Chapter 48 - Anger

1414 Words
3rd Person's P.O.V Cinopy ni Krista ang number ni Eros at nagtipa sa kanyang cellphone.   From Krista:   Hey snack, its me.   at pagkapintdot ng send ay tinago na ng dalaga ang kanyang cellphone.   “Magandang gabi po ma’am Krista,” bati ni Manang Nelya pagkabukas niya ng gate.   “Magandang gabi din po manang,”saad ni Krista at nginitian ito. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng bahay.   “Ma’am gusto niyo po ba initin ko po yung ulam kanina?”   “Sige po manang, hindi pa rin po ako naggagabihan e,” tugon ni Krista.   Napatingin si Krista sa kanyang watch at napansing 10 na ng gabi. Dumiretso siya ng upo sa malaking hapagkainan. Hindi niya mapigilang maalala ang naganap na sagutan at pagsampal sa kanya habang  naka-upo siya ngayon dito.   “Ma’am baka matagalan po kayo sa pag-intay sa pag-init ng ulan. Gusto niyo po ba magpunas muna sa kwarto niyo po?”   “Ay hindi na po manang Nelya," sagot ng dalaga, "Aalis din po ako agad ngayong gabi.” at bumalik na papuntang kusina si manang.   Agad napatingin si Krista nang makarinig siya ng malakas na dabog sa pintuan. “Pinahiya mo ko sa mga friends ko! How dare you na sunduin ako sa bar while wearing THAT crappy shoes in front of me!” nag-echo sa buong bahay ang matinis na sigaw ni Maria habang nandidiring tiningnan ang batang driver na may suot na nagbabalat at lumang black shoes, at ngayon ay nakatingin na sa sahig ang binata. “I don’t need you in this house! The audacity! Someone like YOU ipapahiya ako?!”   Agad na napatayo si Krista sa kinauupuan niya nang makarinig ng sigaw mula sa sala. “What’s happening here?” seryosong tugon ni Krista at nakita niya ang nanluluhang mata ng driver at muli yumuko iyon.   “It’s none of your business b***h!” at inirapan ni Maria si Krista at muling tumingin sa driver na halos kasing edad lang ng  nakababatang dalaga. “Ayoko nang makita yung pagmumukha mo dito sa bahay ah!" untas nito, "From now on you are fired!” nagngignitngit sa galit na wika ni Maria habang pinagduduro ang driver.   “M-ma’am parang awa niyo na po. Ako lang po yung bumubuhay sa pamilya namin. Dina-dialysis po yung nanay ko ma’am. Ako din po nagpapaaral sa mga nakababata kong kapatid sa probinsya. Pasensya na po talaga ma’am. Hindi na po mauulit,” pagmamakaawa ng binata kay Maria.   “That’s enough Maria,” pagsita ni Krista ngunit hindi siya pinansin ng kapatid.   “You did it to yourself. You should have wear a better shoes kung susunduin mo ako! Don’t show up like a beggar! Kunin mo na lahat ng gamit mo sa bahay ngayong gabi at lumayas ka nang bwisit ka!”   “Ma’am pasensya na po talaga. W-wala po kasi akong pang bili ng bagong sapatos. Sorry po talaga ma’am. Hindi na po mauulit talaga huwag niyo lang po ako tanggaling ma’am. Maawa po kayo sa'kin ma'am wala po akong kakilala dito sa syudad,” nanginginig ang boses ng driver at halata na pabagsak na ang mga luha nito.   “And so? Ako ba may kasalanan kung mahirap ka? Sisihin mo ang sarili mo at ang magulang mo,"nandidiring untas ni Maria, "kung nag-aral ka ng college hindi ka sana driver ngayon. Ako pa sinisi mo na mahirap ka! Ang sisihin mo e yung walang pinag-aalan mong magula-“ natigil sa pagsasalita si Maria nang makaramdam siya ng malakas na sampal sa kanyang pisngi.   “Tumigil ka na! Wala ka na sa lugar!” sigaw ni Krista kay Maria na tila ba natulala. Tiningnan ni Krista ang batang driver na lumuluha ang mata. “Bert hintayin mo ako sa labas. I will talk to you later,” at mabilis na sinunod naman ng driver ang utos ni Krista.   “Ang kapal ng mukha mong sampalin ako! Sino ka ba ha?!” gigil na sigaw ni Maria kay Krista habang hawak ang namumulang pisngi nito.   “Ate mo pa rin ako at matuto kang gumalang!” namumula sa galit ang mukha ni Krista, ”Saka wala kang karapatan maliitin ang pamilya ng tao. Nagtatrabaho ng matino yung driver huwag kang bastos!” at matalim na tiningnan ni Krista si Maria.   “Hindi ka lang pala bobo ngayon bingi ka na rin pala!” pag-smirk ni Maria, “‘Di mo ba ko narinig kanina ha? Na pinahiya ako ng taong pinagtatanggol mo ngayon sa mga kaibigan ko! Ako ang kapatid mo kaya ako ang panigan mo dapat dito!” nanggagalaiting sigaw nito. “Bagay lang sa mga tulad niya na mawalan ng trabaho. They are all trash!”   “Hindi pa rin sapat ang rason mo para maliitin mo ang pagkatao niya at ng pamilya niya! May mali ka rin Maria, wala akong pinapanigan sa inyo,” huminga ng malalim si Krista at pilit kinakalma ang sarili, “and also you can’t fire him. Sila mama at papa lang ang may karapatan gawin ‘yun. I will tell them the reason why the driver can’t afford a new damn shoes.”   “ Oh really!? Sa ating dalawa sino sa tingin mo ang paniniwalaan nila?” nag-smirk si Maria. “Ako binilhan ng bagong kotse kahit mas bata sa’yo pero ikaw hindi! Ikaw sinampal ni dad sa maraming tao ako never pinagbuhatan ng kamay. I think we already have the answer for that,” Tumawa si Maria na tila nababaliw, “at baka nakakalimutan mo na sinampal mo ko? Akala mo hindi kita isusumbong kay dad ha? Tingnan natin kung hindi ka niya palayasin!” nakataas ang kilay ni Maria sa nakakatandang kapatid.   “Magsumbong ka kung gusto mo at kung dyan ka sasaya. Lalayas naman na talaga ako sa bahay na ‘to!” at tinalikuran na ni Krista ang kapatid niya at mabilis na nagtungo sa kwarto.   Naka-ready na ang tatlong malalaki niyang pula na maleta, at kinuha at nilalagay na lang ni Krista ang ibang gaimt niya sa de-bitbit na bag. May narinig siyang kumatok sa pintuan.   “Ma’am Krista?” malumanay na tawag ni manang Nelya.   “Pasok po!”   “Ma’am pasensya na po sa nangyari kanina,” mahinang tugon ng matandang babae habang naka-suot pa ang apron na nito.”Aalis po ba talaga kayo ma’am?”   “Opo manang,” at malungkot na ngumiti si Krista habang nag-iimpake.   “Nasa business trip po kasi si Ma’am at Sir ngayon, hindi naman po ata nila kayo papalayasin ma’am,” malambing na tugon nito.   “Okay lang po manang, matagal ko na rin pong naisip na bumukod na bahay nang magsimula akong magtrabaho.” Tumayo si Krista at hinila ang mga maleta.   “M-m’am h-hindi man po ito malaki pero sana po m-maka tulong,” at may inabot na sobre ng pera si manang Nelya kay Krista.   Agad nanluha ang mata ni Krista at mahigpit na niyakap si ang matanda. “Manang feeling ko talaga ikaw lang yung kakampi ko dito sa bahay..” hinimas ni Manang Nelya ang likod ng dalaga. ‘Nabalitaan niya siguro na frineeze ni dad ang credit card na binigay niya sa akin. Whatever! never ko rin naman ginamit ‘yun because I have my own money to spend.’ sa isip-isip ng dalaga   “Ma’am lagi lang akong nandito para sa inyo. Halos nakita ko na po kayong lumaki hanggang sa magdalaga. Parang anak na ho ang turing ko sa inyo,” at nginitian niya si Krista.   “Manang maraming salamat po sa concern pero okay na po ako,” at hinawakan ni Krista ang kamay ng matanda para ibalik ang sobre. “I’m fine po manang. I can manage po,” nginitian ni Krista ito.   “Sigurado po kayo ma’am ha? Basta kapag kailangan niyo po ng tulong nandito lang ako ma’am hanggat sa makakaya ko po.”   “Salamat po manang. I will keep it in mind po.” zineeper na ni Krista ang hand bag niya at lumabas na sa kanyang kwarto. “Manang pwede po bang pakitawag si Bert sa labas, para matulungan po ako sa maleta.”   “Sige po ma’am.” at bumaba na ng hagdan si manang Nelya. Naramdaman ni Krista ang pag-vibrate ng cellphone niya sa maong niyang pants. Pagtingin niya sa screen ay napa-smirk ang dalaga.   From: Eros   Let’s meet tonight. I’m hungry and I will eat you. TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD