Chapter 45 - Fingers

2041 Words
Artemis’ P.O.V   Napatingin ako sa kanilang mukha na tila ba nag-aantay sila ng sagot sa akin. “I will….. I think I need time to think about it g-guys.”   “Yes tama yan Artemis. You don’t need to pressure yourself.” ani ni kuya Dustin.   “Okay Ms. Parker just tell me kapag nakapag desisyon ka na.” at nginitian ako ni Ms. Nami.   Napatingin ako sa paligid at tila ba sobrang itim na ng langit. Huminto ang van sa parking lot ng building. “Guys thank you sa help! Ingat kayo pauwi!” nakangiti kong saad.   “Bye guys!” sambit ni Krista na nasa gilid ko. “Bye frenny tawagan mo ko kapag nakauwi ka na ha?” sweet ang boses ni Krista.   “Sure frenny! Good night sa inyo ni Artemis.” sagot ni kuya Dustin at kinindatan kami.   “Aba aba! May pa-late night talks na nalalaman!” panunukso ni ate Mika. “Sana all talaga! Gusto ko rin naman sumaya Lord penge namang jowa!” at humalakhak ito. Hinintay namin ni Krista na makalabas ang van bago kami pumasok sa loob. Pagkapasok namin sa loob ng condo ni kuya Lyric ay agad kong binaksak ang katawan ko sa malambot na sofa. Finally I’m free! Tinaas ko ang paa ko sa sofa na kanina pa kumikirot dahil sa customize shoed na may heels.   “Sis hindi rin ako magtatagal. Kukunin ko lang din yung gamit ko.” ani ni Krista na nakaupo sa gilid ko.   “Ha? Gabi na e. Saan ka naman pupunta?” napaupo ako ng maayos at hinarap siya.   “Actually I’ve decided to buy a condo. Bubukod na ko sa parents ko…” Kita ko na mapungay na ang mata niya.   “Sis..” at inakbayan ko si Krista. I don’t know what to say to her. Dapat ko ba siyang batiin kasi nakabili siya ng condo o malulungkot ako at icocomfort siya dahil  sa sitwasyon niya sa pamilya. “Just remember I’m here..”   “Thank you sis.” she smiled genuinely. “Pero tama na ang drama natin! Kasi ditong building din yung binili ko na unit.”   “WHAT?” nanlaki ang mata ko. “Omaygosh sis! Finally nasa iisang buliding na rin tayo! Hey neighbor!” tinaas ko ang dalawang kamay ko at tumama sa akin ang dalawang palad ni Krista.   “Syempre lalayo pa ba ako? Pero sa 10th floor lang yung kinuha ko na unit. Hindi ko naman inexpect na habang pataas ng pataas ang floor e nadadagdagan din ng milyon ang presyo ng condo.” paghalakhak ni Krista. "Adulting is hard sis."   “Grabe rich kid! Sana all!”   “Gaga ka!” at hinampas ako nito ng malambot na throw pillow. “ Makasabi ng rich kid parang ikaw hindi ha? Ang daming income na pumaspasok sa’yo kada month. May shares ka sa company natin, tapos kada benta ng  hard copy at soft copy ng libro mo diretso agad sa bank account mo. Tapos may movie adaptation ka pa na magaganap sis! Sinong rich kid sa’tin ngayon?”   “Masyado ka ng maraming nalalaman Krista.” at agad ko siyang hinampas ng throw pillow.   “Talaga! Business partner and editor mo ko e duh?!” and she rolled her eyes ot me. “Sis feeling ko talaga taghirap pa rin tayo kapag kasama kita. Sobrang higpit mo sa pera promise! Minsan nadadamay na ‘ko,” at gumanti ito ng palo sa akin ng unan.   “Ayaw mo yun may good influence sa buhay mo para hindi ka masyadong magastos.” paghalakhak ko. “Alam mo namang I’m saving the money para sa amin ni kuya Lyric sis,” tumingin ako sa kanya.   “Sis isang ngiti lang ni fafi Lyric sa camera libo-libong pera na agad kikitain niya. I think you don’t need to worry about him that much.” Parehas kaming napatigil sa pagpapaluan dahil sa pagod. "Though I also admire you both because you're so close to each other."   “Sis I need to prepare 300 Million just in case. Alam mo naman. Saka anong close? Lakas kaya mang-asar 'nun ni kuya Lyric!” I rolled my eyes at her and chuckled   “Yes yes. Kaya nga ginagawa natin yung best natin para ‘di ka mabuko para ‘di mo na kailangang maglabas ng 300 Million.” at tiningnan ako ni Krista. “O sige na sis ‘di na ko magtatagal para makauwi na rin ako.”   “Okie ingat ka Kritsa.” I waved at her habang hinatid ko siya sa labas ng pintuan.   “Oh my I almost forgot. Sis send me Eros’s number later!” she chuckled habang binebeso ako. “Thank you and bye!” nag kiss sign pa ito bago tuluyang mawala.   Agad kong kinuha ang bagong iphone na binigay sa akin ni Ms. Nami. Sobrang latest ng cellphone at ang ganda niya gamitin. Sponsored daw sila kuya ng iphone kaya tuwing may bagong labas ng model e pinapadalhan sila. Tiningan ko ang contacts at cinopy ang number ni Eros.   To: Krista   Here’s the number 09xx xxx xxxx. Nako talaga ha -_-   Pagka-send ko ay ilang segundo pa lang ay tumunog ang phone ko.   From: Krista   Aww the best talaga bestfriend ko. Hihi nightyy   Mabilis akong nagtipa sa cellphone.   To: Krista   Basta siguraduhin mong hindi ka iiyak sa’kin tungkol kay Eros ha. Told ya sis mukhang play boy yun. Tsk tsk   I rolled my eyes ng maalala ko nung nasa bar kami kung paano nakaaybay si Eros sa dalawang babae na nasa-magkabilang gilid niya. Krista deserve better than that. I want a man that will value her.   From: Krista   Of course sis. I’m the one who makes the boys cry….emotionally and in bed hihi rawr.   Muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko na fresh milk dahil sa nabasa ko. Walang hiya talaga to!   To: Krista   Ang kalat mo sis! Good night na nga! :p   Nilapag ko ang cellphone ko sa sofa at naligo na muna. Matapos kong makapagpalit sa light blue kong terno na pajama ay sinout ko ang malaki kong salamin at umupo sa harap ng laptop ko. “Okay. It’s time to work again.”   Hindi ko namalayan ang oras dahil tila ba nasa mundo na ako ng sinusulat ko na libro nang bigla akong makarinig ng doorbell. Una ay hindi ko pinansin ito dahil nasa kagitnaan pa ako ng sinusulat ko pero tumunog ulit ito ng pauilit-ulit.   “Ano ba yan tsk.” at padabog akong naglakad papuntang pintuan. Pagtingin ko sa silipan sa pinto ay nanlaki ang mata ko at mabilis na binuksan ang pinto.   “Hala sorry Ca—”   Mahigpit akong niyakap ni Caleb. I can smell his familiar perfume at ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso niya. “I thought something bad happened to you. You’re not answering my call and you’re not opening your door.” nagsusumamo ang boses nito. “Isang doorbell na lang sana e balak ko na sirain yung pinto.”   “I-im sorry Caleb. I left my phone in the sofa and I’m updating my novel.” Namumula ang mukha ko.   Pumasok kami sa loob at umupo kami sa sala. “Have you eaten dinner baby?” bulong nito sa tenga ko. What the hell bakit may pa 'ganun pero gusto ko naman.   “H-hindi pa. Pero hindi naman ako masyadong gutom.” sambit ko at tila ba napalunok ng mapansin kong nakasuot siya ng black na short. Medyo nagmukhang maikli ang short kasi nakaupo kami dahilan ng makita ko ang malaki at ma-muscle at maputi niyang legs. Fudge Artemis para ka ng p*****t shookt!   “We should eat dinner. Hindi ka dapat magpapalipas ng gutom baby.” malambing ang boses nito.   “O-okay let’s order outside.” sambit ko habang umiiwas ng tingin.   “Hindi healthy yung puro order. Lulutuan na lang kita baby.” malalim ang boses nito at marahang hinawakan ang kamay ko.Pinag-intertwine niya ang kamay namin at kapansin pansin kung gaano kalaki ang kamay niya kumpara sa akin. And his long fingers what the heck!   “ I will get the ingredients in my unit… or do you want us to eat in my place?” maamo ang blue na mata nito habang nakatingin sa akin.   “Hala huwag na nakakahiya. Ikaw na nga nagluto ikaw pa sa ingredients. Dito na lang tayo magluto. Sakto nag grocery kami ni Krista last time kaya may laman pa yung ref.”   Pumunta kami sa kusina at binuksan ko ang ref. “Caleb ito lang yung ingredients e. Ano kayang pwede natin maluto dito?”   Lumapit siya sa gilid ko. “We can cook you favorite food by that.” at hinawakan niya ang balikat ko.   Humarap ako sa kanya na tila ba kumikislap ang mata. “Yehey adobo!” Nakatingala ang tingin ko sa kanya dahil hanggang dibdib niya lang ako. “I will help please…” nag-pout ako.   “Pero baby you can’t cook..” mahinang tugon niya.    “Grabe naman yung pag atake!” matalim ko siyang tiningnan.”Then teach me please…”   He sighed defeatedly. “Okay okay.”   “Yehey!” Tagumpay ako yes! Kinuha ko ang apron na nakasampay sa gilid at inabot kay Caleb ang isa.   “Seriously? Wala na bang iba?” hindi makapaniwala ang mukha ni Caleb habang tintingnan ang hawak ko na pastel pink na apron na may printed angel wings design sa harap. I should thank Krista kasi siya ang bumili nito sa buy 1 take 1.   “Ito lang yung meron na apron dito. Saka bagay naman sa’yo e!” ani ko at binato sa kanya ang apron. “Dali na para parehas tayo.” habang sinuot ko ang isang pink na apron ay pinonytail ko naman ang maikli kong itim na buhok.   Tila ba natulala si Caleb sa akin at nang napansin niya nakita ko siya ay agad niyang sinuot ang pink na apron at nag-iwas ng tingin. “Hala ang cute!! I told you bagay e.” I squeal while looking at him wearing it.   Nilabas ni Caleb sa ref ang manok at iba pang ingredient na kakailangnanin namin. “Hihiwain ko na ba yung manok?” excited kong saad habang hawak ang kutsilyo.   “No baby baka masugatan ka. Ito na lang munang bawang at sibuyas ang hiwain mo.” at nilagay niya ang bawang at sibuyas sa  harap ko.   “Okay.” Nagkibit-balikat lang ako at nagsimula nang maghiwa. Naptingin ako sa kabilang gilid ng counter top kung saan ng tila ba expert na naghihiwa si Caleb ng manok at ang bilis niya gawin iyon. Ang lapad ng balikat niya tapos may cute at manipis na telang pink na apron na nakasakbay doon. He looks cute and hot at the same ti—“FUDGE…” napabalikwas ako ng aksidente kong mahiwa ang hintuturo ko.   “What happened Lilian?” agad lumapit sa akin si Caleb at ngayo’y nakahawak na siya sa left na kamay ko kung saan nagdudugo ng kaunti ang hintuturo ko. Nararamdaman ko na ang konting kirot ng sugat. “I told you to be careful baby..” magkasalubong ang kilay nito ngunit banayad pa rin ang boses niya.   “H-hindi ko kasi napansin..” namumula ang mukha ko. Ayan titig pa kay Caleb nahiwa ka tuloy jusko self! Ang landi landi! “D-don’t worry maliit na sugat lang naman t—”   Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang dilaan ni Caleb ang pointing finger ko kung nasaan ang pagdudugo. “C-caleb w-what are you doing.” mahinang sambit ko ngunit patuloy lang siya sa ginagawa niya. Ramdam ko ang mainit na dila niya na tumatama sa balat ko kung nasaan ang maliit na sugat. I can feel my face heating up ang my heart beating like crazy. Tila ba lahat ng balahibo na meron ako sa katawan ay nagtaasan na. Sa bawat lapat ng dila niya sa sugat ko ay nakakaramdam ako ng kuryente.   “I’m going to clean your wound baby.” saad nito habang nakatingin ang mapupungay niyang mata sa akin at muli kong naramdaman ang mainit niya na dila sa hintuturo ko.     TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD