Chapter 47 - Wormy

1135 Words
  3rd Person’s P.O.V   Namula ang mukha ni Artemis at nag-iwas ng tingin kay Caleb. “Y-you don’t need to that for me Caleb,” nauutal na wika ng dalaga, “I don’t d-deserve all of tha-“ Biglang nakarinig ang dalawa ng ringtone at nakitang nilang umiilaw ang cellphone ni Caleb na nasa center table. “You can answer your phone.”   Kinuha ni Caleb ang cellphone at sinagot ang tawag. “Hello?”   “H-hello anak?” nanginginig ang boses ng mama niya. “Nandito kami ngayon sa ospital sa bayan,” rinig ang paghikbi sa boses nito.   “Why mom? What happened?” kunot noo na tugon ni Caleb. Napatingin naman si Artemis ng mapansin niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng binata.   “Y-your dad,” paghikbi nito, “He collapsed because of over work dahil sa problema sa kumpanya.”   “Stay still mom. Pupunta na rin agad ako dyan.”   “Okay anak. Mag-ingat ka.” at naputol na ang linya.   “C-caleb what happened?” nag-aalalang wika ni Artemis sa nakatayong binata.   “Nag-collapse daw si dad dahil sa over work,” mababa ang boses nito. “I need to go to the hospital baby.” Mapungay na ang mata ni Caleb.   “ Oh my!” napahawak si Artemis sa kanyang bibig, “Basta mag-ingat ka sa daan ha gabi pa naman na,” diretsong tingin ni Artemis sa binata, “ Sana um-okay na ang pakiramdam ni tito.”   “Thank you baby. Mag-iingat ako.” Hinalikan ni Caleb ang noo ni Artemis at tiningnan ang dalaga. “You should also rest. You looked tired baby,” at marahang hinipo ni Caleb ang mukha ng dalaga.   “I will,” sagot ni Artemis at hinatid na sa pinto si Caleb. Napatingin si Artemis sa wall clock sa sala at nakitang alas does na ng madaling araw ‘Lord please protect Caleb sa daan.’ Artemis prayed on her mind.   “I also want to help Caleb on his worries.” she mumbled to herself at dumiretso na sa kama niya. Pag-check ng cellphone ni Artemis ay napansin niyang may nag-message sa kanya at binuksan ito.   From: Uriel   You still awake? I’m waiting?   “Shems sent 3 hours ago,” sambit ni Artemis habang iniis-scrool ang cellphone at mabilis na nagtipa.   From: Artemis   Uriel sorry late reply ha! Gising ka pa huhu?   Wala pang isang segundo ay nag-vibrate na agad ang cellphone ni Artemis.   From Uriel   Yes still awake. Waiting!!   From: Artemis   Ito na po sir HAHAHA bubuksan ko lang yung laptop ko.   Kinuha ni Artemis ang laptop niya na nakapatong sa side table. Mabilis na binuksan ni Artemis ang laptop at binuksan ng dalaga ang notes at doon nakasulat lahat ang 100 plus na title ng anime na napanood niya na at mabilis itong cinopy at sinend kay Uriel.   From Uriel   Tagal naman At nag-send ito ng selfie niya na naka-pout. “What the heck?” hindi mapigilang mapatawa ni Artemis.   From: Artemis   Nasend ko na ha? ‘Di mo pa narecieve?   From Uriel   Wala pa pooo   Muling tiningnan ni Artemis ang laptop niya at nakalagay naman na-receive ito.   ”OH s**t!” Mabilis ang pag-click ng dalaga sa screen. “Ang bobo ko bwisit! Na send ko pala gamit ang totoong IG account ko!” Mabilis na in--unsend ng dalaga ang message at inopen ang account ni Lyric at doon ito sinend. “Walang hiya talaga shems!”   Nag-ring ang cellphone ni Artemis at mabilis niya itong kinuha. “Sana ‘di nakita ni Uriel yung unang message ko shems,” she mumbled to herself while biting her nails.   Huminga muna ng malalim si Artemis bago niya sagutin ang tawag.   “Hello Lyric?” masigla ang tinig nito.   “Hello Uriel,” sagot ni Artemis sa mababang boses. ‘Bakit ka pa tumawag anak ng tokwa!’ sa isip ng dalaga.   “Grabe ‘tong list mo ha! Pang malakasan naman. Napanood mo na ‘to lahat?” sambit ni Uriel sa kabilang linya.   Sumandal si Artemis sa pader habang ang laptop ay nakapatong sa puting unan at nasa lap niya. Tiningnan muli ng dalaga ang mga title na sinend niya. “Oo. Magaganda lahat yan in terms of story, plot and animation,” proud na saad ng dalaga.   “I see. Alin ba dito yung pinaka nagustuhan mo? Para doon ako magsisimula,” tugon ni Uriel habang nakahiga sa kanyang kama at patay ang lahat ng ilaw sa kwarto niya. Yakap-yakap ng binata ang kanyang malaking unan.   “ Wait anong genre ba yung gusto mo para exact doon yung ma-suggest ko,” Artemis laughed.   “Kahit anong genre okay ako. Basta yung pinaka nagustuhan mo,  ‘yun din yung gusto ko panoorin L-lyric,” sambit ni Uriel habang namumula ang mukha. ‘I’m really crazy! Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko habang kausap si Lyric! I’m f**k up!’ pagwawala ng binata sa kanyang isip.   “Let’s see,” ini-scroll ni Artemis ang list na sinend niya. “ Personal favorite ko yung Skip Beat tapos Special A, Kamisama Kiss, Once Peice, Naruto, Spirited Away tapos Ouran High School Host Club,” tila ba kumikinang ang mata ni Artemis sa sobrang excited.   “Okay noted po ma’am,” tugon ni Uriel habang naka loud speaker ang cellphone dahil habang nagsasalita si Artemis ay tina-type niya sa note ang mga sinabi nito.   “Pero lahat naman ng nasa list na yan ay magaganda kaya ikaw na ring bahala kung anong trip mo hehe.”   “Okay t-thank you sa reccomendations L-lyric,” kabadong tugon ni Uriel habang mahigpit niyang yakap-yakap ang malaking unan.   Tila ba natauhan si Artemis ng marinig niya pangalan ni Lyric. ‘Muntik na ko doon ha. Ang bilis ko talaga ma carried away kapag tungkol sa anime ang usapan’ sa isip ng dalaga at umubo ito. “Ano ka ba wala ‘yun. Kapag may tanong ka pa na kahit anong related sa anime, alam mo na kung sinong lalapitan mo,” proud na tugon ni Artemis.   “Hehe,” ang bilis ng t***k ng puso ni Uriel habang pinapakinggan ang boses ni Artemis. “Sige I will call you if I have a question again,” lumawak ang ngiti ng binata.   “Okay good night na Uriel,” at humikab si Artemis.   “Good night,” halos mapunit na ang ngiti ni Uriel sa mukha. Nang patayin na ni Artemis ang tawag ay halos manginig si Uriel sa kakaikot sa kanyang kama habang nakayakap sa unan.   “I’m really crazy. I think I’m going to hell,” bulong nito sa sarili ngunit nang maalala niya ang boses ni Lyric ay tila naging uod na binuhusan ng asin muli ito.      TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD