Lahat ng kababaihan ay maiinlove kay Luke Sebastian Peranci dahil sa katangiang hinahanap ng isang babae tall, dark and handsome at higit sa lahat isa siyang bilyonaryo, napapabilang na isa sa pinakamayamang angkan sa bansang Italia, ang kanyang Lola ay isang Filipinang modelo na napangasawa ng kanyang Lolo, isang Chemist businessman, supplier ng drugs and medicine sa buong mundo, namana ito ng kanyang ama at siya sa kasalukuyan.
Si Daniella likas na maganda at matalino, dahil sa pagmamahal sa ina at sa kanyang naulilang pamangkin itinaguyod niya ang mga ito.
Natanggap siya bilang Marketing Head sa isa sa branch sa Italia ng mga Peranci, kinuha siya nitong personal assistant ng malaman ang kanyang Educational background.
Nagkataon, nagkatagpo at umusbong ang pagibig, nagsama sila sa iisang bubong at nagmahalan, ngunit ikinasal si Luke sa anak ng kaibigan at kasosyo sa negosyo ng ama sa Italia, Hindi siya nito ipinaglaban at iniwan siyang luhaan. Umuwi siya ng bansa dala ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
After 5 years muli silang nagtagpo, upang mag merge ang kanilang kompanya at nasa parehas na silang posisyon.
Upang makaganti sa taong kanyang kinamuhian pinaikot niya ito at binalak niyang magpakasal sa iba.
Isang prinsesa para sa kanyang ama si Venus lumaking maganda, matalino, mayaman at mapagmahal na anak, ngunit dumating sila sa pagsubok, nalugi sa negosyo at nalubog sila sa pinagkakautangan ng ama ang sinisingil na kabayaran ay si Venus Madrigal, Hindi man kagustuhan ng kanyang ama ay pumayag itong ipakasal sa isang kilalang business tycoon sa kanilang lugar na naging kamag aral niya, matagal na itong may gusto sa kanya ngunit punong puno ng negatibong paguugali, ung hindi siya papayag ay ipapatay silang mag-ama. Tumakas siya ng gabing mamamanhikan ang pamilya nito. Sinuong Niya Ang malakas na ulan at alon dahil mas gusto pa niyang malunod at mamatay kaysa maging impyerno ang buhay, napadpad siya sa isang isla kung saan may nakatirang isang misteryosong lalaki, pilit siya nitong pinapaalis at pinauuwi dahil na rin sa mahirap nitong sitwasyon. Mas gugustuhin niyang mahirapan at magtiis kaysa bumalik sa bahay nila at ipakasal sa taong hindi niya mahal. Tumatagal ang pananatili niya sa lugar at lumalim ang pagkakilala niya kay James, kahit lagi itong galit ay panatag pa rin ang kanyang damdaming dahilan upang mahulog ang loob niya at naipagkatiwala na niya ang sarili.
Subalit dumating ang araw na nagising siyang wala na ito sa kanyang tabi, iniwan siya at walang paalam na umalis.
Paano ang kanyang gagawin? Hahanapin niya ba ito o kakalimutan na lamang dahil higit siyang nasaktan ng malaman niya itong may ibang katauhan?
Ang Pagibig ni Alexis Kay Thea ay higit pa sa kanyang buhay, inalagaan niya at hinintay, ngunit ang pagtitiis, sakripisyo at pagmamahal nabale wala dahil lamang sa pangarap nito, dahilan para magawa niya ang isang bagay na labag sa kalooban ng kanyang Mahal, kinasuklaman siya nito,. masakit man pinilit niya itong limutin,.
Minahal ni Thea si Alexis, at kasama Niya ito sa kanyang pangarap ngunit lumabis ang kanyang Mahal naging sakim ang pag ibig nito at nagdamdam siya ng labis, nasaktan diya dahil sa ginawa nito, at ang masakit pa na labis niyang ipinagdusa ay nagpakasal ito sa iba,....
Muli pinagtagpo Ang kanilang mga landas, naabot na niya ang pangarap na minimithi, Ang magkaroon ng successful career at mataas na posisyon.
Handa ba niya itong iwan alang alang sa kanyang mahal? Or Handa ba Niyang Iwan ang kanyang Mahal dahil sa kanyang posisyon na kanyang pinangarap simula noon. Nakaya na Niya noon? or kakayanin pa ba niya ngayon ang malayo sa kanyang ligaya at tunay na tagumpay! Tama ba ang kanyang pipiliin desisyon sa huli o kaakibat nito ang malaking pagsisisi.
Sa kagustuhan ni Mark na mapasakanya ang mahal niyang nobya ay lihim niya itong pinakasalan, upang hindi na ito maagaw pa ng iba, at dahil na rin sa nalalapit na ang kanyang pagsampa sa barko bilang seaman upang matupad Ang kanilang mga pangarap Ang magkaroon ng magandang buhay.
Dahil sa mahal ni Anna si Mark ay nagpakasal Siya Dito at isinuko ang kanyang pagkababae, kahit nagaaral pa lamang siya ng kolehiyo, alam niyang ikagagalit ito Ng mga kapatid dahil ito Ang nagtaguyod sa kanya simula ng sila'y maulila.
Ngunit isang trahedya Ang nangyari sa kanilang pagmamahalan, sumabog at lumubog ang barkong sinasakyan ni Mark, gumuho Ang mundo ni Ana sa pagaakalang patay na ang kanyang asawa kasabay nito ang pagluwal niya ng kanilang anak.
Apat na taon ang lumipas, Ang pagluluksa at pangungulila Kay Mark ay kanya ng tinuldukan upang itaguyod ang kanilang anak, nakahanap siya ng trabaho sa Manila, naging executive secretary siya at napagkatiwalaan siya ng may ari ng kompanya na si Don Rod Del Castillo ang may ari ng RDC Company, Dahil sa karamdaman at katandaan ay pinasya nito na ibigay ang tungkulin sa kanyang anak na kadarting galing ng Amerika.
Laking gulat ni Anna sa pagkikita nila ng anak ng may ari, dahil ito ang kanyang namatay na asawa. Ngunit hindi siya kilala nito at napagbintangan pa siyang gold digger dahil malapit ang ama nito sa kanya.
Paano niya ipapaalam dito na mali ang iniisip at bintang nito sa kanya. Paano niya sasabihin na sila ay mag asawa at paano niya ipapakilala ang kanilang anak na naging bunga Ng kanilang pagiibigan kung Hindi siya kilala nito.
Naging mapagbiro ang tadhana ng magtagpo ang landas ni Mariella at Daniel sa hindi inaasahang pangyayari sa kanilang pamilya na ang bunga ay ang damdamin nilang magtatago ng nararamdaman sa bawat isa.
Habang patuloy ng paghihiganti ng bawat panig ay lalong lumalalim ang kanilang damdamin sa bawat isa.
Naging biktima si Mariella Ng galit ni Daniel sa mga magulang nito na siyang dahilan ng paglapastangan niya dito, ngunit habang tumatagal ay ayaw niya ng pakawalan ang dalaga hindi upang gantihan kundi upang mahalin, subalit namuhi ni Mariella at bilang ganti ay tumakas siya bitbit ang sikretong hindi na nais niyang ipaalam kay Daniel.