Chapter 63 - Visit

1551 Words
Artemis’ P.OV (Reminder: Kapag repeated chapters ang nakikita niyo, punta kayo sa author's note. Thankie.)   Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga taong nagbubulungan sa paligid. Pagdilat ko ng mata ko ay mataas na ang araw at may mga lalaking malalaki ang katawan na may pinapasok na box sa loob ng room.   “Sis, ano meron?” saad ko sa habang kinukusot ang mata.   Humikab si Krista na katabi ko ngayon sa kama ng hospital. “’Di ko rin sure sis e,” aniya nito at nagunat-unat pa. Nakitabi siya sa'kin matulog dahil malaki ang kama.   Nakita ko ang nanlalaking mata ni ate Faye at ate Mika habang pinagmamasdan ang mga itim na box na magkakapatong sa gilid ng kwarto.   “What the heck,” halos kuminang ang mata ni ate Mika.   “Ma’am, padala po 'to ni Mr. Vazques kay Mr. Lyric,” at may inabot na puting card ang kalbong guard kay Ms. Nami.   “Okay po thank you,” ngiti ni Ms. Nami hanggang makalabas nang tuluyan ang mga body guards na nagpasok ng regalo.   “Omoo! Mukhang mamahalin lahat ‘to be!” excited na tugon ni ate Faye sa gilid ko.   “Siguro nakonsensya sila sa nangyari kay Artemis,” saad ni kuya Dustin habang seryosong nag-iisip. “Dapat lang no.”   Lumapit sa akin si Ms. Nami at inabot ang maliit na puting card. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang magandang cursive na sulat.   Dear Mr. Parker.   I want to say sorry for what happened yesterday. Please accept these gifts as token of our apologies. Take care and get well soon.   Sincerely Mr. Florence Riley E. Vazques.   “Omo omo!” pagsisigaw ni ate Mika habang lahat sila ay nakasiksik sa akin para lang makita ang laman ng sulat. “’Be dapat itago mo ‘tong sulat na ‘to. Ipa-frame mo kung keri. Naka receive ka lang naman ng regalo at personal na sulat sa Billionaire na may-ari ng TheBrandee!”   “Infairness ha! Kahapon ko pa napansin na mabait talaga si Mr. Vazques,” panunuri ni Krista sa gilid ko.   “At least nakita natin na may pake talaga sila sa nangyari kay Artemis,” tugon ni ate Faye.   “Yung apo niya na lang talaga yung may saltik,” gigil na untas ni Krista habang nanlilisik ang mata. “Kung wala lang si Mr. Vazques kahapon gusto ko na sabunutan ‘yun e.”   “Naku!” gulat na aniya ni ate Mika kaya naman napatingin ako sa kanya. “Oo galit ako kay Eion dahil sa ginawa niya kay Artemis,” pag-puppy eyes ni Ate ” pero kapag nakikita ko talaga yung green niyang mata, tapos, basta, yung buong itsura niya mula ulo hanggang paa, para akong nagkaka-amnesia!”   “Gaga ka talaga!” pagbatok ni ate Faye kay ate Mika.   Nagtawanan lang kaming lahat. “It’s okay ate Mika,” I chuckled. “Actually nagkasagutan kami ni Eion nung nasa standby room kami,” I said casually at naansin ko ang curious nila na mga mukha.   “Tapos?” wika ni kuya Dustin.   Bumuntong hininga ako. “Nagumpisa kasi yun noong sinabi niya na nayayabangan daw siya sa’ki-“   “Aba loko pala siya e!” pag-singit ni Krista.   “Relax frenny!” paghimas ni kuya Dustin sa likuran ni Krista. “Patapusin mo nuna magkwento,” he chuckled.   “Kasi nga na-late daw ako ng dating. Tapos bigla na lang siya nagsabi ng masasamang salita tungkol kay Kuya,” malungkot ang boses ko.   “I hate that guy,” bulong ni Ms. Nami sa gilid.   “Then?” wika ni ate Faye.   “Tapos ‘yun hindi ko alam kung anong sumapi sa’kin, pero nasigawan ko siya pabalik sa sobrang inis ko,” I sighed.   “What the hell,” untas ni ate Mika. “ang intense pala ng naganap nung dalawa lang kayo sa room,” halata ang pag-aalala sa mukha ni ate Mika, “sorry Artemis cinompliment ko pa naman siya sa harap mo.”   “No ate Mika, I understand,” napangiwi ako, “totoo naman talaga na pinagpala sa itsura si Eion,”   “Diba? Diba! Be alam yan!!” sigaw ni ate Mika sa akin habang hawak ang kamay ko.   “What !Are you serious guys?” nandidiri ang mukha ni Krista, “mukha kaya siyang…. basta, hindi ko siya gusto at kumukulo ang dugo ko sa kanya!”   Hindi ko mapigilang matawa at mapataas ang kilay. “Yung mukha kaya ni Eion parang kauri ng itsura ni Eros. Napansin ko lang kahapon,” mungkahi ko na halos maging dragon na ang itsura ni Krista.   “Sis nakakaloka ka!” she rolled her eyes at me, "sagot ko na talaga pagawa ng salamin mo."   Well I said it matter of factly. Mukhang mas may itsura pa nga si Eion kaysa kay Eros.   “Pero ang hindi ako makapaniwala ay nung nagawa mong sigawan si Eion?” tugon ni ate Faye.   “Same, I didn’t see that coming,” saad ni kuya Dustin.   I awkwardly smiled at them. “Sis I’m so proud of you,” wika ni Krista habang tinatapik ako sa likod. “Don’t let Eion or let anyone belittle you or someone you love.”   Napatingin kaming lahat nang biglang bumukas ang pintuan. Nilapitan ako ng lalaking naka-suot ng puting coat at may kung ano siyang chineck sa kanyang chart.   “Doc pwede na po ba ko umuwi?” I asked.   “Okay naman na ang pakiramdam mo,” tumigil siya at may tiningnan sa chart, “Ms. Parker. Pwede ka naman na umuwi sa bahay basta make sure lang na inumin ang mga medicene na niresta para sa allergy mo,” magalang niyang sambit habang nakatingin sa mata ko.   “Thank you po Doc,” I smiled.   “At mag-ingat na sa pagkain na allergic ka ha? Pagaling ka,” paalala nito bago lumabas ng pinto.    “Gosh nakaka-inlove talaga ng mga doctor!” sigaw ni ate Mika.   “Girl lahat na lang gusto mo?” pang-aasar ni kuya Dustin.   “Hindi!” she rolled her eyes to kuya Dustin, “kasi diba parang ang gentle nila sa pasyente, tapos maalalahanin at caring pa,” kulang na lang ay maghugis puso na ang mata ni ate Mika. “Boyfriend material kasi yung characteristic na ganun,” sinamaan niya ng tingin si kuya Dustin, “yung ang point ko che! Judger!”   Pagkatapos namin mag-breakfast sa ospital ay tinulungan na nila ako mag-ayos. Okay na naman ang pakiramdam ko matapos kong makatulog kagabi.   “Good morning po ma’am,” bati sa akin ni Bert bago niya kunin ang maraming box ng regalo.   “Good morning din.”   Tinulungan ng tatlong lalaki si Bert para lang malagay sa van namin ang mga regalo na pinadala. Halos malaglag ang panga naming lahat nang makita na halos okupahin na lahat ng regalo ang space na dapat ay uupan namin.   “Nami, mag-cocomunte na lang kami pauwi,” sambit ni kuya Dustin.   “Ugh gusto ko na talaga bumili ng sasakyan ko,” tugon ni ate Faye.   “Don’t worry sis, pagmakaipon na tayong tatlo, sabay-sabay tayong bibili ng sasakyan,” wika ni ate Mika.   “Pasensya na po..” malungkot na saad ko.   “Ano ka ba!” nginitian ako ni ate Faye, “sanay kami sa commute-an.”   Hinintay naming makasakay ng taxi sina kuya Dustin, ate Faye at ate Mika bago kami tuluyang umalis.   “Ms. Nami, pwede po ba dumaan tayo sa presinto?”   Ilang segundo akong tiningnan ni Ms. Nami mula sa upuan sa harap bago siya tumango. “ Bert sa presinto tayo,” at tinuro ni Ms. Nami ang daan.   Pagdating namin sa presinto ay pinasuot sa akin ni Ms. Nami ang itim at malaking shades. Naka suot ako ng oversized dark blue jacket at itim na maong pants. Buti na lang at minake-up an ako ni ate Faye kanina sa ospital, kaya carbon copy na naman ako ni Kuya.   Pagpasok namin sa loob ng police station at may kinausap na police si Ms. Nami.   “Sir, dito na lang po sa room na ito ang para sa visitation,” tugon ng isang medyo batang police at tinuro sa amin ang pintuan.   Nang malapit na kami sa pintuan ay tiningnan ko si Krista at Ms. Nami. “G-guys, okay lang ba kung mag-isa lang muna ako na pumasok sa loob?”   “P-pero sis! Siya yung nanakit sa’yo?” kunot ang noo ni Krista.   “Don’t worry sis, may police naman na nagbabantay e. Saka nasa plice station tayo.” Wala nang nagawa si Krista.   “Okay Ms. Parker, just take care.”   Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang grey na pintura sa buong apat na pader. Meron ding salamin na nakahati sa kwarto, kung saan nakita kong may nakayuko na isang babae na magulo ang buhok, sa kabila side ng salamin.   Umupo ako sa upuan at tiningnan ang salamin na nakaharang sa aming dalawa. Gumalaw ang babae sa harap ko at napansin ko ang namamaga at namumula niyang mata.   “What are you doing here?” mababa ang boses niya at tiningnan ako ng walang buhay niya na mata. “Did you come here to curse me? Or pagtawanan ako?”    TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD