Part 4

1529 Words
Magkaharap sa lamesa ang tatlong lalaki. Si Rei na hawak ang nagyeyelo sa lamig na softdrinks ay tila mahuhulog pa ang mga mata. Magulo ang buhok nito dahil hindi man lang nagkaroon ng tsansang mag-ayos. Basta na lang kasi itong ginising ng kuya at pinilit na bumangon. Halata na nahihirapan pa itong buhatin ang mga pilik-mata. Si Ruki na kape naman ang kaharap ay katabi ng huli at sa harapan nila ay ang kuya nito, si Gregor Carriega. Ang sinungitan niya kani-kanina lang. Patamad itong nakaupo sa silya at nakabukaka ang mga hita. Ang hawak na usb ay tinutuktok sa salamin na lamesa. Ilang sandali na nitong ginagawa iyon nang hindi man lang nagsasalita. Tuloy naririndi na siya sa tunog ng pagdampi ng usb sa lamesa. Gumagalaw-galaw ang panga ng lalaki habang tinitingnan siya. Tila sinusuri nito ang buo niyang pagkatao. Naasiwa tuloy siya at nagsisi kung bakit hindi nagsuot kanina ng disenteng shorts. Ngayon masyado nang awkward para umalis sa harapan nito para magpalit ng damit. "Ano, okay ka na?" tanong nito sa kapatid na halos nakapikit pa. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba na pupuntahan kita rito ngayon. May patitingnan akong file." "Oo nga pala, ngayon nga pala 'yon," anang kanyang katabi na nagkamot ng ulo. Mas lalo tuloy nagulo ang buhok. "Nakalimutan ko, Kuya." "Naglasing ka kagabi?" "Naimbitahan lang sa birthday." Naisip ni Ruki, 'Ano bang ginagawa ko rito? Hindi naman ako kasali sa usapan. Napaka-awkward naman, para akong decoration sa harap nila.' "Madalas ba ang paglabas mo?" "Hindi naman, kahapon lang. Wala namang pasok ngayon kaya walang problema," usal ni Rei na tumungga ng softdrink. "Huwag kong maririnig na napapabayaan mo ang eskuwela mo dahil sa paggala, at isa pa 'yang paglalaro mo ng computer. Nakikita mo ba ang hitsura mo ngayon? May salamin ka naman siguro dito, hindi ba? Talo mo pa ang aso ni Pransing." Napatawa si Rei sa sinabi ng kapatid. Kahit hindi kilala ni Ruki ang binanggit ni Gregor ay naisip niya kung ano kaya ang hitsura ng aso na ibig sabihin nito. Dinala ni Ruki ang tasa sa bibig at humigop na lang ng kape. "Hinintuan ko na nga kasi sumasakit na ang mga mata ko kapag masyado akong nagtagal sa screen." Inipon ni Ruki ang lakas ng loob para mag-butt-in sa pag-uusap ng magkapatid. "A...papasok po muna ak--" "You stay there," sabi ni Gregor na pinatuwid ang daliri at tinuro siya. Tila nanigas naman ang kanyang katawan sa inasal nito saka bumalik sa pagkakaupo. Tumingin ulit ito sa kapatid saka iniabot ang isang pulang usb. "Fix that, I need that anytime." Tiningnan muna ni Rei ang hawak na usb saka nagsabi, "I'll try but can't promise." "If you can't then try harder." Napakamot muli ang kanyang kaibigan sa ulo. "Ikaw, napatuwid ng upo si Ruki nang bumaling sa kanya ang pares ng mga mata ni Gregor. "You seemed familiar, have I seen you before?" "Uhm...w-wala po akong maalala...Sir." "Don't call him sir. He's my kuya, call him kuya," saad ni Rei na umakbay sa kanya. "Kuya, I offered him to stay here temporarily kasi may problem ang family niya." "Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" Mula nang magkita sila ni Gregor kanina habang nambubulahaw ito sa labas ng pintuan hanggang ngayon na magkausap na ang mga ito sa lamesa, hindi pa nakitaan ni Ruki na nabura ang guhit sa gitna ng mga kilay nito. Why is he always frowning? 'Yan na ba talaga ang resting face niya? "You were too busy for the last two weeks, Kuya. Simula nang mag-graveyard shift ka. Hindi ka na napupunta rito kaya hindi mo nalaman." "Sunod-sunod kasi ang pagdatingan ng mga bagong case sa presinto. Mukhang bagong craze na yata ng mga tao ang kidnapping ngayon." Magpapasalamat na sana ng lihim si Ruki dahil nailayo ni Rei ang topic sa kanya ngunit tumingin ulit si Gregor sa kanyang gawi. "Saan ka nag-aaral? Sa Harrison University rin ba?" "Yes, Kuya, classmates kami sa ilang minor subjects." "Taga saan ka pala? Ano'ng nangyari sa pamilya mo?" "He's from Dingal Subdivision, malapit lang. Nagkaproblema ang family niya sa boss ng ate niya kaya kailangan nilang lahat umuwi ng Mindanao but he can't go with them. So he needs to stay here. Matagal ko nang sinasabi sa iyo na nabuburyo na ako dito, hindi ba? Ruki, living here is a greatest thing that happened to me in this school year." Gregor's thick eyebrow curved upwards. Mataman nitong pinagala ang paningin sa kanyang kabuoan. Na-conscious tuloy si Ruki sa kanyang hitsura. Paaalisin na ba siya nito sa bahay? Base sa tinging ipinukol nito sa kanya, mukhang hindi siya nito gusto. Mamamaalam na yata talaga siya sa kuwarto niya rito. Huwag naman sana kasi nasa kalagitnaan pa ng pagtatago ang pamilya niya sa Gensan. Kung mapapaalis siya doon, kailangan niyang magdoble sipag sa pagtatrabaho para tustusan pati ang titahan niya. Habang ganoon ang takbo ng kanilang usapan ay mabilis na kinuwenta ni Ruki sa isip ang maaaring magastos. Ang disenteng boarding house ay nasa five thousand. Saan siya kukuha ng five thousand kada-buwan kung hindi siya hihingi sa ate? Kaya kaya niyang kitain iyon sa coffee shop? Kung hindi, kailangan na naman niyang dumiskarte sa mga raket. Sinundan niya ng maikling dasal sa isip ang pagkuwenta ng budget. 'Lord, lagi ko pong pinagdarasal sa Inyo na i-bless ako. Kailangan ko po iyon ngayon, please. Dadalasan ko na po ang pagdasal sa gabi pagbigyan N'yo lang ako. Ayoko na pong rumaket ng kapareho dati. Hindi po kaya ng loob ko ang gano'n.' "I'd better go. Tawagan mo ako 'pag nabuksan mo 'yan." Tila umawit ang mga anghel sa langit nang tumayo si Gregor. Sa hitsura nito ay mukhang aalis na. Ang kaluluwa niyang nangangailangan ng saklolo kanina ay biglang gumaan. "Thank you, Lord." Napatigil sa pagtalikod si Gregor nang marinig ang kanyan isinambit. Lumingon itong muli sa kinaroroonan niya at magkatagpo ang mga kilay na hinarap siya. "What did you just say?" Natigilan si Ruki. "Huh?" Anong raw? May sinabi ba siya? Nilingon niya ang kaibigan na tila nagtataka ring napatingin sa kanya. "Inaantok ka pa ba, Ruki boy?" anitong ginulo ang kanyang buhok. "Mahina yata 'yang kape mo." "Uh..." "I'll call you, Kuya. Go home and rest," saad ni Rei na tumayo para ihatid ang kapatid sa pintuan. "Matutulog din ako ulit. Mornight!" anito na sinara ang pintuan. "It's still seven, matulog ka muna ulit." Pagkatapos sabihin iyon ay tumuloy na ito sa kuwarto at isinara ang pintuan. Napabuga ng hangin si Ruki. 'Thank God, I think I'm safe for now.' Mukhang mahihirapan siyang kunin ang loob ng kuya ni Rei. The way Gregor stared at him, he wanted to pity those suspects under his interrogation. He was just asked with simple questions yet his tongue hardened like paralyzed. Pero bakit ba kailangan niyang kunin ang loob nito? Hindi naman niya kasama sa bahay si Gregor. He won't be seeing him that frequent, baka nga sa isang buwan ay two times lang silang magkita. And since he was welcomed by Rei, which is the proprietor of that flat, there's nothing to worry. Napahinga siya nang malalim at ngumiti. Minsan ang worrywart niya talaga. Pinoproblema ang hindi dapat. 'Chilax Ruki, everything is alright!' aniya sa sarili. Kinahapunan, ramdam ni Ruki ang pagtalon ng kanyang puso sa sahig sa gulat. Mataman kasi siyang nakatitig sa pinapanood na horror movie sa malaking TV sa sala nang may malakas na kumatok sa pintuan. Mabuti na lang talaga at wala siyang highblood kundi ay nangisay na siya sa sahig. Sinara pa naman niya ang makapal na kurtina at pinatay ang mga ilaw para mas intense ang panonood. Mag-isa lang kasi siya, umalis si Rei. Sa kaibigan lang daw nito. Padaskol niyang hinablot ang remote control at pinindot ang pause. "Sino ba kasing ignorate na hindi marunong gumamit na doorbell!" Lumaki ang butas ng ilong ni Ruki nang marinig na naman ang tila galit na katok. Sinilip muna niya ang peephole at nagtaka nang makita ang pamilyar na dibdib. Magkatagpo ang mga kilay niyang napaisip saka binuksan ang pintuan. "S-sir?" Imbes na sumagot ay itinulak nito pabukas ang pintuan at pumasok sa condo. Basta na lamang siyang nilagpasan, dumiretso sa kabilang kuwarto at binuksan. "Where is he?" "Uh, si Rei? Umalis po." "Where to?" "Sa kaibigan niya raw?" "Ang where is that?" "Hindi ko po alam." "Useless." Tumikwas ang kilay ni Ruki nang marinig iyon. Mahina lamang dapat ang pagkakasabi ni Gregor, it was more of a whisper pero biniyayaan kasi siya ng good hearing skills ni God kaya malinaw niyang narinig lahat ng iyon. Akala ba niya ay hindi niya na ito makikita ulit? Bakit wala pa ngang 24 hours binubuwisit na naman siya? Pero pinigil niya ang makagawa ng negative reaction. "Baka gusto n'yo pong tawagan na lang siya." "I won't be here if I was able call him. I cannot reach his phone." 'A, gano'n ba? Hindi ko rin kasi na-try kontakin si Rei today.' Katulad ng ginawa nito kaninang umaga, tumitig na naman ang lalaki sa kanyang mukha. Hindi pa nakontento, pinadaan ang paningin hanggang sa kanyang mga paa at pinaakyat muli. "Tell Rei to contact me the moment you see him." "Opo," sagot niya na nagbaba ng mukha, naaasiwa kasi siya sa ginawa nitong pag-examine sa kanyang anyo. Napabuntong-hininga siya nang makaalis na si Gregor. Tumahimik na ulit ang bahay at tila gumaan ang atmosphere ng paligid. Mabigat talaga ang dalang enerhiya ng taong iyon dahil palaging nag-iiba ang timpla ng bahay kapag nasa loob ito. Umupo na lamang ulit si Ruki sa sofa saka pinagpatuloy ang iniwang pelikula. Maii-stress lang siya kung iisipin ang taong 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD