3rd Person’s P.O.V
“Ma’am Krista, at Bert mag-ingat po kayo sa daan dahil gabi na,” wika ni manang Nelya bago niya isara ang malaking gate ng bahay.
Madilim ang paligid at tanging kulay dilaw na ilaw mula sa poste lang nagbibigay liwanag sa daan. Tahimik na naglalakad si Krista habang hila-hila ang isang pula niyang maleta. Nasa likod ng dalaga ang binatang driver na bibit-bitbit ang dalawang maleta at dalawang handy bag.
Kumulo ang sikmura ni Krista at hinimas ng dalaga ang kanyang tyan at napatigil ito. “Bert naggabihan ka na ba?” lingon ni Krista.
“H-hindi pa po ma’am p-pero okay lang po ako,” nahihiyang tugon nito.
Pagkalabas ng village ng dalawa ay pumasok si Krista sa unang fastfood na nakita niya. “Mcdo na lang muna gabihan natin. Ito lang malapit e,” tugon ng dalaga.
“Ma’am ako na po dyan sa maleta niyo po. Babantayan ko po sa lamesa yung mga gamit.”
Binigay ni Krista ang hawak niyang maleta kay Bert at ngayon lang napansin ng dalaga na maganda ang katawan ng Binata at may cute at maamong mukha ito.
“Wait lang Bert, ano bang gusto mong pagkain. Pili ka muna,” sambit ni Krista habang hawak-hawak ang itim niyang wallet.
“Okay lang po ako ma’am. Tubig na lang po,” pag-was ng tingin ng binata.
Krista rolled her eyes. “O sige ako ng bahala. Wait mo na lang ako sa table.” Napabuntong hininga ang dalaga.
“Good evening ma’am. What’s your order po?” ngiting bungad ng babae sa kahera.
“Ahm yung 2 piece chicken with rice, tapos large fries at chocolate ice cream,” saad ni Krista habang nakatingala sa naka-display na menu. “Bale dalawang order po ng sinabi ko,” at sumensyas pa ito sa daliri niya nang tila peace sign.
“Noted po ma’am. Ano pong drinks ng dalawa po?”
“Hmm Pineapple juice large na lang po ate,” at inabot ni Krista ang bayad.
“Ito na lang po yung number niyo ma’am. Hatid na lang po namin sa table niyo.”
Pumunta na si Krista paloob at napansing halos sila lang ang tao sa loob. ‘Gabi na siguro kaya matumal ang benta,’ sa isip ng dalaga.
“Ma’am Krista dito po,” tawag ng binata at kinawayan pa si Krista.
Umupo si Krista sa tapat na table ni Bert at inayos ng dalaga ang blonde niya na buhok. “Pasensya ka na sa kapatid ko Bert ha,” panimula nito, “minsan talaga parang nasaniban ng demonyo ‘yun e,” paghalakhak nito.
“Okay lang po ma’am,” napatawa ng kaunti ang binata, “sanay na din po ako kay ma’am Maria dahil halos isang taon ko na din po siyang nakasama bilang driver po,” tila napawi ang ngiti ng binata.
“Ano ng balak mo ngayon?” malumanay ang boses ni Krista habang nakatingin kay Bert na malapad ang pangagatawan at mayroon maamong mata. ‘Nakakaawa naman 'to dahil kailangan niyang buhayin ang buong pamilya niya.’ sa isip ng dalaga.
“Sa totoong lang ma’am hindi ko pa rin po alam e. Hindi ko po in-expect na mawawalan po ako ng trabaho ngayon,” nabasag ang boses ng binata, “baka subukan ko na lang po maghanap ng trabaho sa palengke ma’am bilang kargador po. Kailangan ko po kasi mapadalhan ng panggamot si nanay e.”
“Sorry talaga Bert ha,” Binuksan ni Krista ang wallet niya sa ilalim ng lames at nakita ang malulutong na tag-iisang libo. ‘Tsk 15 thoussand lang ang pera ko dito. Kung alam ko lang, nag-withdraw sana ako kanina.’ sa isip ng dalaga. “Ito Bert oh,” inabot ni Krista sa binata ang 15 blue bills. “Pagka withdraw ko bukas dadagdan ko pa yan,” malumanay ang boses ng dalaga.
Nanlaki ang mata ng binata nang makita ang pera. “M-ma’am Krista s-salamat po…. pero p-paano po kayo?” maamo ang mukha ng binata at halata ang pag-aalala rito. ‘Mukhang pingkalat talaga ng babaitang Maria na wala akong sariling pera ah. Napaka galing talaga!’ gigil na isip ng dalaga.
“Thank you for the conern Bert, but don’t worry I still have money,” at nginitian ni Krista si Bert at inabot sa kamay ng binata ang pera.
“M-maraming salamat po talaga ma’am. Malaking tulong po ito sa akin. Salamat po talaga.”
“You don’t need to thank me. Pinagtrabauhan mo yan.” sagot ni Krista.
“Ma’am here’s your order po,” sambit ng lalaking waiter at nilagay sa lamesa ang mga order. Halata sa mukha ni Bert ang pagka-amaze dahil sa pagkain sa lamesa.
“Thank you po,” sambit ni Krista sa waiter at tiningnan ang tuwang-tuwa na mukha ni Bert habang kaharap ang pagkain. “Kain na tayo!” masiglang saad ng dalaga.
“Thank you po talaga ma’am. First time ko po makakakain sa mcdo,” halos maluhaluha ang mata ng binata nang tikman ang chocolate ice cream.
Nalaglag ang panga ni Krista sa narinig niya. “What?” nanlaki ang mata nito. “I-I mean nasa labas lang to ng village namin. Saan naman napupunta ang sweldo mo?” curios na saad ng dalaga.
“12 thousand po kasi ang sweldo ko ma’am tapos yung 11 thousand po na iyon pinapadala ko lahat sa probinsya,” normal na saad ng binata habang sunod-sunod na sinusubo ang fries. “halos sa gamot lang po ni nanay napupunta lahat pero napagkakasya pa rin naman po.” at ngumiti ito.
‘How can Maria fire this man who is really in need,’ sa isip-isip ng dalaga. “Don’t worry Bert tutulungan kita makahanap ng trabaho. By the way ilang taon ka na ba?”
“Bente uno po ma’am.” sagot nito at uminom ng pineapple juice. “Maraming salamat po talaga ma’am sa pera at pagkain po,” ngiting tugon ng binata.
“Ano bang job experience mo Bert?” sambit ni Krista habang kumakain ng ice cream.
“Driver lang po ma’am pwede din pong taga bitbit ng mga gamit at alalay po.”
‘Gusto ko siyang ipasok sa kumpanya namin ni Artemis pero anong posisyon ibibigay ko?’ sa isip nito.
Nang mapansin ni Krista na halos patapos na kumain si Bert ay kinuha ng dalaga ang kanyang cellphone.
“Hello Josh!” bati ni Krista sa kabilang linya.
“Himala nagparamdam ka sis!” pangbabaeng wika nito. “Ano nang ganap niyo ni Artemis ngayon ha? at palagi kayong M.I.A. Ako lahat gumagawa ng papar works na dapat kayo ang gumagawa dito sa kumpanya. Kaloka kayo!”
“Pasensya ka na sis. Busy lang kami ni Artemis ngayon hehe.”
“So bakit ka napatawag ngayong mag e-eleven na ng gabi? May tinatapos pa akong trabaho ka stress!” at humikab ito.
“Ahm pwedeng pahatid ng chevy car ko ngayon,” diretsong saad ni Krista.
“WHAT? Ngayong gabi?! Sis naman parang ewan. Stress na stress na ako sa inyo ni Artemis tapos paghahatirin mo pa ko ng kotse mo!” pagwawala nito sa kabilang linya. “Yes ikaw ang boss ko pero may shares din ako kahit papano sa company sis. Kahit hindi nga lang kasing laki ng kay Artemis ang shares ko kapartner niyo pa rin ako sa company na ito huhu! Feeling ko talaga inaalipin niyo na ako. Ako na nga humaharap sa lahat ng public cherbalu na dapat tatlo tayo lumalabas nila Artemis e! Irereklamo ko na kayo sa department of labor talaga!”
“Ang oa mo bakla!” napatawa si Krista sa kadaldalan nito na parang machine gun. “Don’t worry tutulungan ka na rin namin ni Artemis sa kung ano mang gusto mo, basta dalhin mo lang yung chevy ko ngayon sis. Please!” at uminon ng pineapple juice ang dalaga, “Isipin mo na lang yung friendship natin since high school sissy.”
“Oo na ihahatid ko na. Basta tandaan mo yung pinangako mo ah. Tutulungan niyo ko ni Artemis sa gusto ko!”
“Yes yes I promise!” sambit ni Krista.
“Okay babush! On the way,” at namatay na ang telepono.
Napansin ni Krista na tapos na kumain si Bert kaya mabilis na inubos ng dalaga ang pagkain niya. “Ma’am Krista tatawag na po ba ako ng taxi para mahatid po kayo sa tutuluyan niyo po?”
“No no. Ihahatid ng kaibigan ko yung kotse ko. Wait lang natin siya,” halatang nagulat si Bert sa narinig niya ngunit mabilis itong naka-recover.
“Hoy babaita ka! Gabing gabi na pinalabas mo pa ako!”halos mabuga ni Krista ang pineapple juice na iniinom niya dahil sa gulat niya sa biglang nagsalita sa kanyang likuran.
“Walang hiya ka Josh! Hilig mo talaga maggulat sis!” at hinampas ni Krista ang ma-muscle -muscle na braso ng kaibigan.
“Parang kalabit lang ng langgam hampas mo sis!” he rolled his eyes. “Oh ito na susi ng kotse mo,” binato ni Josh ang susi at nasalo naman ito ng dalaga.
