Artemis' P.O.V Naalimpungatan ako dahil sa maliwanag na sikat ng araw na nakatutok sa mukha ko. Pagdilat ng mata ko ay ramdam ko ang pag-ikot ng paligid. "I swear, I will never drink alcohol again," I mumbled while going to the CR. Naghilamos ako at nakita ko ang itsura ko. Mukha akong extra sa Kingdom shems. Nagkalat yung eyeshadow ko sa mukha. Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na ako sa sala. "Ms. Parker how do you feel?" sambit ni Ms. Nami habang naka-apron Napansin kong nasa hapag na ang mga pagkain. "Medyo masakit pa rin po yung ulo ko. Pano po pala tayo nakauwi?" saad ko pagkaupo sa dining chair. "Grabe ang daming nangyari kahapon kasi bigla kang nawala. Nag-panic talaga kami ni Krista." medyo natatawang ani nito. "Hala sorry po sa abala! By the way asan po pala si Krista?" an

