Chapter 50 - Eyes on you

1470 Words
  3rd Person’s P.O.V   Huminto ang sasakyan sa itim na malaking gate. Binuksan agad ng guard na nagbabantay ang gate.   “Sis babush na! Ingat kayo pauwi,” bineso ni Josh si Krista, na namumutla pa rin ang itsura hanggang nagyon.   “I-ingat din sis,” sagot ng dalaga.   “Remember your promise ha! Just tell Artemis tomorrow!” kinindatan ni Josh ang dalaga at pumasok na paloob ng gate.   ‘Shems paano ko to sasabihin kay Artemis!’ pagwawala nito sa kanyang isip.   “ Ma’am Krista, saan ko po kayo ihahatid ma’am?” wika ni Bert.   “ Sa The Sky Tower, Bert. Sa bandang BGC.”   “Sige po ma’am. I-google maps ko na lang po kung paano po pumunta doon.”   Hawak-hawak ni Krista ang kanyang cellphone habang nanlalamig ang kamay niya at tinatap-tap ang screen nito. ‘Should I call Artemis now and tell her about the situation? Or  I should just tell her tomorrow, personally?’ pagmumuni-muni ni Krista sa isip niya nang biglang nag-ring ang cellphone nito kaya naman nabitawan niya ito at nahulog sa lapag.   “Walang’ya naman,” iritableg saad ni Krista at pinulot ang cellphone. Pagtingin niya sa screen ay pangalan ni Eros ang bumungad.   Mabilis na sinagot ni Krista ang tawag,“H-hello Eros.”   “Hello,” sagot ng binata.   ‘Shems kahit boses niya ang gwapo!’ pagtili ng dalaga sa utak niya.   “I thought you forgot our meeting today… I texted you but you didn’t reply,” he said.   “Hala sorry! Hindi ko napansin yung text,” awkward na tumawa si Krista, “ may iniisip lang.”   Tumikhim si Eros. “It’s okay, I’m not the clingy type. I don’t mind kung may ibang lalaki kang iniisip,” nabasag ang boses nito.   “WHAT?” pabulwas na saad ni Krsita, “ No, Eros, it’s not like that. I’m thinking about Arte—” agad nakagat ni Krista ang labi niya, “I mean, I’m thinking about my sister because we have a problem.”   “It’s okay, you don’t need to explain,” supladang saad ng binata.”So where are we going to meet?” rinig ang malakas na tugtugan sa background ni Eros.   “Asaan ka ba ngayon? Bakit ang ingay dyan?”   “ Friends party,” tipid na sagot nito. “BGC area.”   “Yun sakto, on the way to BGC na rin ako,” sagot ng Dalaga.   “Should I just come to your house?” medyo paos na boses nito, “gabi na rin e.”   “HA?!” gulat na bulalas ni Krista. “W-wait lang Eros. N-ngayon lang kasi ako lilipat sa new place ko. M-makalat pa ‘yun. Sa iyo na lang muna ngayon,” mabilis na sagot ng dalaga. “Next time sa place ko naman.   Napangiti si Eros sa narinig niya. “Sure next time..”   “Just send me the address okay?” baling ng Dalaga.   “Ayaw mo ba sunduin na lang kita, since BGC area din naman tayo?” nagaalala ang boses ni Eros.   Napaisip pa si Krista bago sumagot. “Hmm. Sige ganun na lang. Kita tayo sa harap na bar ng The Sky Tower okie? See you in 30 minutes,” at pinatay na ni Krista ang telepono.   “ Ma’am tama po ba yung na-google map ko po?” sambit ni Bert at nilingon si Krista.   Napatingin si Krista sa paligid at nakita ang  mataas na buiding at tila nagliliwanag ito, sa labas pa lang ay halata na ang pagka-elegante nito. Ito rin ang building kung saan nakatira si Artemis ngayon. “Yes Bert, tama naman. Pasok ka na lang dyan sa parking lot.”   Pagka-parking ni Bert ng kotse ay lumabas na ang dalawa para kunin ang mga malalaking maleta na nasa likuran ng kotse.   “Bert, just follow me,” ani ni Krista pagkakuha niya ng isa niyang pula na maleta.   “Okay po ma’am,” nakangiti na saad ni Bert habang  amaze na amze sa itsura ng lugar. Parehas sila nila Artemis at Krista ng reaksyon noon unang beses nila makapunta dito. “Grabe ma’am ang ganda naman dito!” tugon nito ng nasa grand hall na sila at naghihintay ng elevator.   Ngumiti lang si Krista. ‘Dapat lang talaga maganda ‘tong lugar no. Nagbayad ba naman ako ng 10 million para sa unit na ‘yun. Well, treat ko na ’yun sa sarili ko at investment na din. Gusto ko sana bilhin yung katabing unit ng kay Artemis kaya lang walang’ya 50 Million isa jusko! Kaya nevermind na lang dahil may nakatira naman an din doon, okay na ako dito sa 10th floor.’ malalim na pagiisip ni Krista.   Pagdating nila ng 10th floor ay nagtungo si Krista sa unit niya at binuksan ito. Halata ang pamimilog ng mata ni Bert nang makita ang kabuohan ng unit. Fully furnish na ito at may mga furniture na rin sa loob.   “Bert, upo ka muna dyan sa sofa,” nagmamadaling sambit ni Krista nang mapansing 20 mins na lang ay malapit na siyang ma-late sa usapan nila ni Eros. Dali-daling pinasok ni Krista ang isa niyang maleta sa loob ng kwarto niya at binuksan ito. Mabilis na nag half bath ang dalaga. Sinigurado niyang nilinis niya ang kasulok-sulukan ng kanyang katawan at sinuot niya ang black lingerie na bagong bili niya.   “Shems ang ganda!” tugon ng dalaga habang tinitingnan ang repleksyon niya sa salamin. She’s wearing a a triangle bra, with thong fit bottoms and a suspender belt in a black floral embroidered design. Mabilis na kinuha ni Krista ang pastel pink na fitted dress, sa kanyang maleta at pinarteneran niya ito ng beige na na sandals. Nag-spray ng pabago ang dalaga bago lumabas sa kwarto.   Tila nalaglag ang panga ni Bert nang makita ang ayos ni Krista. “Bert listen to me, you can sleep for today sa guest room. I will be back tomorrow morning okay? You can eat the food in the fridge and you can cook if you want.”   “O-okay po ma’am,” sagot ng binata.   “Okay bye—” at mabilis na nawala sa room si Krista.   ----   Malakas ang tugtugan at maraming bigating tao ang nasa loob ng condo.   “Hey Eros saan ka galing?” tanong ng lalaking artista na may-ari ng condo.   “Lumabas lang, call,” pasigaw na saad ni Eros dahil sa lakas ng tugtog. “Guys una na muna ako.”   “What? Already bro?” saad ng isang artista na hawak-hawak ang hita ng isang trainee na idol.   “Maybe she’s going to her girl,” tugon ng isang lalaking gitarista ng ibang banda. Nagtawanan ang marami dahil sa narining nila.   Ngumisi lang si Eros at lumabas na condo na puno ng mga nagpaparty na tao, nang biglang may yumakap sa braso niya. “Hey honey..” malanding saad nito.   “Oh Pinky,”malamig na sambit ni Eros. Mabilis na pinindot ng Binata ang elevator at pumasok dito. Hindi pa rin kumakawala sa paghawak si Pinky at mas lalo pang dumikit kay Eros.   “Hey I’m going somewhere Pinky.”   “ Then I’m going with you,” malanding saad nito habang dinidikit ang malaki niyang dibdib sa braso ni Eros. Pinky is wearing a black fitted dress and she have a blonde hair. Matangkad ito dahil isa siyang model.   “You can’t.” seryosong tugon ni Eros habang tamad na nakatingin kay Pinky. ‘Fvck bakit si Krista ang naalala ko.’ untas ng binata sa kanyang isip.   “Really?” naka-smirk si Pinky. Tumingkayad ang dalaga at bumulong sa tenga ni Eros. “I’m not wearing any panty right now…” at marahang kinagat ng dalaga ang tenga ni Eros.   ‘You can’t resist me now honey. Last time you devour me so hard when I told you that....’ sa isip ni Pinky.   “ You should wear one. Baka kagatin yan ng langgam,” at naglakad na palabas ng elevator si Eros habang naiwang nakanganga si Pinky sa loob.   “What’s your fvcking problem!” sigaw ni Pinky.   ‘I also don’t know what’s gotten into me. Suddenly, I don’t find other girls attractive anymore. I’m addicted to her body.’ pag muni-muni ng binata at sumakay ito sa sasakyan niya.   Nang papa-andarin na ni Eros ang sasakyang niya, ay tila nalaglag ang pang ng Binata  nang makita niya si Krista na may kasamang ibang lalaki. Masayang nag-uusap si Krista pati ang lalaking may bitbit ng maleta. Napayukon ang kamao ni Eros.   “So you don’t want me to come to your home because you have a man there,” nabasag ang boses ni Eros, “and you fvcking like a cute boy like Lyric.”   TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD