Artemis’ P.O.V
“There you are! My cutie Lyric!” napatingin ako sa papalapit na si Mr. Chris. Pabalik na sana ako sa tent para makapagpalit na costume e. Malas talaga hays!
“Hello po.” ani ko sa mababang boses at nginitian ito.
“Kumusta ka na cutie Lyric? May problema ka ba one of these days?” naka-pout na saad nito.
“Wa-wala naman po akong problem hehe… Bakit po?” saad ko habang nakatingin sa kanya.
“Kasi napansin kong ilang weeks ka ng hindi nag-po-post sa social media. Kahit my day, or IG stories man lang. Nagtataka na rin kasi yung mga fans mo. May problem ka ba cutie hmm?” aniya sabay sumipsip sa starbucks frappe nito. Ugh want ko rin ng frappe!
“G-ganun po ba. Don’t worry po mag po-post na po ulit ako sa social media. N-nag detoxify po kasi muna ako sa social media para hindi po ma-istress.” at pinilit kong ngumiti ngunit nanginginig ang pisngi ko. Shemay talaga!
“Oh I see!” nginitian ako nito at marahang tinapik sa balikat. “Akala ko naman may problema ka e. Basta ah tandaan mo ako ang manager niyo ng B.L.U.E kaya huwag kang mahiya lumapit sa’kin. No secrets sa atin ha?” pangbabaeng wika nito.
Ramdam ko ang pagtulo ng malamig ko na pawis sa aking noo. “Y-yes po. No secrets.” at nginitian siya.
“ Ayan sakto hindi ka pa nakakapagpalit ng costume! Mag-photoshoot ka muna dito sa mga bulaklak para sa next post mo tapos hingkayatin mo na rin manood ang mga fans mo sa music video niyo na ilalabas.” humigop muli ito. Nakita ko si Krista na nasa likuran ni Mr. Chris na papalapit sa amin.
Binigyan ko siya ng ‘Help me here please!’ look at mukhang naintindihan niya ito at nagsimulang maglakad patungo sa amin.
“Favorite mo mag-photoshoot right cutie?” sambit ni Mr. Chris.
SI KUYA LYRIC OO PERO AKO HINDI! I HATE CAMERA’S! “Yes po Mr. Chris.” at nginitian ito.
“Sir Lyric kanina pa po namin kayo hinahanap. Pwede na daw po kayo magpalit ng damit sabi ng designer niyo po.” magalang na saad ni Krista at nag-bow ito sa amin.
“Ay no no. Mag p-photo-shoot pa si cutie Lyric. Right?” aniya sa’kin nito at tumingin sa akin.
“Yes po.... Miss can you take a photo of me there?” malalim ang tinig ko habang nakatingin kay Krista at tinuro ko ang malayong lugar kung saan magaganda ang bulaklak at kita ang sunset.
“Yes po sir. Let’s go na po.” ani ni Krista.
“Do you want me to help cutie Lyric.” tugon ni Mr. Chris ngunit bigla siyang tinawag ng isang babaeng staff.
“Aww mukhang busy po kayo Mr. Chris. Maybe next time po?” at mala-anghel ko itong nginitian. Please leave us alone already!
“Okay cutie Lyric! Mwah!” at nag-flying kiss pa ito bago ako tinalikuran.
“Jusko sis… Na i-istress na aketch.” pabulong na untas ko habang naglalakad papunta sa may mga bulaklak.
“Kita ko nga sa mukha mo sis.” at humalakhak si Krista. “ Dito na po tayo sa spot na ito Sir Lyric. Maganda po yung tama ng araw dito.” biglang naging pormal ang boses ni Krista nang may dumaan sa aming staff. “Pose na po kayo sir.”
Pinanlakihan ko siya ng mata at binigyan ng ‘I don’t know how to pose!’ look.
Lumingon-lingon muna si Krista at tiningnan kung may tao pa ba sa paligid. “Dito sis upo ka dyan katabi ng mga bulaklak.” at inalalayan niya ako paupo. “Side view ka sa akin sis, sakto may araw pa.”
Nakita kong lumuhod si Krista. “Fierce ka lang ha sis. One , two, three… Ay pak talaga ang pa-contour ni Faye ang ganda tuloy tingnan ng jawline. Hawig na hawig kay fafi Lyric!” tila ba kumikinang ang mata nito habang tinitingnan ang screen ng camera.
“Okay tapos na yehey!” sambit ko at mabilis na tumayo.
“Sis kulang pa ‘yun. Sayang naman yung outfit mo di ba?” then she rolled her eyes. Attitude talaga ‘to si Krista pero I love her.
“Anong pose naman yung next?” bagsak ang balikat ko at tamad siyang tiningnan.
“Higa ka naman sis. Naalala mo yung scene sa Twilight na nakahiga sila Edward at Bella. Ganung peg naman girl. Sakto pala na katulad ng mga flowers dito yung nasa movie!” excited na saad nito.
Ang hirap talaga kapag may kaibigan kang mahilig mag-picture. Ma no no choice ka kundi sundin sila sa mga gusto nila hays.
“Sis hindi ganyan! Mukha ka namang bangkay niya kung literal na nakahiga ka lang.” at humalakhak ito bago ako lapitan. “Ganito…” Nakahiga ako sa damuhan at nilagay ni Krista ang kamay ko sa bandang mata ko at inayos ito. “Ganyan maganda ‘yan. Smile ka dali! Yes ganyan! Perfect gosh!”
“Okay na?” sambit ko at umupo mula sa pagkakahiga.
“Yes sis! Ang gaganda shems! Pwede na ata akong professional photographer!”
Napatingin ako sa likuran ni Krista at doon ko napansin ang seryosong mukha ni Eros na ngayon ay papalapit na sa amin.
Naglahad ng kamay sa akin si Krista at tinanggap ko iyon at tumayo. Pinagpagan ko ang likod ko at at napansing maraming grass ang natanggal.
“Talikod ka sis ako na..” ani ni Krista at pinagpagan ang likod ko.
“LYRIC!” parehas kaming nagulat ni Krista sa lakas ng sigaw ni Eros. Natigil si Krista sa ginagawa niyang pagpapagpag sa likuran ko.
“H-hey Eros!” mababa ang tinig ko at awkward na nginitian ito. “Bakit?”
“Ah wala lang…” ani nito at napansin kong tinitigan niya si Krista. “I just want to return your brown coat na naiwan mo.” at may inabot siyang black na paper bag sa akin.
“Oh thank you Eros.” at kinuha ko ang paper bag. Napansin kong nakatingin din si Krista sa kanya. What the fudge. Ano ba ako dito? Extra? Third wheel?
“Okay guys una na muna ako pabalik sa tent kung gusto niyo mag-usap.” at mabilis ako umalis sa harap nila.
Matalim ang titig ni Eros kay Krista. Marahang hinawakan ni Eros ang kamay ng dalaga.
“Hey stop it. Baka may makakita.” bulong ni Krista.
“And so?” matigas ang tono ng binata. “Do you also do it with Lyric?”
“Ha?” kunot ang noo ni Krista habang nakatingin sa mga mata ni Eros. Nakahawak pa rin si Eros sa maliit at malabot na kamay ni Krista. Napatingin ang dalawa nang makarinig sila ng mga tilian.
‘Fvck Artemis is in trouble’ sa isip ni Krista. “I’m sorry Eros. Nasa trabaho pa ‘ko. Let’s talk later.” ani ni Krista at tinanggal ang pagkahawak ni Eros sa kamay niya.
“But I don’t have your fvcking number.” iritableng saad ng binata ng makita kung ano ang tinitingnan ni Krista sa malayo.
‘Ako ng bahala ‘dun. I’ll text you later.” at kinindatan ni Krista si Eros bago lumapit sa pinagkukumpulan na si Artemis.
“Fvck.” untas ni Eros.
“Omaygosh sir Lyric! Pwede po bang pa-picture!”
“Hala naka long nails at may tenga ng elves! so HOT!”
“Fafi ang gwapo mo!”
Nagulat ako nang bigla akong kuyugin ng mga babae habang hawak-hawak nila ang mga cellphone nila. Ramdam ko ang pamamasa ng kamay ko.
“Hala ang bango mo naman fafi Lyric!” sambit ng babae na nakadikit sa akin ngayon na tila ba sinisinghot ako.
“Fafi diba hindi totoo ang dating rumors niyo ni Audrey Deine diba? diba?” ani ng babae na may hawak na maliit na pamaypay na may mukha ko –este ni kuya Lyric.
“Audrey Deine who’s that?” kunot ang noo ko.
Narinig ko silang nagtilian. “ The best ka talaga fafi Lyric! We trusted you na hindi mo ipagpapalit ng mga angels mo for some piece of tra--... I mean girlfriend!”
“Nako talaga kukuyugin talaga ng mga angels fan club mo si Audrey Deine once na ma-confirm na girlfriend mo siya kahit na actress pa siya! Diba girls?” nakataas ang kilang ng isang babae.
"Tama tama." sabay-sabay na tugon ng mga babaeng fans.
What the fudge anong klaseng fans ‘to? Anong pake nila kung may gustong i-girlfriend si kuya Lyric! Sino sila para mangaway ng kung sino man na ma-issue ka kuya?!
“Sir Lyric this way po.” nagulat ako ng biglang sumulpot si Krista at hinarang niya ang mga fans na todo dikit sa akin.
“My gosh sis! Thank you sa tulong kanina jusko! Pero bakit mo naman iniwan si Eros ‘dun!” at marahan ko siyang hinampas.
“Ano ka ba keri lang ‘yun alangan namang pabayaan kitang dumugin ‘dun!” at nagsitawanan kaming dalawa.
Kakatapos ko lang magpalit ng damit at pasakay na kaming lahat sa van.
“Grabe nakakatuwa naman, tapos na ang pag-shoot ng music video! “ masayang sambit ni kuya Dustin habang dala-dala ang bag ng make-up ni ate Faye at ng hairstyling tools niya.
“Anong nakaktuwa ‘dun girl! Nakakalungkot nga kasi hindi ko na ulit makikita yung mga gwapong nilalang!” naghaharumentadong saad ni ate Mika at nagsitawanan kaming lahat.
Una akong pumasok sa gitna ng van dahil mahilig ako sa window view.
“Frenny! Tabi tayo sa upuan! Medyo inaantok kasi ako ngayon e!” maarteng sambit ni Krista kay kuya Dustin at humikab pa ito. “ Pasandal ako sa malaki mong…..balikat.” Hinawakan ko ang bibig ko dahil baka bigla akong matawa. Napansin kong kinindatan ako ni Krista.
Binigyan ako ni kuya Dustin ng ‘What should I do look?!’
at pinandilatan ko naman ito at binigyan ng ‘FIGHTING KUYA!’ look.
“G-ganun ba frenny?” sagot ni kuya Dustin sa normal niyang panlalake na boses. Shemay ang gwapo ng boses ni kuya Dustin! Fudgebar kaboses niya yung crush ko na main lead character sa anime! “Sige o-okay lang gawin mo na lang akong unan.” at tumikhim ito.
“O..may...gash Dustin! Bagay talaga kayo ni Krista! Ship ko talaga kayo!” pagtitili ni ate Mika at umupo sa bandang likuran. "I support you!"
“Grabe Dustin! Nagbibinata ka na ata! Basta ninang ako ha?” sambit ni Ms. Nami at humalahak bago ito umupo sa pinakaharapan.
"Mga loka kayo!" ani ni kuya Dustin sa pangbabaaeng tinign. Tumabi sa akin si Krista sa pag-upo at nasa gilid niya si kuya Dustin.
Napatingin kami kay ate Faye na nakatayo lang sa bandang upuan. “Ahm saan ako uupo.” mahinang saad nito.
“Faye dito tayo sa likuran! Tabi tayo!” rinig ko ang sigaw ni ate Mika.
“Ahm..” saad ni ate Faye at marahang hinawakan ang tuhod ni kuya Dustin. “D-dyan na lang ako sa upuan mo Dust… N-nakakahilo kasi sa likod e.” at hinawakan nito ang ulo niya.
“Ay ganun ba! Sige don’t worry.” sambit ni kuya Dustin at mabilis na lumipat ng upuan sa bandang likod. Umupo naman si ate Faye sa tabi ni Krista.
“Aww ikaw na lang muna sasandalan ko sa pagtulog sis.” malungkot ang tono ng boses ni Krista at tumingin sa akin, at nakita kong nakangiti ito ng makahulugan.
It’s working! It's working!
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.