Artemis’ P.O.V
Nagising ako dahil sa malakas na tawanan. Pagmulat ng mata ko ay napansin kong galing sa TV ang tunog. Akala ko naman may tao na akong kasama.
“Hala gabi na pala,” nang mapansin kong madilim na ang langit at nakabukas na ang mga ilaw ng mga gusali sa labas.
“Happy Father’s day daddy!” sambit ng bata na may hawak na cake sa TV.
“Thank you anak! You surprised me,” masayang ani ng tatay at niyakap ang bata. Agad kong pinatay ang TV. Ngayon ko lang na-realized na ‘di pa pala ako naka tanghalian at gabihan pero hindi ako makaramdam ng gutom. Natulog lang ako whole day.
Lumabas ako ng condo ni kuya ng naka blue pair pajama at walang ligo o kahit na anong ayos. Sa sobrang higpit ng security, I don’t think merong fans na makakapasok dito. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang pinaka top na floor.
Pagkabukas ng elevator ay nakita ko na ang papunta sa roof top. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Sobrang dilim ng langit at merong kaunting mga bituin. Nagtataasan ang mga building at ang liwanag ng mga ito. Lumapit ako sa pinaka edge para mas makita ang view habang nakahawak sa railings.
“Mama kumusta ka na dyan?” saad ko habang nakatingin sa madilim na langit. Hoping na makita ko ulit siya o marinig man lang ang kahit na boses niya. “I wish I could turn back time….” I mumbled.
Napatingin ako sa baba ng building at napansin na wala masyadong tao. I guess kahit yung mga fans ni kuya Lyric nag ce-celebrate ngayon.
“Lilian!” nagulat ako sa malakas na sigaw ni Caleb. Medyo madilim kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya. “What are you doing here?!” ramdam ko ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit, pero I feel happy.
“I-i’m just—” I said.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. I can smell his perfume. Hindi na ko nilalamig dahil as init ng katawan niya. Rinig ko ang bilis ng t***k ng puso niya. Ramdam ko ang pag-init ng aking mata at bigla na lang tumulo ang aking mga luha nang walang pasabi.
“I’m here baby…” nagsusumamo ang boses nito. “You’re not alone Lilian.”
Humigpit ang yakap ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang paghagulgol. “Caleb sorry, nabasa ko na yung dibdib mo.” mahinang tugon ko nang umupo kami sa isang sulok sa rooftop kung saan kita namin ang magandang city lights.
“Don’t worry.” nginitian ako nito at ginulo ang buhok ko. Tahimik lang kami habang ine-enjoy ang view habang hinhilot ni Caleb yung kanang kamay ko at nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.
“Lilian ano ba tayo?” he asked.
Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. Agad akong napabangon at napatingin sa seryoso niyang mata. “W-we are childhood f-friends right?” hindi ko siguradong saad sa kanya. Nakita kong lumungkot ang mata niya. “F-fiancee din kita pero sabi-sabi lang nila mama yun nung bata tayo…” namumula ang mukha ko.
“Kung totohanin na lang natin ‘yun?” bulong nito sa tenga ko.
“I-I can’t…” sambit ko na ikinagulat niya. Kahit ako nagulat sa tugon ko. Napatakip ako sa bibig ko. I know that I don't deserve you Caleb. You're too good to me.
“I’m sorry Lilian..” malungkot na ani nito.
“Caleb I-I mean… iniisip ko pa kasi yung pagpapanggap ko bilang si kuya Lyric…” ani ko habang nakatingin sa aking paa.
“Okay Lilian, “ marahan niyang pinat ang ulo ko. “ I will wait kapag ready ka na. Just always remember that you are not alone. I will always support you,” ani nito at marahan akong hinalikan sa noo.
"Thank y--" hindi pa ako tapos magsalita ay nagulat kami sa ring ng cell phone ko. Tiningnan ko ito at mabilis sinagot ang tawag.
"Hello sis!" masayang sambit ko.
"Artemis.." first time kong marinig ang malungkot na boses ni Krista.
"Anong problema sis?" hindi ko mapigilang mag-alala.
"P-pwede ba kong maki -overnight ulit?" nahihiyang saad nito.
"Oo naman Krista. Para naman 'tong others." paghalakhak ko para gumaan ang pakiramdam niya. "So what time ka pupunta?"
"A-actually, nandito na 'ko sa labas ng pinto ng condo mo," walang buhay ang boses nito.
"Ay ganun ba. Sige pabalik na rin kami dyan sis. Babush!" masiglang saad ko at bumuntong hiningha. What happened to her?
"Anong problema?" malumay na saad ni Caleb.
"Ah wala naman. Nasa baba na daw si Krista makiki- overnight lang." Tahimik lang kami ni Caleb na naglakad papuntang elevator.
"Bakit ka nagpapanggap na masaya kanina?" tanong nito at pinindot na ang floor namin sa elevator.
"H-ha?" napatingin ako sa madilim niyang mukha.
"Hindi ka rin okay ngayon diba Lilian?"
"I-im o-okay," saad ko habang nakatingin sa kanya.
"Lilian it's okay to admit that you're not okay..." malumanay na saad ni Caleb. "You don't need to pretend to be strong all the time." at marahan niyang hinawakan ang kamay ko.
"I can't do that." I mumbled. "Kanino sila sasandal kapag nahihirapan sila kung ipapakita ko na mahina din ako?" sambit ko habang nakatingin sa blue niyang mga mata
"Paano naman yung sarili mo? Kapag nanghihina ka kanino ka sasandal?" Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"I am o-oka--" saad ko.
" I will tell Lyric abo-"
Agad ko siyang pinutol sa pagsasalita. " You can't tell kuya Lyric about this Caleb. Please," seryosong wika ko sa kanya at hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay. " Kilala ko si kuya Lyric, kaya niyang sayangin yung career na pinaghirapan niya once na malaman niya to." I pleaded. "Please Caleb."
"Okay baby I wont tell him." tila ba nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. " Pero gusto kong maging totoo ka kapag kasama mo ko. If you want to cry then cry. If you are happy then laugh. I don't want you to pretend when you're with me," malambing na saad nito at marahan akong niyakap.
"I promise Caleb. Thank you."
Dumating na kami sa floor namin at nagpaalam na si Caleb at pumasok sa unit niya. Pagdating ko sa sa harap ng condo ni kuya Lyric ay nakit ko si Krista na nakaupo sa lapag habang may dalang maleta.
"Sis what happened?" bungad ko sa kanya. Agad siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Pumasok na kami sa loob at tumambay sa sala. Kumuha ako ng cake sa ref at ice tea pang snack at nilagay sa center table.
"Thank you Artemis. " malungkot na ngiti nito bago uminom ng ice tea.
"Now sis tell me the tea. Anong ganap?" ani ko habang katabi siya. Kwinento niya sa akin ang nangyari sa birthday celebration ni tito kanina.
"What the hell bakit ganun yung mga tita mo. Ano bang pakialam nila sa gusto mong gawin sa buhay," pagrereklamo ko.
"Diba sis!" mataray na saad ni Krista habang namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kanina habang nagkekwento. "Kesyo editor lang daw ako. Dapat daw nag docktor ako. Tapos mababa daw sweldo ko chuchu!"
Mabilis akong pumunta sa kusina at kumuha ng ice pack. " Ito sis oh. Lagay mo muna sa pisngi mo," sambit ko habang nakatingin sa namumula niyang pisngi. Hindi ko in-expect na pagbubuhatan siya ng kamay ng tatay niya.
"Thank you sis!" pagngiti nito. At least mas umaliwalas na ang mukha niya kumpara kanina.
"Pero sis, hindi mo pa rin ba sinasabi sa family mo?" tiningnan ko siya ng diretso.
"Ang ano?" halata ang pagtataka sa mukha niya. Best actress talaga 'tong babaitang to.
"Na ikaw yung may ari ng publishing company na pinagwoworkan natin?" saad ko.
"As if sis! Wala kong balak sabihin sa kanila 'yun. Gusto kong makita kung isu-support ba nila ko kung alam nila na editor lang yung trabaho ko. Pero wala e. Nilait-lait lang ako sis! Sinabihan pa ko na manghingi daw ako sa kanila ng pera kapag gipit na ko," gigil na saad nito habang nilalamutak ang favorite naming chocolate cake.
"Sabagay sis may point ka," ani ko habang nilamutak din ang cake. "Bakit pati sa publishing company ayaw mo din ipaalam?"
"Naku sis story time! Nagstart 'yun 'nung bagong tayo pa lang yung publishing company tapos may ghinost ako na guy, 'pano ba naman hindi marunong humalik tapos nagulat ako boss pala yun nung kakompitensya natin na publishing house!" she laughed.
"What the hell?!" humalakhak ako ng malakas at muntik ko pang matapon ang cake.
" After 'nun hinire ko na si Josh as fake C.E.O para humarap sa mga bigating tao tapos mga employees ng company." pagtawa nito at uminon ng ice tea. "Huwag ka ngang panggap dyan ikaw din naman ayaw mo ipaalam e," at tinaasan na ako ng kilay nito.
"Ano na naman yun?" I laughed.
" You're also one of the owner of Dream Publishing Company. You owned thirty percent of the shares sis. Pero pinili mo pa rin tumira 'dun sa bulok mo na condo," she rolled her eyes on me.
"Grabe ka naman 'dun sa luma kong condo sis!" hindi ko mapigilang tumawa. Kahit pagsama-samahin pa rin ang pera ko kulang pa rin yun na pang bayad sa 300 Million kung sakali mabuko ang sikreto. Sakit sa bulsa talaga!
" Sinong makakaalam na yung business na nakiki rent lang dati sa isang apartment ay meron na ngayong sarili na 20 story building. At tinatangkilik pa ang mga gawa natin worldwide," ani ni Krista na tila ba inaalala yung mga taghirap days namin. Umarte pa itong tila naiiyak.
"I guess we don't want to be treated like a boss in our own company," sambit ko.
"Yes sis. It's our own little secret." then she winked at me.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.