Krista’s P.O.V
Nakapila ako ngayon sa Contis para bumili ng favorite cake ni Papa. Sobrang haba ng pila halos naka paikot na sa loob ng mall. May napansin akong lalaki na biglang sumulpot sa unahan ko.
“Kuya bawal singit dito,” saad ko habang nakataas ang kilay.
“A-anong singit? Kanina pa ko dito no,” pagdadahilan nito.
“Excuse me po. Mahiya naman po kayo, tatlong oras na kaming nakapaila dito tapos ikaw sisingit lang?” napansin kong nakatingin na ang ibang costumer na nakapila din. “Sa dulo po kayo pumila. Pantay- pantay po tayong lahat dito.”
“Yabang nito,” bulong ng lalaki. Napansin kong sinamaan ako ng tingin nito bago maglakad papunta sa pinaka dulo ng pila.Wow siya na nga mali, siya pang 'tong galit.
“Buti na lang sinaway mo yung lalaki miss. Nahihiya talaga ako pagsabihan 'yun e.” sambit ng babae na nasa likod ko.
“No worries,” at nginitian ko ito.
Makalipas ang apat na oras nang pag-iintay habang nakatayo ay nakabili na din ako ng favorite cake ni Dad. Sana magustuhan niya 'to. Dumaan ako sa isang jewelry shop at agaw pansin ang a silver na bracelet na mukhang bagay kay Dad.
"Miss patingin nga ako nito?" ani ko habang nakaturo sa bracelet sa window display.
"For boyfriend po ba or for father's day po?" sambit ng nag-aassist sa akin.
"Ay wala po 'kong boyfriend. Sa daddy ko po." I smiled brightly. Marami siyang design na pinakita pero ayaw naman ni Dad ng agaw pansin na bracelet.
“Ma’am Twenty thousand po,” sambit ng kahera. Inabot ko sa kanya ang card ko.
"Thank you po." at kinuha ko na ang mini paper bag. "Para para!" saad ko habang nakataas ang kanang kamay. Swerte nakasakay agad ako ngayon. "Kuya ito po yung address. Kaya po ba ng one hour yung biyahe?"
Sinearch sa GPS ng driver ang ang address at may tiningnan sa cellphone niya. "Naku pasensya na po ma'am. Sobrang traffic po ngayong Father's day, mukhang pinaka maaga na arrival po natin ay mga three hours po."
Nanalaki ang mata ko. "Three hours?"
"Kung gusto niyo po ma'am hanap na lang po kayo ng ibang taxi." Grabe naman to si kuya ang matampuhin. Napansin kong may mga tao na nakaabang sa labas ng taxi. Kaya pala matapang may costumer na na naka-abang.
"Hindi gora na tayo ngayon kuya. Keri lang."
In a scale sa one to ten. Kung ang mayaman ay nasa ten. Masasabi kong nasa seven lang ang kalagayan ng pamilya namin. Nasa labas na ako ng gate ng bahay namin ng mapansin ko ang maraming sasakyan na nakaparada. Mukhang may bwisita.
“Magandang hapon po ma’am Krista.” bati ni manang Nelya. Napatingin ako sa orasan ko at napansin 6:05 na ng gabi. Shemay talaga ang traffic sa Manila lalo na Father’s day ngayon.
Pagpasok ko sa loob ay napansin kong kumakain na silang lahat. Nakita ko din na nakatusok na ang kandila sa isang engrandeng vanilla cake na dalawang palapag.
“Oh my Krista ang laki mo na,” sambit ni tita Ana habang nakaupo sa Malaki naming dining table. "Mukhang tumaba ka ata?" she chuckled.
“Tara saluhan mo na rin kami dito kumain.” ani naman ni tita Tina.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ng bunso kong kapatid na si Maria. Hindi man lang ako binati nito at nginitian nung dumating ako. Feeling ko tuloy invisible ako.
“Dad happy birthday,” sambit ko at iniabot ang box ng favorite niyang contis cake. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
“Thank you,” tipid akong nginitian nito. Nangangalay na ang kamay sa pagkaabot sa kanya ng box ng cake ngunit di niya pa rin ito kinukuha. “Manang Nelya, pakidala na lang tong cake na dala ni Krista sa kusina. Kainin niyo ng mga maid at driver,” malamig na saad nito.
Tila pa natulala ako sa sinabi niya. Nakita ko ang pagaalangan na titig ni Manang Nelya sa akin. “P-pero po sir.” ani ni Manang Nelya ngunit sinamaan siya ng tingin ni tita Tina kaya naman kinuha na niya ang cake at nawala sa paningin namin. Wala ako sa sariling napaupo.
“Oh my di mo na kailangan magabala pa sa regalo Krista,” saad ni mommy habang pinupunasan ang bibig niya ng towel.
