Thea's POV Back to work, natapos ang two weeks vacation, parang isang panaginip ang lahat, ok na kami ni Alexis buo na ang family namin, bagamat may lungkot dahil kinuha na ng tunay niyang Ama si Axel a week ago, kasama ng mga Lola niya si Alexa, para mawala Ang lumbay ni inay doon na tumira si Alexa at Auntie Fe kila Alexis, samantalang dumating si ate Amanda kasama Ang tatlong anak, dahil nasa abroad na ang bayaw namin, nasa college na Ang dalawang anak nito at high school naman ang isa, mga scholar ding katulad ko Ang mga pamangkin ko ngunit kailangan pa rin nila Ng allowance para pumasok kada linggo, Engineering din Kasi Ang kurso at ung panganay ay nagoojt na. Nagaabot din ako paminsan minsan sa mga pamangkin ko, ngunit nahihiya din Ang bayaw ko kung iaasa sa akin. "Lex! gising na lo