“Yown! thank you sis!”
Lumabas na ng restaurant ang tatlo at pinindot ni Krista ang key ng kotse niya at umilaw ito. “Ugh I miss my chevy!” kumikinang ang mata ng dalaga. “Here’s the key Bert. You can drive.”
Pumasok na sa gitna at umupo si Josh at Krista. Rinig ng dalawa ang pagsara ng pinto sa likuran kung saan nilagay ang mga maleta.
“Ma’am Krista saan po tayo?” sambit ni Bert.
“Hatid muna natin tong si Josh sa bahay niya.”
“Hello cutie ito yung address ko,” maharot na wika ni Josh. Ginoogle maps na ni Bert ang address at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.
“’Te ang harot mo talaga,” at siniko ni Krista si Josh.
“Joke lang girl!”at humalakhak ito.
“So ano yung gusto mong ipagawa sa amin ni Artemis aber!” Krista rolled her eyes.
“Kasi nga! Naalala mo ba si Kian sis?”
“Oo sis, yung ex na sobrang iniyakan mo kasi pinerahan ka lang,” mabilis na sagot ni Krista.
“Ayun nga! Kasi diba tinanggap ni Artemis yung movie adaptation sa novel niya. Tapos nag-send yung company na need daw nila ma-meet yung CEO which is ak-“
“Oh anong problema mo ‘dun?” pagputol ni Krista, “E diba gustong-gusto mo naman na pinaliligiran ka ng media. Bida-bida ka e!” pang-aasar ng dalaga.
“I know bida-bida talaga ako! Pero wait patapusin mo muna ako magkwento kasi!” at nagtawanan ang dalawa. “Yun nga daw kailangan daw nila ma-meet ako at si Artemis dahil bigating project daw ‘yug magaganap. Kaya lang sis sa company na iyon nga nagtatrabaho si Kian! I don’t want to meet him! Never ever! Feeling ko bumababa ang tingin ko sa sarili ko tuwing nakikita ko yung bwisit niyang mukha!” pagwawala ni Josh.
“W-wait sis. Did you just said na gusto nila ma-meet si Artemis?” nanlaki ang mata ni Krista at napahawak sa braso ni Josh. “Girl hindi papayag ‘yun! I-reject mo yung proposal nila gagi!”
“Ha? 'Di na pwede i-cancel 'yun girl! Diba ikaw ang nagpasa sa'kin last week ata tapos may pirma na ni Artemis na payag siya sa 5M?" halata ang pagtataka sa mukha ni Josh.
" Girl chineck ko yung contract wala namang sinabing required magpakita si Artemis!"
"Binasa mo ba hanggang dulo? Sa page 10 nakalagay yun girl," at pinakit ni Josh sa cellphone niya ang pdf file ng kontrata kung saan nakalagay na required ang appearance ni Artemis.
Flashback
"By the way sis, nakita mo ba yung finorward ko sa'yong email. May offer sa'yo na gawing movie adaptation daw yung second book mo na The Summer Ends." saad ni Krista.
Agad nabilaukan si Artemis at muntik nang mabuga ang cold choco. "What the! Hala hindi pa ko nagbubukas ng sss! " she blurted out. "Gora tayo sis!" Excited na saad ng dalaga at sabay tinusok sa pork chop at kinagat ito.
"Sure sis pero saan 'dun?" sambit ni Krista, "My dalawang company kasing nag-offer sa'yo ng movie adaptation. Yung isa One Million ang offer, pero yung isang company naman Five Million." saad ni Krista habang may tinitingnan sa phone. "Wait, check ko yung name ng compan-"
"Kahit wag na sis. Kain ka muna" pinutol siya ni Artemis sa pagsasalita. "Basta doon na tayo sa mas malaking offer syempre!" tumawa ito na parang masamang tao.
'Fvck, I was not able to read all the 20 page long contract because Artemis said yes already when she heard the five million! It's my job as an editor ugh!' frustrated na pag-iisip ni Krista.
"Basta talaga! Wala ng bawia sis," wika ng binata, " kayo ang humarap 'dun sa signing event ha? You promise me na gagawin niyo ni Artemis ang gusto ko basta hatid ko lang yung kotse mo,” napaawang ang panga ni Krista sa narinig niya, “you and Artemis will attend the signing event sis. It's final!” sambit ni Josh.
“Fvck sis! Bakit ‘di mo naman sinabi na ‘ayong favor yung gusto mong kapalit girl!” tila napasabunot si Krista sa blonde niyang buhok. ‘Artemis will kill me for sure!’ pagwawala nito sa kanyang isip. “Anong company ba yan ulit sis?” pilit na kinakalma ni Krista ang sarili,
“Yung sikat na Star World Company sis!”
Tila nawala ang dugo ni Krista sa katawan dahil sa narinig niya. “I’m really dead! Fvck!”
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.