“I heard medyo mahal din daw ang contis cake ha? Baka wala ka ng pera niyan hija?” sambit ni tita Ana. Napansin kong medyo napatawa si Maria sa gilid ko.
“Meron naman po,” I fake smile at them. Nang titikim pa lang ako ng soup ay may nagsalita na naman.
“Ganun ba? I heard maliit lang ang sahod editor e? Kung kailangan mo ng help sa pera nandito lang ang tita mo ha” ani nito sa mapanghusgang tono. Kita ko ang mga titig sa akin ni mommy at daddy ngayon. Kalma Krista… Birthday ni daddy ngayon….Ramdam ko na ang pag-init ng ulo ko. Huminga ako ng malalim.
“Nalulungkot nga ko sa bahay ngayon e kasi laging busy sa hospital yung pinsan mo. Alam mo naman doctor siya sa St. Lukes,” umakma pa ito na naluluha kuno.
“Parehas tayo ate Ana. Si Jim din halos ‘di na umuuwi ng bahay dahil laging nasa field. Kapag architect talaga sobrang busy din e. Pero sobrang laki naman ng kita sa mga projects,” sabat ni tita Tina. Hindi ko na nahigop ang soup. Nawawalan na ko ng gana sa mga naririnig ko.
“I understand you mga ate,” sambit ni mommy habang nakangiti. “Si Maria din sobrang busy ngayon e kasi graduating na siya as civil engineer. Kaunti na lang may engineer na rin kami.” Mala anghel naming ngumit si Maria na nasa gilid ko.
“M-mom. Nakakhiya naman,” ani nito sa manipis na boses. Nagulat naman ako nang biglang nag-smirk si Maria sa akin bago ito uminom.
“Hala pwede kayo mag-team up ng pinsan mo na architect, sa mga future projects niyo. Nakaka-proud naman talaga.” sambit ni tita Tina. Susubo na sana ako ng hinimay ko ng manok nang.. “ Buti pa si Krista maraming free time. Magkano nga ulit sweldo mo as editor hija?” sa likod ng matatmis nilang ngiti ay mga mukhang mapanghusga.
Hindi ko na kaya magtimpi. Sumosobra na sila. “Yes po tita Tina marami akong free time.” I smiled brightly. “Kayo rin po diba marming free time? Since iniwan kayo ni Tito Rekardo sa mas bata sa inyo,” matapang kong saad habang nakataas ang kilay.
"A-ano," untas ni tita Tina at mutik niya nang mabitawana ang hawak niyang baso.
“Krista!” dumagundong ang sigaw ni Daddy. Nakita ko si mommy na napatakip sa bibig niya.
“Ikaw din tita Ana you must be proud kay kuya Tristan, na hindi pa rin nagpapa-rehab kahit nag sha-shabu.” binitawan ko na ang paghawak sa kutsara at tinidor dahil baka mabato ko to ng wala sa oras.
“Krista tumigil ka na!” sigaw ni Daddy.
“Bakit ako titigil? Ngayon pa nga lang ako nagsalita. Kapag ako pwedeng maliitin tapos kapag sil-“ bigla akong nakarampdam ng malakas na sampal. Tila ba pansamantalang nabingi ang tenga ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng kaliwang pisngi ko. Nagsismula nang magluha ang mata ko ngunit pinigilan ko ito. I can't cry here. Hindi sa harap nila.
“ Bakit mo ba kami laging pinapahiya Krista?” ani ni mommy na parang naiiyak. Cinomfort naman siya ni tita Tina na ngayon ay magkasalubong ang kilay na nakatinign sa’kin.
“Bakit hindi ka gumaya kay Maria. Hindi ko alam kung anong nangyari sa’yo hija simula nang mag-shift ka sa pagiging editor na yan. Lisensyadong doktor ka na sana ngayon tulad ng mama at papa mo,” sabat ni tita Ana.
"Ang liit naman ng pangarap mo hija," ani ni tita Tina.
"Wala kayong karapatan kwestyunin ang gusto ko! Sino ba kayo?!" gusto kong isigaw sa mga mukha nila pero narealized kong magpapagod lang ako ng pagod. Kahit anong paliwanag pa ang gawin ko kung sarado na ang utak nila, balewala lang lahat.
“Happy birthday dad. Sana mabuhay ka pa ng matagal,” sambit ko habang nangingnig ang boses na nakatingin ng diretso sa kanya. Binato ko sa table ang maliit na paper bag ng bracelet na regalo ko. “Fvck you all.” I mumbled bago ko sila tinalikuran.
Habang naglalakad ako papalayo sa kanila ay naramdaman ko ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit ng dibdib ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. I want to scream but I can’t. “Fvck all relationship. Wala akong balak magka pamilya kung ganito lang din naman.”
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.