Chapter 46 - Promise

1714 Words
Artemis’ P.O.V   Nakaupo ako sa isang stool habang nakahalumbaba sa counter top. Sinusundan ko ng tingin si Caleb na seryosong hinahalo ang kaldero. Siya ay nakatalikod sa akin ngayon kaya naman tanging malapad na balikat niya lang at matambok niyang pwet ang nakikita ko. What did I do for me to desereve to see this magnificent view.   “It’s done.” sambit ni Caleb at nginitian ako.   “Yey!” at kumuha ako ng dalawang plato sa gilid.   “Baby ako na dyan. May sugat ka pa e.” malambing ang boses nito.   “Ako na dito. Maliit lang naman yung sugat ko ang oa?” I chuckled while looking at him at nilatag na sa hapagkainan ang plato at kutsara. Siya na nga nagluto siya pa magp-preapare ng plato at mga kutsara. Abuso na tawag ‘dun. A man that will serve you and obey all your request only exists in books, this is real life so better wake up Artemis!    “Dito mo ipatong Caleb.” ani ko habang nakatingin sa kanya habang nakasuot ang dalawang kamay nito ng pink pat holder at nakahawak sa kaldero. Ramdam ko na ang pagkulo ng tiyan ko gawa ng amoy ng adobo. Sinandukan ako ng kanin ni Caleb at naglagay naman ako ng ulam sa plato.   “Yey thank you for the food!” masiglang saad ko at nagsimula ng sumubo. “Hmm! Ang sarap grabe!”  nanlaki ang mata ko at sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain.   “Buti nagustahan mo,” saad ni Blake na ngayon ay nakangiti.   “Ugh tagal ko na talagang hindi nakatikim ng ganitong luto ng adobo!” tugon ko habang hinihimay ang taba kung saan nanuot na ang sauce at sinubo ito. “Hmm heaven..” I heard him chuckled kaya tiningnan ko ito ng masama. “Why?”   “Nothing,” he chuckled again. “You never change Lilian. Mukha ka pa ring bata kumain.”   “Oo na ako na talaga yung hindi tumangkad sa atin,” pinanliitan ko siya ng mata habang tuloy-tuloy pa rin ang pagsubo ko. Dati noong bata kami halos magkakalapit lang ang height namin pero ngayon sobrang laki na ng gap. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.   “N-no baby that’s not what I mean. I wanted to say that you’re still cute,” sambit nito sa matipuno niyang boses at marahang pinisil ang pisngi ko.   “I’m so full!” sigaw ko at tila tamad na nakaupo sa upuan.   “Dapat lang. You're so thin Lilian,” sambit ni Caleb at tumayo sa upuan. Nagsimula na siyang magligpit ng plato.   “Wait wait! Ako maghuhugas.” agad akong tumayo at inagaw ang hawak niya na plato.   “Ako na dito baby. May sugat ka sa kamay diba?” mahinahon ang boses nito habang nakatingin sa akin.   “And so? Edi gagamit ako ng gloves. Ako na dito,” sinimulan ko ng ipunin ang mga tira sa isang plato para diretso tapon na lang mamaya.   “Then just let me help you,” naka-pout na tugon nito. He look’s like puppy with blue eyes.   “Okay. Ako na magsasabon tapos ikaw magbabanlaw. Pero mas okay kung pabayaan mo na ko mag-isa.”   “Thank you baby,” masiglang ani nito at dinala na niya ang mga plato sa kusina.   Sinuot namin ang pink na gloves na muli ay nabili ni Krista sa buy 1 take 1. How can I live without the help of Krista seriously?   “Lilian saan ko ‘to ilagagay?” sambit ni Caleb habang hawak ang plato na mayroong mga buto at tirang kanin.   “Diyan sa ilalim ng drawer may plastic. Palagay na lang doon yung mga tira,” at nginuso ko ang lagayan. Rinig ko ang tunog ng kutsara na tumatama sa plato dahil sa pagtapon niya ng mga tiratira sa plastic. Nagsimula na akong magsabon ng baso namin nang bigla akong makaramdam ng yakap mula sa likod.   “H-hey Caleb. Naghuhugas ako.” tugon ko ngunit nakayakap pa rin siya sa akin.   “Yes baby?” mahinang bulong nito sa tenga ko. Tila ba nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan.   “Paano ko makakahugas niyan nakayakap ka sa’kin?” Nilingon ko siya at tiningnan ang blue niya na mga mata at napansing mapungay na ito. I guess he’s already tired. Nag direct ba naman sa aming B.L.U.E at lahat ng staff kanina.   “Then just let me do the dishes para kumawala na ako sa’yo,” malalim ang boses nito.   “Okay fine bahala ka mangalay diyan,” at binilisan ko na maghugas. SHEMAY! Nakayakap siya sa akin patalikod what should I do?! Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likod ko. Gosh first time ko ‘to! Tila ba nanginginig na ang kamay ko habang naghuhugas. Sana hindi niya mahalata. Mabilis na akong nagbabanlaw nang bigla akong makaramdam ng malambot at mainit na labi na lumapat sa leeg ko. “A-ah.” I moaned at agad kinagat ang labi ko. Anak ng tokwang ungol yan! Artemis naman parang ewan naman! “C-Caleb please,” mahinang tugon ko. Kahit boses ko nanghihina na shemay!   “Sorry for teasing you baby. Did I make you upset?” nagsusumamo ang boses nito at kumawala na sa yakap sa likod ko sakto din ay tapos na akong maghugas.   “N-no it’s not like t-that. I’m just s-shy.” namumula ang mukha ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.   Nagtungo na kami sa sala at parehas kaming umupo sa sofa. “S-should we watch a movie?” awkward na saad ko habang hawak ang remote.   “Okay baby.”   Binuksan ko ang T.V  in-open ang netflix account ni kuya Lyric. “Hmm ano kayang maganda?” habang nagbo-borowse ako ng mga palabas.   “Choose what you want baby. You like anime right?” tiningnan niya ako.   “Oo pero hindi ka mahilig ‘dun diba?”   “If you like it then I like it too. Just choose what you want,” he smiled at me.   Mabilis akong kumuha ng mga chichirya na naka-stock sa food pantry at kumuha ng pitchel ng ice tea at dalawang baso. “Patayin ko ba yung ilaw or huwag na?” saad ko habang nakatayo sa malapit sa switch habang hawak ang V-Cut.   “Sige patayin mo na yung ilaw para mas maganda.”   Pagkapatay ko ng ilaw ay tila ang T.V lang ang nagsisilbing liwanag at ang nakabukas na dim light sa kusina. Umupo na ako sa tabi ni Caleb at pinindot ang play button. Pinili ko ang My Hero Academia: Two Heroes.   “Napanood ko na ‘to ng pang 9 times na ata ngayon pero ang ganda pa rin niya talaga! The best!” sambit ko na tila kumikinang ang mata.   Malaki at malambot ang sofa at nasa gitna kami nakaupo. Yakap-yakap ko ang throw pillow habang tutok na tutok sa palabas ang atensyon ko nang biglang... “Baby come here,” malalim ang boses nito at ginabay niya akong sumandal sa balikat niya. Ramadan ko ang marahan niyang pag-pat sa ulo ko. Tiningnan ko siya at napansin na tutok din ang mata niya sa screen.   “Omaygosh All might!” hindi ko mapigilang maluha dahil sa scene kung saan parang matatalo na sila ng kalaban.   “Hey baby..” ramdam ko na marahan akong hinalikan ni Caleb sa ulo. "Why are you crying hm?"   “ K-kasi tingnan mo grabe yung sacrifice ni All might kahit wala na siyang powers tapos nakakaiyak din si Deku! Hindi siya madaling sumuko.” Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. As a writer kita ko din kung gaano kaganda yung movie kaya na-appreciate ko talaga yung mga ganito.   “Shh baby…” malambing ang boses niya habang patuloy na pina-pat ang ulo ko. Kumuha siya ng tissue na nasa gilid niya at marahang pinunasan ang luha ko. Amoy ko ang pamilyar niyang pabango. Natapos ang palabas pero naging kumportable na ako na nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.   “I didn’t expect it to be that good.” sambit ni Caleb habang pinapalabas na ang ending credits ng My hero Academia.   “Diba! I told you!” and I heard him chuckled.  Moment of silence came. “Caleb, may nag-offer sa akin este kay kuya Lyric na maging part ng commercial. W-what do you think? of i-it?” Tumagilid ako para makita ang mata niya habang nakapatong ang kamay ko sa bandang dibdib niya. I can feel his heart beating.   “That’s an achievement baby, it means you did well.” marahan niya muling pinat ang ulo ko. "Kailan start ng shoot niyo?"   “Actually I-I haven’t accepted yet," mahinang tugon ko. "I actually don’t know what to do.....”   “Why baby?" malambing ang boses nito. "Is there a problem?”   “I-it’s just… I’m scared to mess up at baka mapahiya ko si kuya k-kasi… “ panget ako, hindi ako talented at hindi rin ako katalinuhan katulad ng iba. I’m full of flaws. Hindi ko masabi ang mga huli kong salita  dahil baka umayaw na si Caleb na kausapin ako next time. Baka isipin niya ang negative kong tao.   “Kasi?” he looked at me with his gentle blue eyes.   “N-nothing t-that’s all.”   Hinawakan niya ang kamay ko at pinag-intertwine ito sa kanya at tiningnan ako sa mata. “Baby don’t be scared. You are not alone in this secret. You have me, and I also noticed that your glam team looks reliable, and kind to you.”   “Yes they are. Ang babait nila sa akin. Sobra,” mahinang tugon ko.   “ at kung sakaling mabuko ka man baby hindi kita pababayaan," seryosong saad niya, "I will tell them I’m the one who make you do it ,and I will sue every mouth that will say something bad about you. I won’t let them harm you or even let them touch your foot. You can use me baby," at marahan niyang hinawakan ang pisngi ko, "I don't care about my name. I will never abandon you. Use me baby because I'm yours.” Hinalikan niya ang likod ng kamay ko habang nakatingin sa aking mata.   TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD