3rd Person's P.O.V
"Krista kakatapos ko lang gawin yung chapter 40. Sinend ko na sa'yo sa sss," sambit ni Artemis habang nakaupo sa study table sa loob ng kwarto niya at nag-unat ng katawan. Tinanggal nito ang suot niya na salamin at hinilot ang sentido.
"Natanggap ko na sis. I-che-check ko muna 'to bago natin i-upload sa website," saad ni Krista na ngayon ay may suot na makapal na salamin, habang nakaupo sa kama ni Artemis at nakasandal sa pader.
"Grabe pigang -piga na talaga yung creative juices ko! Dati nakaka update ako ng five chapters a day e." ani Artemis habang hawak-hawak ang puting bathrobe. "Weak ko na."
" Sis hinay-hinay lang naman. Kung 'di ka naman na-busy magpanggap as fafi Lyric makaka-update ka naman ng ganun. You're still doing good sadyang nahati lang yung priorities mo," saad ng dalaga at inayos ang blonde niyang buhok.
"Sabagay. Feeling ko tuloy para akong secret agent. Kasi may double life ako," at humalakhak si Artemis.
" Lawak talaga ng imagination mo kahit 'kelan. Yes na lang po Queen of Writing," sarkastik na saad ni Krista.
Mabilis na naligo si Artemis dahil parating na ang fairygoshmothers kasama si Ms. Nami ng eight ng umaga.
"Sis tapos na 'ko. You can go next." sambit ni Artemis pagkalabas ng banyo.
"Okie okie. Kakatapos ko lang din i-upload yung isang chapter. Grabe naman 'yun Five hundred thousand views agad in ten minutes, " nanlaki ang mata ni Krista habang nakatingin sa laptop niya.
Napangiti si Artemis dahil sa kanyang narinig. Pagpasok ni Krista sa C.R ay nakatanggap ng text si Artemis.
From: Caleb
Good morning baby. I'm here outside.
Tumakbo papuntang pintuan si Artemis at dali-dali na binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang matipunong lalaki na naka white t-shirt at black na maong pants. Kitang-kita sa simpleng damit niya ang maganda at pang model na katawan nito. Naka ayos ang pulang buhok nito at nakasuot ito ng itim na shades at tinanggal ito ng binata nang makita si Artemis.
"What the hell?!" gulat na saad ni Artemis at napatakip sa bibig niya.
" What happened Lilian?" nag-aalalang saad ni Caleb sa babaeng naka suot ng puti at malaking bathrobe na kulang na lang ay umabot na sa paanan ng dalaga ang tela.
"N-no nothing happened. Nagulat lang ako sa'yo. Akala ko nakakita ako ng artista," saad ni Artemis at kinusot ang mata. "I-I mean yes artista ka pala. Pero iba pa rin pala makakita ng magandang nilalang kapag umaga," prankang saad ng dalaga.
Napatawa si Caleb at marahang pinisil ang pisngi ni Artemis. " Ang cute mo talaga," nanggigigil na saad ng binata. "Magpapaalam lang ako kasi mauuna na kami ni Elli pumunta sa site na pagsh-shoot-an ng music video."
"Okay ingat kayo." nginitian siya ng dalaga. "By the way Caleb I have a favor.." mahinang saad ni Artemis.
"Really?" nagliwanag ang mukha ni Caleb. "What is it? What do you want?" sunod-sunod na tanong nito.
"Does the media know that you are kuya Lyric's best friend?" tanong ng dalaga.
"I think no." ani ni Caleb. Dito sa bansa unang sumikat si Lyric ngunit si Caleb ay sumikat sa U.S.
"Let's keep it like that," sambit ni Artemis habang nakatingin ng diretso sa mata ni Caleb. "Kapag malaman ng media na best friend mo si kuya Lyric baka ma-focus ang atensyon ng media sa'kin este kay kuya Lyric. I-it will be hard for me." malungkot ang mata ni Artemis habang naka-pout ito.
'How can she be so cute and beautiful at the same time?' sa isip ni Caleb. "If that's what you want Lilian. Then I want to say sorry in advance." marahang hinawakan ni Caleb ang kamay ni Artemis. Ngayong hindi nakasuot si Artemis ng costumize shoes ay hanggang dibdib lang siya ni Caleb. Dahil wala ang mga oversize coats ay napaka nipis ng katawan niya kumpara sa binata na may matipunong katawan.
"Why are you saying sorry?" kunot ang noo ng dalaga.
"Because I can't give you special treatment when we're outside." nagsusumamong tugon ni Caleb habang nakatitig sa mata ni Artemis.
"Hindi mo naman ako dapat tratuhin ng ganun. It's just me." bumaba ang tingin ni Artemis sa lapag.
"You deserve it Lilian because it's you..." marahang hinawakan ni Caleb ang mukha ng dalaga para tingnan siya nito. Hindi alam ni Caleb kung anong tumatakbo sa isip ni Lilian. Kung bakit ganun ang tingin ng dalaga sa kanyang sarili.
"Caleb malela-late na tayo!" umalingawngaw ang sigaw ni Elli sa hallway. Napatawa si Lilian at Artemis nang marinig iyon.
"Ingat Caleb. Remember your promise," ani ng dalaga.
"Yes ma'am. See you later. Text me when you arrive," at nginitian siya ni Caleb at muli ng sinuot ang balck na shades at naglakad palayo.
Pagkapasok sa loob ni Artemis ay nagulat siya ng makita niya si Krista na nagmoodel sa harap ng full body mirror habang nakasuot ng two piece na red. May malaking hinaharap ang dalaga ito at malaking likuran.
"Hubadera ka talaga sis!" paghalakhak ni Artemis. Mas maliit ng kaunti si Krista kay Artemis. Meron itong mahabang blonde na buhok at magandang pangagatawan. Mayroon din itong coca-cola body habang si Artemis naman ay matangkad at merong petite na pangagatawan.
"Omaygash! What the hell?!" sumigaw si Krista habang may pilit tinitingnan sa kanyang likod sa salamin ngunit hindi niya matanaw.
"Anong meron sis?" nagtatakang tanong ni Artemis at lumapit.
"Para kasing may natanaw ako na something sa likuran ng leeg ko e. Kaya lang 'di ko makita. Check mo nga sis!" aligagang saad nito.
Tumalikod si Krista kay Artemis sa harap ng salamin. Pagkahawi ni Artemis sa buhok ni Krista ay nanlaki ang mata niya sa nakita niya. "Fudge sis. Ano to?" napaawang ang panga ni Artemis. "Give me your phone sis, pi-picturean ko dali!"
Inabot ni Krista ang phone niya at kinuhanan ng litrato ni Artemis ang likod nito. Nang makita ni Krista ang litrato ay tila ba hindi makapagsalita ito. Nakita ni Krista na may tila ba mga maliliit na pasa sa kanyang leeg lalo na ang likuran nito.
" Hindi naman halata na nag-enjoy kayo sis?" sarkarstik na saad ni Artemis. "Punoin ka ba naman ng hickeys!" ani ni Artemis habang nakahawak sa tyan habang tumatawa.
"Fvck! I told him not to leave any marks!" gigil na saad ni Krista. " Buti na lang mahaba yung buhok ko." tila nakahinga ito ng maluwag si Krista.
Nagbihis na ng all black t-shirt at pants si Krista. Sinuot din nito ang mask, at naka black na cap at tiningnan ang repleksyon sa salamin. "Sis makikilala mo pa ba ako kapag ganito itsura ko?" saad ni Krista.
"Oo naman no. Kahit nga anino mo pa lang alam ko na agad na ikaw yun e."
"Hindi, I mean kapag ibang tao yung makakita sa'kin." sambit ni Krista. "What do you think?"
"Parang hindi naman ata. Ang layo naman kasi sa normal na suot mo na mga kikay or hot clothes kumpara dyan sa simple shirt and pants na uniform ng pang personal assistant."
"Sure ka ha?" saad ni Krista at halata ang pagiging kabado sa mata nito. ' Mas maganda ng sure. Ayokong makaapekto sa pagpapanggap ni Artemis yung kalandian ko kay Eros. Saka ibang usapan ang s*x life ko sa trabaho.' sa isip ng dalaga.
Nakarinig sila ng sunod-sunod na pindot ng doorbell. Tinanggal na muna ni Krista ang black na mask at pinatong ito sa corner table at dumiretso na sa pintuan.
"Hi Artem--" pasigaw na saad ni Dustin ngunit napatigil siya nang mapansing si Krista iyon. "H-hi Krista! I miss you frienny!" pambabaeng saad nito at bineso si Krista. Tumaas ang kilay ni Krista sa inasta ni Dustin, at nagulat siya nang biglang sumulpot si Faye at Mika. "Please sumakay ka na lang.." pabulong na saad ni Dustin kay Krista. Halata ang pagmamakaawa sa boses nito.
"Omaygosh! Frenny I miss you to sissy!" OA na aniya ni Krista. Binati ni Faye at Mika si Krista.
"Hello Krista!" saad ni Mika at bineso ang dalaga.
"Hello," ani ni Faye at matamlayan na nginitian si Krista at nilagpasan na ito. Nagkatinginan si Dustin at si Krista. Huling pumasok si Ms. Nami dahil may kausap pa ito sa telepono.
"Artemis look! Na-feature ka sa Mega magazine dahil sa ganda ng over all look mo sa ball!" sigaw ni Mika habang hawak ang isang magazine. "Our name was also mentioned here!" pagtitili nito. "We are famous!"
"I'm so proud of you girl! You did great! Nag-trending kaya yung picture mo na nakapikit ka habang tumutugtog!" pangbabaeng wika ni Dustin at pinakita sa Ipad niya ang litrato na mayroong Fifteen million heart sa twitter. Nagtawanan naman si Artemis at si Krista.
" Idea po talaga ni Krista yun e!" paghalakhak ni Artemis.
"Infairness girl ha ang brainy!" kwelang saad ni Mika habang hawak ang susuotin ni Artemis na damit ngayon.
"Matalino talaga 'to si Krista e since bata pa kami e," tumawa ng malakas si Dustin. Mabilis na nagtinginan si Artemis at Krista.
Napansin ni Krista na kakaiba ang turing sa kanya ni Faye. Though nginigtian siya nito ay kakaiba pa rin ang pakiramdam niya dito. 'Let's try this girl...' sa isip ni Krista.
"Talaga matalino ako?" saad ni Krista sa sobrang girly na boses at niyakap ang malaking braso ni Dustin. Nanlaki ang mata ni Dustin dahil sa ginawa ng dalaga. " Lagi mo nga akong sinasabihan niyan since bata pa tayo." at nag-pout ito with beautiful eyes. "Mamaya maging crush na kita. Ikaw din." malakas na saad ni Krista sa malanding tono.
"Hala girl! Why not? I ship it. Bagay kayo ni Dustin!" may pa patili pa na aniya ni Mika.
" What the hell sis?" malakas na halakhak ni Artemis.
"K-krista w-what are you doing?" pabulong na sambit ni Dustin sa dalaga. Medyo namumula ang mukha nito. Sumulyap ito kay Faye na seryoso na ang mukha ngayon.
"Lagi nga kaming naglalaro ng bahay-bahayan dati ni Dustin tapos lagi nya kong kiniki-" hindi pa tapos magsalita si Krista ay nag-walk out na si Faye sa sala.
'I knew it.' sa isip ni Krista.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.