Chapter 64 - In Between

1492 Words
3rd Person’s P.O.V (Reminder: Kapag repeated chapters ang nakikita niyo, punta kayo sa author's note. Thankie.)    Nanuyot ang lalamunan ni Artemis nang marinig ang salita ni Ana. “No,” pagtikhim ng Dalaga, "that's not the reason why I'm here."   “Pwes ano pang ginagawa mo dito?” nanunuyang sagot ni Ana.   “I want to know…” nakatingin ng diretso si Artemis sa walang buhay na mata ni Ana, “what’s the reason? May nagawa ba ‘kong masama sa’yo?” mahinahong sambit ni Artemis.   Tila napatulala si Ana sa kausap niya. Tinanggal ni Artemis ang shades na suot niya habang naghihintay ng sagot kay Ana. ‘Why is he not shouting at me?’ sa isip ng Dalaga. “Narinig kita nang sigawan mo si Mr. Eion sa loob ng kwarto,” panimula ni Ana habang nakatingin sa kanyang mga paa. “I hated you…”   Tila nanigas si Artemis sa kanyang kinauupuan. “So that’s your reason?” hindi makapaniwalang untas ni Artemis.   Nagsimulang tumulo ang luha sa mukha ni Ana at tiningnan niya sa mata si Artemis. “He is my idol,” nabasag ang boses ni Ana. “I’m still alive because of him, kaya nang marinig kong sinagawan mo siya,” mabilis na pinunasan ni Ana ang luha niya at pinahid ito sa kanyang braso, “I don’t know.. I’m not thinking. I wanted to get even to you.”   Nanatiling tahimik si Artemis habang tinitingnan si Ana. “ I understand,” tugon nito.   “What?” salubong ang kilay ni Ana nang tingnan niya si Artemis. ‘Is he crazy? May hidden camera ba dito para magbait-baitan siya?’ sa isip ni Ana.   ‘We are just the same, no matter how I look at it. Sinigawan ko si Eion dahil minaliit niya si Kuya. And she did that to me, dahil inaway ko ang idol niya.’   “Bakit mo nilagyan ng sili ang alak na inumin ko?” sambit ni Artemis. “Alam mo bang muntik na kong mamatay dahil ‘dun?”   “T-that, I didn’t know… Hindi ko alam na allergic ka ‘dun. I just want to prank you. Please believe me Mr. Lyric,” nagmamakaawa ito.   Napabuntong hininga si Artemis.   “Mr. Lyric,” wika ng police sa pintuan, “tapos na po ang oras ng bisita niyo.” Tinanguan ito ni Artemis at nagsimula na itong tumayo.   “Mr. Lyric, I’m sorry,” nanginig ang boses ni Ana. “ alam kong hindi mo ko mapapatawad dahilsa ginawa ko,” mahinang humikbi si Ana, “but I will face the consequence of my action. Wala na rin namang sayasay ang buhay na naghihintay sa’kin sa labas.”   Napahinto si Artemis sa paglalakad nang marinig ang sinabi ni Ana. Lumingon si Artemis at nakita ang mukha ni Ana na tila nawalan ng pag-asa. “I forgive you, Ana,” saad ni Artemis sa mababang boses bago tuluyang lumabas ng pinto.   Paglabas ni Artemis ng pintuan ay halos manlambot ang tuhod niya at unti-unti nang bumagsak ang luha na kanina niya pa pinipigilan. ‘Alam ko na may nagawa siyang masama sa’kin, pero naawa ako sa kanya. Halata sa mukha niya na sinukuan niya na ang buhay.  Sigurado akong hindi niya naman alam na allergic ako sa sili, sadyang minalas lang siya. She doesn’t deserve to be lock up in prison for that.’     “Mr. Lyric!” tawag ni Nami habang napatingin sa police na nakasalubong nila. Agad pinunasan ni Artemis ang kanyang luha bago harapin ang dalawang kaibigan. “Kumusta? May sinabi ba siyang masasama sa’yo?” nag-aalalang tugon ng Dalaga. Umiling lang si Artemis.   “Dapat lang sa kanya na makulong siya,” untas ni Krista, “kung sumama ako sa loob, for sure nasabihan ko na siya ng masasamang words.”   Nang naglalakad na ang tatlo palabas ng presinto ay mabiagt ang pakiramdam ni Artemis at hindi siya mapakali. “Ms. Nami, pwede bang ipaurong natin ang kaso na sinampa kay Ana.”   Agad napatigil sa paglalakad si Krista at Nami at halos malaglag ang mga panga nito. “Sis! What are you talking about?” nagtatakang sambit ni Krista.   “Pero Ms. Parker,” medyo alangan na tugon ni Nami. “Dalawa ang sinampang kaso sa kanya. Yung isa ay related sa ginawa niya sa’yo, ang isa naman ay sinampahan siya ng kaso ni Mr. Vazques dahil sa ginawa niyang paghalo ng sili sa gawa nilang alak.”   “What?” kunot ang noo ni Artemis at ramdam niya ang pamamasa ng kanyang palad. 'That can't be.."   “Bigatin na tao pa talaga ang nagsampa ng kaso sa kanya at pinaka sikat na brand ng alak worldwide. Good luck na lang kung makalabas pa siya,” wika ni Krista. “Sis,” inakbayan ng Dalaga si Artemis, “kasalanan ng Babae ‘yun kung bakit siya nakulong. You don’t need to feel responsible for her.”   “Pero…” aniya ni Artemis.   “Tama, Ms. Parker,” tugon ni Ms. Nami, “You almost died.”   “But I’m still alive right now,” wika ni Artemis at halos bumagsak ang mukha ni Krista at Nami habang nakatingin sa Dalaga. ‘She only did it because she heard me shout at the one she like,’   “Okay,” bumuntong hininga si Nami, “pero lawyer nila Mr. Vazques ang may hawak ng kaso. I think you need to talk to him.”   “Guys, you’re not serious right?” nakataas ang kilay ni Krista. “Artemis wake up,” hinawakan ni Krista ang dalawang balikat ni Artemis, “sinaktan ka niya kaya dapat niyang pagbayaran ‘yun. Paano na lang kung ulitin niya ‘yun ha?”   “I talked to her earlier,” mahinang sambit ni Artemis habang nakatingin sa galit na mata ng kaibigan, “I think she’s not that kind of person.”   “You almost died! For Pete's sake sis!” Krista rolled her eyes, “tapos ganun-ganun mo na lang papatawarin yung may gawa sa’yo nun?! She deserve to rot in jail, Artemis!”   “Sis, please,” aniya ni Artemis na tila naiiyak na.   “Kapag sa’kin ba mangyari ang nangyari sa’yo, papalayain mo na lang ba basta-basta yung muntikan nang makapatay sa ‘kin ha?” napasinghap si Krista, "tell me?"   “Of course not,” sambit ni Artemis.   “See?” tugon ni Krista habang nakataas ang dalawang kamay.   “Sis," malungkot na tugon ni Artemis, "just trust me in this, please.”  “Fine!” magkasalubong ang kilay ni Krista, “do whatever you want,” at nauna nang maglakad ang Dalaga papasok ng van. “You don’t even care sa mga taong nag-aalala sa’yo,” she mumbled to herself.   “Ms. Parker, what’s your decision?”   Malalim na huminga si Artemis bago nagsalita, “I will talk to Mr. Vazques.”   Iniabot ni Nami ang puting calling card kay Artemis bago sila pumasok sa van. Hindi kinibo ni Krista si Artemis nang tumabi ang Dalaga sa upuan.   “Ms. Nami, paano kung hindi sagutin ni Mr. Vazques yung tawag ko, kasi unknown number?”   “Hmm hindi ko rin sure e. Pero inabot yan ng lalaki na nag-deliver ng regalo kanina,” wika ni Nami, “sabi niya kapag need daw nating i-contact si Mr. Vazques, tumawag lang daw dyan.”   Nilagay ni Artemis ang number sa kanyang cellphone at diniall ito. “Ah, ah,” pag-aayos ni Artemis na gawing lalaki ang boses niya.   “H-hello po, Mr. Vazques,” kabadong sambit ng Dalaga.   “Sino ‘to,” seryosong wika ni Mr. Vazques sa kabilang linya.   “Si Mr. P-parker po ito…” ilang segundo na hindi nakasagot si Mr. Vazques.   “Mr. Parker?” halata ang gulat sa boses nito.   “Yes po hehe.”   “Kumusta na ang pakiramdam mo h-hijo?” sambit ng Matanda.   “Okay naman na po. Pauwi na po ako sa condo.”   “Dapat nagpahinga ka muna sa ospital. Hindi mo ba nagustuhan ang kwarto mo?” may halong pag-aalala sa boses nito.   “P-po? Maganda po yung kwarto. Salamat din po sa mga pinadala niyong regalo,” nahihiyang sambit ng Dalaga.   “Nabuksan mo na ba ang mga box?”   “Hindi pa po,” aniya ni Artemis, “pag-uwi pa lang po sana sa condo po.”   “Bakit ka pala napatawag hija?” agad napaubo si Mr. Vazques, “hijo?”   Napalunok si Artemis habang namamawis ang kamay niya na may hawak ng cellphone. “Ano po kasi.. Gusto ko po iurong yung kaso na sinampa kay Ana.”   “You mean, yung babaeng..”   “O-opo, Mr. Vazques.”   “Satingin ko mas maganda kung sa personal natin pag-usapan ang tungkol sa importanteng bagay na ‘yan.” seryosong sambit ni Mr, Vazques.   Agad kinabahan si Artemis habang nakatingin sa harap nang umaandar na sasakyan.   “Let’s meet up,” tugon ng Matanda.    TO BE CONTINUED    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD