasok niya kanina sa shop ay may nakaupo nang apat na tao. Hindi na siya nagbagal pa dahil maya-maya, after one hour ay siguradong dadami na ang customers. "Halika, tuturuan kita ng kaunti ngayon kung paano gamitin itong POS. Para kapag nagkulang tayo sa crew, keri mo nang mag-cashier." "Sige," aniyang bahagyang ngumiti. Karagdagang kaalaman na naman. He loves to learn new things dahil naniniwala siya na darating ang panahon na magagamit niya rin ang mga iyon. "Kapag natapos mo nang i-repeat ang orders nila, at nag-confirm sila, click mo na 'tong cash. Ayan, lilitaw sa monitor ang buong babayaran nila. Inform them the bill--shocks!" Nagulat si Ruki mula sa matamang pagkakatitig sa ginagawa ni Michika. "Ano? Nanggugulat ka naman, e." Ang mga mata nito ay nakatitig sa labas coffee shop. "My hero! My prince charming." "Ano?" Naguguluhang sinundan ni Ruki ang mga mata ng babae na hindi na gumalaw. Nakatitig lang sa kung ano mang nakita sa labas mula sa salaming harap ng shop. Sa ilang mga taong naglalakad doon ay wala namang ibang nakitang puwedeng pumasa sa pagiging prince charming ni Michika kundi ang lalaking naka-brown ng jacket at nakapantalon ng maong. Nakatalikod itong nakatayo sa gilid ng shop. Mukhang naninigarilyo dahil may nakikita siyang usok malapit dito. He was tall and well built, perhaps. Base sa hubog ng katawan nito at tayo. Marahil ay nagmukha lang mas malapad dahil sa makapal na suot na jacket. He was lazily standing in one foot. Ang mga tingin ay nakatuon sa tawid ng kalsada, o baka naman walang direksiyon ang tanaw nito, hindi niya alam. "Iyan?" "Yesh," sagot nito na tumingin sa kanya na tila nalulusaw. "Sino ba 'yan?" "I don't know. Ang saklap ng sagot ko, 'di ba? He's one of our regulars. Indefinite ang pagpunta niya rito, sometimes umaga, hapon o gabi. Sana pumasok siya ngayon." "Okay," tango niya. "Sa'n na ulit tayo?" Ruki dismissed the topic dahil mukhang may balak pa itong magdaldal. Baka maubos ang oras niya na wala ng natutunan. "Okay, pagkatapos mong i-press ang OK, ibigay mo ang resibo together with the change. Then say thank you!" saad nito na ngumiti nang matamis. "Sige, teka at isusulat ko. Magsawa ka muna sa katititig sa prince mo." Tumalikod na si Ruki pagkatapos kumuha ng ballpen at papel. *** Nang sumunod na araw, Linggo, ginising si Ruki ng sunud-sunod na tunog ng doorbell. Dahil mas malapit sa pintuan ang kanyang kuwarto kaya mas rinig doon iyon. Tiningnan ng inaantok pang mga mata ng lalaki ang orasan na nasa itaas ng bedside table at napakamot sa ulo nang makitang alas sais pa lang ng umaga. "Linggo na Linggo nambubulahaw." Imbes na plano niyang gumising ng late nang araw na iyon dahil walang klase, mukhang palyado na kaagad. He couldn't expect Rei to get the door since last night, he went home drunk. Siguradong humihilik pa pati puwet niyon ngayon. Walang kagana-ganang nagbihis si Ruki ng puting t-shirt at hinayaan na lang na lumabas nang naka-boxer shorts. Magbibihis na lamang siya sakaling babae ang bisita. Ang tangi niya lang nakita sa maliit na butas ng peephole ay ang itim na kuwelyo ng damit ng kung sinong nasa labas. Mukhang matangkad dahil bandang leeg lang ang nahahagip ng kanyang paningin. Ikinabit niya ang security chain bago binuksan ang pintuan. Sumilip at nagtanong, "Sino po sila?" "Sino ka?" kaagad na sabi ng lalaking nasa labas. Puno ng pagtataka ang magkatagpo nitong mga kilay. Hindi kaagad nakasagot si Ruki dahil napatitig siya sa mukha nito. Ang unang kumuha sa atensiyon niya ay ang makakapal nitong mga kilay. Ang sunod ay ang maliit na nunal sa ibabang bahagi ng kaliwang mata. His eyes were sparked with irritation as he bent his head down to give him a glance. "Hoy." Kinatok nito ang parte ng pintuan malapit sa kanya gamit ang buko ng daliri. "Ang sabi ko sino ka?" Nakaramdam ng pagka-irita si Ruki sa ginawa ng bisita kaya tumikwas ang isa niyang kilay. "At sino ka rin? Magpakilala ka muna bago kita sagutin. Ako ang unang nagtanong." "Open this damn door or I'll break this." Mas lalong nag-shoot-up ang presyon ng dugo ni Ruki sa narinig. Nambubulahaw na nga ito nang kay aga-aga, barumbado pa kung umasta! "Subukan mo lang at tatawag ako ng pulis." "Tatawag siya ng pulis," the man murmured, lips were twisted in a half smile. "Ano bang kailangan mo? Sino ka? Bakit ayaw mo na lang magpakilala? Nang-iistorbo ka ng bahay ng may bahay kay aga-aga!" "I'm the brother of this flat's owner kaya buksan mo   ito kung ayaw mong sirain ko ang lock na iyan." Buhat sa narinig ay tila binuhusan ng malamig na tubig ang ulo ni Ruki. Literal na umatras ang kanyang dila kaya wala nang nasagot. Nagmamadali niyang tinanggal ang security chain saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. "Who are you, by the way?" tanong nito pagkatapos pumasok ng bahay. Umikot para harapin siya at namaywang. "A-ako po si Ruki. K-kaibigan ni Rei." "Where is he?" Nagtatanong ito ngunit hindi na hinintay ang kanyang sagot. Dumiretso sa pintuan ng kabilang kuwarto at binuksan. "Rei!" rinig ni Ruki na sambit nito. Napahugot na lamang siya ng hininga habang sinasarhan ang pintuan. Nakakahiya! How could he talk like that to Rei's brother? Sana inalam muna niya ang identity nito bago sinagut-sagot. Mukhang malalagot yata siya. Sana ay hindi muna magwakas ang suwerte niya ngayong napainit niya ang ulo ng kuya ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD