Chapter 44 - New Opportunities

1437 Words
Artemis’ P.O.V   Tahimik ang lahat sa byahe. Napatingin ako sa likuran ko at napansing natutulog si kuya Dustin at ate Mika sa likuran. Si ate Faye naman ay natutulog din sa kanyang neck pillow habang nakaupo na kahelera namin.   “Sis check mo nga dito kung ano yung magandang pic para i-post?” pabulong na ani ko kay Krista na tila ba nakatulala lang sa kawalan.   “Ay sige ako maimili.” pag-untas nito at isa isa nitong tiningnan ang mga litrato ko kanina. “Ito sis post mo ‘to!” turo niya sa picture na nakahiga ako sa lapag at nakangiti.   Hindi ko mapigilang bumuntong hininga. “Nakakinis talaga... bakit ba parang required sa’kin este kay kuya Lyric na mag-post palagi.” I saw Krista chucked and rolled her eyes at me.   “Duh! Sis idol kasi si fafi Lyric kaya enjoyable sa kanya yung interacting with fans. Ikaw lang talaga hindi nakaka-enjoy niyan.” at mahinang humalakhak ito.   “Pero hindi rin ganoong magiliw sa tao si kuya Lyric kahit noong bata kami e.” saad ko at tinaas ang aircon na nakatutok sa akin. “I mean never ko talaga na-imagine si kuya Lyric na maging isang idol.”   “Hala talaga sis?” napatingin sa akin si Krista at halata sa mukha nito ang pagtataka. “Pero gwapo si fafi Lyric tapos magaling mag-piano. Perfect package siya for a star. Ikaw nga rin sana e bagay maging idol kung 'di ka lang mahiyain. Pero hindi ba nabanggitni fafi Lyric na gusto niya maging idol kahit noong bata pa kayo?”   "Ako idol? Joker ka girl?" I chuckled in disbelief. “Never niya nabanggit sis. Kaya nga nagulat ako sa desisyon niya dati e. Lalo na at mailap din sa tao si mama kaya never sumagi sa isip ko.” sambit ko at mabilis na clinick ang i********: app at nang pipindutin ko na ang post button—   “Wait sis! Seriously? ipo-post mo yang picture ng raw? Milyon milyon ang followers ni fafi lyric sis, you can’t post it like that.” medyo napalakas ang boses ni Krista at napansin naming gumalaw si ate Faye sa pwesto niya, buti na lang at pinikit muli nito ang kanyang mata.   “Ikaw ng bahala dyan sis. Wala talaga akong alam dyan sa keme-keme na yan e. Profile pic ko nga sa f*******: at i********: anime character lang e.” at inabot ko ang cellphone kay Krista. Nakita kong inedit niya ang brightness, contrast at kung ano-ano pa ng picture. Mukha namang nag-eenjoy ang babaita.   “Perfect ugh! Anong caption sis?” nakangiti si Krista.   “Huh? Kailangan pa ba ‘nun? Post mo na yan kahit walang caption.” tamad na saad ko at tumingin sa labas ng binatana, kitang-kita ko ang mga puno na nalalampasan namin dahil medyo mabilis ang takbo ng van. Somehow I manage to pretend like kuya Lyric at naraos ‘tong music video shoot. Pero hanggang kailan ako tatagal?   “ Ugh whatever! Ako ng bahala mag-caption.” ani ni Krista at tila ba kumikislap ang mata nito.  “Done na si--- OH FREAKING HELL!”   Nabaling ang atensyon ka sa sigaw ni Krista at napatingin sa cellphone. “Lay with me…” basa ko sa nakalagay na caption with kiss mark emoji. “Gaga ka sis!” nanlaki ang mata ko at kinuha sa kanya ang phone. “Uy palitan natin yung caption! Parang medyo malaswa pakinggan!”   Humalakhak lang si Krista sa gilid ko. “Girl five million likes na tapos papalitan mo pa ng caption. Mahahalata ng fans yan! Saka mas gusto nga ng mga fans 'yung mga ganyang comments. Hayaan mo sila mabaliw!” dumungaw muli si Krista sa screen.”Grabe kakaiba talaga kapag sikat. "   “True sis.” tugon ko at nagsimula ng magbasa ng comment.   c12ssd3e3: OMG LYRIC YES! LET”S GO IN BED   0ifm9r8u: Ughhh DaddDYYYY   LyrxBlke: SO HOT GRABEEE!   diididP3r4: YeSSss Elves of my dreams   AngelsCluB14: Fafi Lyric you can’t betray us angels by having a girlfriend. Please. I will die if that happened!   