Chapter 1
Bakit ngayon ka pa nplat! Kung kailan gabi na, nakakatakot pa naman dito, kaasar naman! Habang hawak ang cellphone at dinadial ang number ng kanyang kuya " sorry the number you have dialed is unattended or out of coverage area please try to call again later!" Wow naman nakisabay ba eto! Nang may malakas na ilaw ang paparating, lumabas siya ng sasakyan at itinaas ang dalawang kamay, malayo pa lang ay huminto na ang sasakyan at may bumabang isang Lalaki, habang naglalakad eto papalapit ito sa kanya, ay bigla na lamang kumabog ang kanyang dibdib, humahanga man siya sa tikas nito bagamat di pa niya nababanaag ng husto ang mukha nito. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa dumadagundong ang t***k nito, then she say "all is well" katagang naadopt niya sa isang paborito niyang movie at nakaugalian na niyang sabihin sa sarili,.kinakabahan lang siguro ako,.Sabi niya sa kanyang isip. What happened miss, gabi na ah! Tanong ng baritonong boses, Wow! boses pa lang nakakaattract na sabi ng kanyang isip, habang pinakaklma ang sarili, sumagot siya dito na nakatingin sa gulong Ng sasakyan, ah eh nasiraan ako ng gulong, I thought ordinary plat lang kaso dalawa pa, naiiyak niyang sabi dito habang nakatingin sa plat na gulong. Baka nabiktima ka ng mga Pako Gang! Sumakay ka na lang sa sasakyan ko at papakuha ko na lang tong sasakyan mo sa mga tauhan ko para ayusin nila, dahil sa sinabi nito ay napabaling ang kanyang tingin sa mukha nito at nabanaag niya ang mukha ng lalaki, panandalian siyang natigilan at parang huminto ang lahat para siyang nahipnotismo ng titig na yaon, marami na siyang nakilalang mga lalaki pero may kakaibang karisma ang dating nito sa kanya,. Hey miss! Hindi ako masamang tao, ' I only offer you help!" Seryosong sabi nito na siyang nagpanumbalik sa kanyang realidad, ha! thank you so much, mukha namang mabait kang tao, cge! Masaya niyang sabi, by the way I'm Mark Daniel Hernandez, Dito lang kami nakatira, malapit na lang ang bahay namin dito, "Thank you talaga Daniel" I'm Ella, Don't worry sasabihin ko kila Papa at Mama na tinulungan mo ako, masayang wika ni Ella habang binuksan nito ang Rav 4 sumakay sa front seat, "seatbelt please" utos ni Daniel sa kanya, kasalukuyan ng tumatakbo ang sasakyan at ng ilang minutong katahimikan, payapa man ang kalooban ni Ella ay hindi mawala ang kanyang kaba habang kasama si Daniel,Taga dito ka ba? Parang ngayon lang kita nakita? Tanong ni Daniel, "Yes taga dito ako, actually 2 days pa lang ako nakakuwi from New York after seven year, I want to surprise my parents and brother na ikakasal na one month from now, Ang alam nila hindi ako makauwi due to my work" Masaya niyang sabi habang pinagmamasdan ang side view ni Daniel " Did I passed? Seryosong tanong nito, at panandaliang lumingon sa kanya, biglang naman siyang nagbawi ng tingin sa kalsada, Ano nga pala ang real name mo Ella? tanong ni Daniel habang nagdadrive patungo sa kanilang Villa, "My real name is Mariella Sandoval the youngest daughter of Ernesto and Luzviminda Sandoval? Dahil sa narinig ay madiing napaapak sa preno si Daniel, napatili si Ella dahil sa lakas ng preno buti n lang napahawak siya sa board ng sasakyan kaya hindi siya napaano, Bakit Daniel? punong punong siya ng pagtataka at Ang kaninang kaba ay napalitan ng takot dahil ang maamo mukha ni Daniel ay napalitan ng nakakatakot na awra,salubong ang kilay at naniningkit ang mata, nakapatiim bagang at mahigpit ang hawak sa manibela, muli nitong pinatakbo ang sasakyan at hindi na siya nilingon pa "Daniel you could dropped me here, I'll just call my Kuya to fetch me" mahinang utos niya kay Daniel, NO! Malakas na sagot ni Daniel, give me your cellphone! matigas na utos ni Daniel sa kanya, iniabot niya ang cellphone dito but He open the car window and throw the phone, nagtataka man ay uminit na rin ang ulo niya, unti unti siyang naturn off sa ugali nito na kanina sobrang paghanga niya dito, Stop the car! Malakas na ang boses niya, ngunit hindi siya nito pinansin, gustohin man niyang buksan ito at tumalon ay hindi niya magawa, dahil naka autolock ang sasakyan, hanggang pumasok sila sa isang malaking gate, at nakita niya ang mansion ng Sandoval, pumikit na lang siya at nanalangin, anuman ang mangyari sa kanya ngayon ay hindi siya pababayaan ng Diyos, "All is well" bulong Niya sa sarili Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking pinto, may sumalubong Kay Daniel na isang lalaki at iniabot nito ang susi ng sasakyan, saglit itong kinausap at tumingin sa gawi niya na hanggang ngayon ay hindi pa siya lumlabas ng sasakyan dahil sa takot kay Daniel, nalungkot ang kanyang damdamin dahil nagkamali siya nagtiwala agad siya dito,.Umikot si Daniel sa gawi niya at bumukas ang pinto ng sasakyan, nagkatitigan sila ay nakita niya ang reaksyon nito ng makita siya nitong tumutulo ang luha sa kanyang mga mata, ngunit panandalian lamang yon, nagulat pa siya sa lakas ng boses nito Baba! utos nito sa kanya. ayaw niyang bumaba, mas Lalo siyang kumapit sa upuan at Hindi tinatanggal ang seatbelt ng sasakyan,.Baba ka ba o Bubuhatin kita! matigas na utos nito."Daniel uuwi na lang ako, maawa ka sa akin, Hindi ko alam ang ikinagagalit mo? pagmamakaawa niyang sabi dito, "Hindi ka uuwi, dahil Ikaw ang magbabayad ng kasalanang ginawa ng kuya at magulang mo sa kapatid ko, nasira ang buhay ng kapatid ko dahil sa kawalanghiyaan ng kuya mo! habang hawak nito ang kanyang baba, Wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo! tinanggal nito ang seatbelt niya mabilis siya binaba nito at ipinatong sa balikat ,"put me down, I can walk" madiin ngunit mahina nyang sabi, ayaw niyang magalit ng tuluyan, ayaw niya rin magwala, pilit niyang pinakakalma ang sarili, ng nakapsok na sila sa loob ng bahay, please let me walk!,pkiusap na niya, "we need to talk about your problem, Hindi ganito please,.tumutulo na ang luha niya, ibinaba siya nito, habang ang mga katulong ay nakamasid lang sa kanila at isang babae ang may katandaan ang lumapit, sino siya Daniel? anak po siya ng mga Hernandez yaya, hindi siya pormal na ipinakilala dito, Tumingin sa kanya ang Babae at ngumiti, naku kay gandang Bata nito, bagay kayo Daniel, pabirong sabi nito, ngunit malakas ang boses ni Daniel, Yaya Tes! dito muna siya habang nagiisip ako kung paano makakabawi sa mga Hernandez" , doon siya tabi ng kwarto ko dalin at ilock Niyo ang pinto ng hindi makalabas, utos nito sa matanda, Halika na iha, at ng makapagpahinga ka, Beng maghanda kayo ng hapunan, at kakain ang senyorito at bisita nya, utos nito sa katulong"yaya hindi po siya bisita!" ngunit sa kanya ito nakatingin matalim ang tingin at galit ang tono ng boses nito, " halika na iha, tayo na sa taas, iginiya siya nito patungong hagdan, maganda Ang Lugar ngunit hindi niya maappreciate ito dahil sa sitwasyon niya, paano na? parang kidnap ito, gusto niyang yumakap sa matanda at humingi ng tulong ngunit, Hindi nya ito kakilala, Kaya Ang kanyang luha ay umaagos sa kanyang pisngi habang naglalakad sa hagdan, " huwag Kang malungkot iha, huhupa din ang galit ni Daniel, mabait ang alaga ko, nadadala lang siya ng emosyon, gawa ng galit dahil wala pang dalawang linggong namatay ang kanyang ate sanhi ng pagkakabangga ng minamanehong sasakyan ng kuya mo, at ang masakit pa kasama nitong namatay ang sanggol sa kanyang sinapupunan,."Hindi ko po alam" umiiyak na sabi niya, tulungan nyo po ako! pagmamakaawa niya, "Tahan na iha sa ngayon, wag muna nating hayaan mas lalo siyang magalit, kalmahin mo din Ang iyong sarili" mahinahong sabi ni Yaya Tes. Binuksan nito ang pinto, at pinaupo siya sa kama, oh maiwan na kita dito at ipapatawag na lang kita Kay Beng pag kakain na, tumango na lamang Siya, nagsisisi Siya ngayon lung bakit Hindi Niya isinama si Ria ang best friend na siyang may ari ng kotseng iniwan niya sa kalsada kanina.
Paano na ito,.ang tangi Niya lamang Dala ay Ang kanyang sling bag na may lamang cellphone at wallet Niya, na ipaayos daw ni Daniel sa kanyang mga katulong, ngunit Ngayon maipaaayos pa kaya? Humiga siya sa kama at pansamantalang pinikit ang mga mata, masyado siyang naguguluhan dahil sa sitwasyon na kinasussuungan, Hindi naman siguro sadya ng kuya Nya Ang aksidente iyong, masyado lang talagang makitid Ang pang unawa ni Daniel kung sabagay hindi maiiwasang magalit ang isang tao kung ganoon talaga ang nangyari, sa kanyang pagiisip at pagluha ay panandaliang siyang nakaidlip. Nagising na lamang siya sa katok sa pintuan, Ma'am pasensya n po kung naistorbo ko kayo, pinatatawag na po kayo ni senorito, sabay na raw po kayong kumain, ipapasok ko na rin po ang maleta nyo andyan na rin po Kasi Ang sasakyan niyo, nagawa na rin po nila, natuwa Siya Sa sinabi nito Kaya naman tumayo na Siya at di na nagpatumpik tumpik pang lumabas.Pagdating Niya sa komedor ay nakaupo na si Daniel, hindi ito kumibo at kumuha na ito ng pagkain ng makitang parting na siya.