Chapter 1
Thea's POV
Nasa ikalawang palapag ako at Nakadungaw ako sa bintana Ng aming makalumang bahay namana Ng Inay namin sa kanyang magulang .,Ng mahagip Ng aking mata Ang taong nagpasaya at nagpatibok Ng aking puso, at taong minahal ko at pinagkatiwalaan Ng halos apat na taon,..may kasama itong babae naglalakad sa kalsada at may hawak na payong, pinapayungan Ang babaeng nakatalikod din at may mahabang buhok nakahawak din ito sa payong, Hindi pala sa payong sa kamay pala Niya,.at di ko man Makita Ang buo Niyang Mukha ay kabisado ko naman Ang bulto kanyang katawan, Ang TaaS at kilos. Madapa Sana kayo! panalangin ko sa isip, at Ang masakit Ang Makita ko pa silang nagkatitigan at naglapat Ang kanilang mga Mukha, Ang tagpong yon Ang nagbigay sa akin Ng kakaibang sakit, parang may kutsilyong tumarak sa aking puso at unti- unti ko na lang naramdaman Ang pagtulo Ng aking luha sa aking mga mata, sobrang sakit at Wala Ng sasakit pa sa lumbay Ng aking puso,.mas Lalo pang tumindi Ng marinig ko Ang kanilang pagtawa, gusto Kong kumuha Ng bato at ipukpok sa mga taong ito Ng paulit ulit, upang maibsan Ang sakit at lungkot at pagod Kung puso..ganito na lang Kasi lagi Ang eksena, madalas Niyang sunduin Ang babaeng dayo na ito papunta sa kanilang bahay, malapit lang din sa kanila, eh may daan naman na na ibang ruta! sinasadya ba Ng mokong na ito na ipakita sa kanya Ang kanilang ginagawa Sabi Niya sa sarili,.pwes sa sobrang sakit Ng nararamdaman Niya "panalo ka na Alexis!,..Sabi Niya sa isip, pumunta na Siya Sa kanyang kwarto at duon itinuloy Ang pagiyak, Bwisit ka! Walanghiya ka! Magsisisi ka sa sakit na ginawa mo sa akin! Sabi Niya sa unan na mahigpit niyang hawak na inaakala Niyang si Mark Alexis Escobar,.tuloy Ang agos Ng kanyang luha, nagiisa Siya Sa kanilang bahay Ng oras na iyon ,nasa bukid Ang kanyang mga kapatid, naghahanapbuhay Ang mga ito upang may baunin Siya pauwi Ng boarding house at nasa ikalimang taon na Siya Ng kolehiyo , dalawang buwan na lang gagraduate na Siya Sa kursong Civil Engineering,.
Ako si Amalthea Salcedo, Thea Ang tawag nila sa akin, bunso sa aming apat na magkakapatid, 20 years old, Masayahin,.balinkinitan Ang katawan, may TaaS na 5.2" at syempre smart and beautiful,.straight Ang aking buhok hanggang sa terante Ng bra Ang haba, maliit lang Ang aking Mukha, malatsinita Ang aking mata, maliit ngunit matangos Ang ilong, oval shape Ang aking mukha, at may kissable lips,Hindi ako kaputian at mas lalong Hindi ako kaitiman, madalas akong kuhaning muse sa klase, pero Hindi ko kinacareer ang rumampa at magmodelo,.simple lang akong manamit, at eto ngpapahinga Sana ako dahil kayayari ko lang maglaba Ng mga damit namin ni nila kuya,.dahil bukas Ng linggo Ng hapon uwian na naman sa boarding house,.sasabak na nman sa aralin at depends, pagod na pagod ako pero Lalo akong napagod sa Nakita ko,..dumaan sa kalsada, Kung pwede lang sampalin Ang mga walang hiya ginawa ko na...
Si Kuya Rey Ang aming panganay, Wala pa itong asawa dahil pangako Niya sa akin pagaaralin muna ako bago lumagay sa tahimik, pero gusto na Ng girlfriend nito na magpakasal Sila,.si Kuya Rolan, tapos Ng kursong vocational Isa siyang mekaniko at may welding shop sa harap Ng aming bahay, may girlfriend din ito at nagaaral nman Ng kursong Education pag walang customer ito, tinutulungan Niya Ang kuya sa bukid, si ate Amanda naman ay maagang nag asawa at kasalukuyang may dalawa na itong anak, nakatira ito sa Bahay ng kanyang asawa,.umuuwi lang ito pag may problem Sila o sa bahay,.maaga silang naulila sa ama at Ina, sabay itong namatay Ng maaksidente Ang sasakyan sa pagbbiyahe Ng gulay, Kaya itinaguyod na Sila Ng kanilang kuya,. Kaya nman gusto Niya itong pasalamatan sa pamamagitan Ng pag aaral Ng mabuti at pakikipag iwas muna sa relasyon. Iyon yun Ang dahilan ni Alexis Kaya iniwan Siya nito! Palibhasa Kasi kahit paano may kakayanan sila sa buhay kaya Hindi nito pinahahalagahan Ang ganoong bagay,.naiiyak na naman Siya malaki Ang epekto sa kanya Ng pagkaWala nito sa buhay Niya, sobrang Mahal na pala Niya ito.
Alexis POV
Sinundo ko si Lara sa Bahay Ng aking pinsan ko sa mother side na Sila Jaimee,pinsan naman ni Lara sa father side Sila Jaimee, Kaya eto pinagreto kami Ng mga pinsan ko dahil Nakita nila Ang hirap ko kung paano makalimutan si Amalthea Lomboy Salcedo! Ang babaeng minahal ko, pinaasa ako at Hindi ako priority sa buhay sa sobrang Taas ng pangarap, at Ang masakit Hindi ako kasama sa pangarap niya.. kahit masakit Hindi na ako pumunta sa kanila upang lumuhod at magmakaawang tanggapin niya, alam ko namang Hindi Niya ako tanggap sa ngaun dahil nakagawa ako ng isang bagay na labag sa loob Niya ngunit ramdam ko naman na gusto niya din,.
Napadaan kami sa kanilang bahay, dahil tatlong bahay lang Ang pagitan nila Ng bahay Ng pinsan ko at 30 metro lang Ang layo nito sa bahay namin at nadadaanan namin Ang bahay nila Thea, Nakita ko Siya malayo pa lang, Kaya gumawa ako ng paraan para Makita at isipin niya na di ako apektado Ng pambabalewala Niya, Naglakad kami ni Lara na magkasama at magkahawak Ng kamay, hinawakan ko Ang kamay ni Lara dahil nakahawak ito sa payong" Sabi ko" ako na hawak Ng payong ok lang ba"siyempre nman! Sagot nito sabay hawak Sa braso ko, ngdikit kami at nagkatitigan sabay nagkatawanan, naikwento na rin nito,.Kung bakit siya nasa pinsan,..
Ako si Mark Alexis Escobar, 27 taong gulang, 6.3 inches Ang height ko, kayumanggi or medyo sunog dahil sa paghawak ko sa bukid, matalino, may magandang pangangatawan, at may itsura daw ako Sabi ni Mama, dahil nagmana daw ako sa Lolo ko, matangos Ang ilong, mapungay Ang mata, na may makapal at maayos na kilay, namana ko nman Kay Papa Ang labi at hubog Ng Mukha, siyempre maaakit ang mga babae pag ngumiti ako, nakatapos ako Ng kursong Agriculture, at eto dahil ako Ang bunso at nagiisang lalake ako Ang nagmamanage Ng naiwang 10 ektaryang bukid ni Papa, at mga palaisdaan, pati na rin Ang manggahan,.may pamilya na Ang mga kapatid ko at may kanya kanya Ng buhay nasa Canada na Ang aking ate Cecilia nurse ito, si ate Beng at ate Zara nasa US naman, may pamilya na rin at may mga anak,..masayang Masaya si Mama pag tumatawag Ang mga ito, Lalo na pagnakikita Ang mga apo, na mahuhusay sa pagsalita Ng English,, retired teacher naman si Mama,.madalas din itong magbakasyon at kinukuha nila ate kaya lang for visit only kahit kompleto na ang papel nito for citizenship, ayaw akong tuluyang iwan ni Mama Hanggat Wala pa akong asawa,..inuudyukan na Nila akong mag asawa, pakasalan ko na raw si Thea at nag offer na Siya ang susuporta sa pagaaral nito, pero Ang papakasalan ko, ayon Hindi pa raw ready at nahihiya daw siya pag ganoon Ang set-up,. at magtatapos muna sa pagaaral, magtatrabaho daw muna at marami pang dahilan, sobrang Minahal ko si Thea, at Wala akong gustong pakasalan kundi Siya lang, Mahal na Mahal ko Siya Kaya willing ako maghintay,..dalawang buwan na lang gagraduate na eto,,. Marami pa rin manliligaw ito at nakikita ko at nababasa Ang mga chat at message Ng mga manliligaw nito,.Kaya para maging akin lang siya, Niyaya ko na siyang magpakasal, para maging akin lang siya dahil sa takot ko at pangamba na mawala siya, Kaya ko nman siyang buhayin kahit na magkaanak pa kami ng isang dosena, Kaso may pangarap pa daw muna Kaya umaasa ako at naghintay,..pag sabado at linggo pumupunta ako sa kanila, Hindi ako uuwi Hanggat Hindi Niya ako pinauuwi,..First year college Siya noon hanggang Fifth year College nagtiyaga at naghintay ako, ginalang ko Siya at nirespeto, di ako tumingin sa ibang babae dahil si Thea lang Ang buhay ko,..ganoon ko Siya kamahal.
Please my dear reader don't forget to follow me, and surely you will love this story!