Yumkher45: Yes Lyric! fvck Audrey Deine. We’re gonna hunt her.   bUnnYVnnle: Deymm that long nails. I can imagine how deep it can reaach hihi!   AngelsFanClubFrEvR: You are so perfect our pretty boy Lyric. No  girl deserve such a perfection! Please be with the Angels forever! Nagtatawanan pa kami ni Krista sa mga naunang comment pero nagsimula ng kumonot ang noo ko sa mga huli naming nabasa. “What the hell?” nakataas ang kilay ko na nakatingin ngayon kay Krista. "Sino ba sila? Feeling nila pag-aari nila si kuya?" “I agree with you sis. Ang possessive ng mga fans ni fafi Lyric at ng ibang member ng B.L.U.E” at bumuntong hininga ito.   “So kapag may magustuhan si kuya Lyric balak nilang kuyugin ‘ganun?” I rolled my eyes. I turned off my phone dahil sa paulit- ulit na pag-vivibrate nito at naisipang matulog na lang.   “I can’t believe it! Oh my! Ms. Parker!” lahat kami ay nagulat sa pagsigaw ni Ms. Nami sa harap. “ I just got an email and they offered you to be part of  TheBrandee commercial!” sambit nito at may pinakitang message sa ipad niya.   “TheBrandee? as in that luxury drink?!” napatingin ako sa pinanggalingan ng boses sa likod. Si ate Faye pala na ngayon ay buhay na buhay na ang itsura.   “Oh my ghod.” mahinang tugon ni Krista habang napahawak sa bibig niya.   “Grabe bigatin ka na Artemis!” tugon ni kuya Dustin at nginitian ako. “I mean Lyric pala.”   Kunot ang noo ko habang tinitingan sila. “A-ano po ba yung TheBrandee?” nahihiyang sambit ko. Nakita kong nalaglag ang panga ni Krista na nakatingin sa akin ngayon.   “O M G sis! I can't believe you.”tila ba hindi makapaniwala ang ekpresyon ng mukha nito at nakita ko kung paano siyang malalim na bumuntong hininga. “Ang TheBrandee ay sikat na alak worldwide sis na gawa sa sarili nating bansa. Ibig sabihin lalabas ka sa commercial nila WORLDWIDE. Hindi lang dito sa bansa. Worldwide!”   “Yes! At baka ma-meet mo pa ang brand ambassador nila na si Eion Vazques! s**t talaga sobrang pogi nun as in! Yung natural green niyang mata ugh! The best! Eion my loves!” paghaharumentado ni ate Mika.   “Girl kalmahan mo lang. Parang ‘di ka ata mabubuhay kapag walang pogi sa paligid.” panunukso ni kuya Dustin.   “Oo talaga ‘no! I live for the hotties!” at humalakhak ito.   “Actually Ms. Parker labas ‘to sa activities ng B.L.U.E… Kaya you can decide wether to accept it or not.” kita ko ang sensridad sa mata ni Ms. Nami.   “WHAT?! This is a super duper big opportunity?!” rinig ko ang tinig ni ate Mika.   “Gosh worldwide commercial ito. How much kaya talent fee sa 'ganun? ” ani ni ate Faye.   “Hey guys don’t pressure Artemis. Let her think.” rinig ko ang boses ni kuya Dustin. Aww thank you kuya.   “Sis no matter what your decision is. I support you.” mahinahong wika ni Krista sa tabi ko.   Wait lang isa-isa lang! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kakatapos ko lang magtiis para sa music video tapos may bago na naman…. Napapagod rin ako. Tiningnan ko ang mga mukha nila na tila ba nagaantay ng sagot.   “We can decline this offer Ms. Parker if you ‘re not comfortable.” ani ni Ms. Nami habang nakatingin sa ipad niya.   Tila ba nag-flashback sa utak ko ang sinabi ni kuya Lyric noong father’s day.  "I'm sorry Artemis... It's really my fault. You can stop pretending maging ako kung nahihirapan ka na. Okay lang magbayad ako ng malaking halaga saka masira career ko. Mas importante yung kalagayan mo little sis..." ramdam ko ang sensiridad sa boses ni kuya.    Do I really have a right to choose what I want? Do I have that luxury to choose? I’m just a writer. I’m ugly compared to other girls. I don’t have a parents to support me and my brother is sick. I’m just worthless and I'm tired of pretending....   “What’s your decision Ms. Parker?” diretsong tingin nito sa mga mata ko.   “I ….” TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD