Chapter 31 - First Shoot

1988 Words
  3rd Person's P.O.V   Nasa elevator na sila Krista, Ms. Nami, Dustin at Mika. Mga naka porma ang lahat. Aakalain mo na mga model ito dahil mga pinagpala sa itsura ang mga ito. Si Krista lang ang naiiba ang damit naka black mask, naka black cap ito habang nakapusod at naka turtle neck , black pants, shoes na all black din ito.   "Frenny naman bakit ganyan yung suot mo?" maarteng ani ni Dustin.   "Shut up ka na lang. Ganito yung uniform ng personal assistant e," ani nito habang nakataas ang kilay.   "Okay, okay," at tinaas ni Dustin ang dalawa niyang kamay.   "Actually Krista required lang naman mag all black ang mga P.A kapag may live event like concerts. Pero kapag sasama lang sa mga shoots kahit anong damit ay pwede naman," saad ni Ms. Nami na mukhang naiinitan sa suot ni Krista.   "What?!" nanlaki ang mata ni Krista.   " 'Yun naman pala frenny e. Saka tirik na tirik ang araw sa labas tapos naka turtle neck k-" sambit ni Dustin at hinawakan ang tela ng turtle neck na parang nandidiri. Biglang tinapik ni Krista ang kamay nito kaya naman biglang nahila ni Dustin ang damit ni Krista. Nanlaki ang mata ni Dustin sa nakita niya. Mabilis na inayos ni Krista ng damit.   Halata sa ang gulat na expresyon ni Dustin habang nakatitig sa mata ni Krista. "You told me..." mahinang sambit ni Dustin   Naalala niya ang ang nangyari sa kanila sa kama.   Madilim ang kwarto ng isang hotel at parehas silang tinamaan na ng espiritu ng alak. Tinulak siya sa kama ni Krista at marahang naghubad ang ang dalaga habang nakatayo.  Si Krista ang nangunguna sa mga ginawa nilang milagro at halatang batikan na ito sa larangan ng kama. Nakaupo sila sa kama habang nakapatong si Krista kay Dustin. Marahang hinalikan ng binata ang leeg ng dalaga.   “H-hey don’t leave any mark on my neck.” pabulong na saad ni Krista habang nakayakap sa binata.   “S-sorry.” namula ang mukha ni Dustin.   “Dito na lang sa hindi makikita.” marahang saad ni Krista at ginabay nito ang kamay  ni Dustin sa  pinagpala niyang dibdib.   “Uy bakit ka nakatitig?” nakataas ang ang isang kilay ni Krista. Tila ba bumalik na  sa reyalidad si Dustin dahil sa tawag nito.   “W-wala.” at nag-iwas ng tingin si Dustin. ‘I guess may nahanap na siyang lalaki na gusto niyang mag-iwan ng marka sa katawan niya.’ sa isip nito. Napabuntong hininga ng malalim si Dustin.   “Hayaan mo na siya sa gusto niyang suot Dustin, parang boyfriend ka naman!” ani ni Mika at umubo ng dalawang boses habang malisyosang nagpapaplit-palit ng tingin kay Krista at Dustin.   “W-wait are you saying na si Dustin ay boyfriend ni Krista?” hindi makapaniwalang tanong ni Ms. Nami. “Grabe Dustin! Kailan pa? Bakit hindi mo naman kami sinabihan 'te!” at marahang hinampas ni Ms. Nami ang braso ni Dustin.   “N-no guys. F-friends lang kami ni Krista. Right frenny?” bumalik ang pang babaeng tinig nito. Walang gana na tumango ang dalaga.   “Friends PA lang,” sambit ni Mika na tila kumikinang ang mata sa kilig.    “Don’t worry Dustin support kami sa inyo!” ani ni Ms. Nami habang sinisiko si Dustin.   Tumunog na ang elevator at nagabang sila sa ground floor dahil hindi pa rin tapos make-up-an si Artemis ni Faye.   Tumunog na muli ang elevator at bumungad  si Artemis na nakasuot ng grey long coat na mayroong white polo sa loob. Pinartneran ito ng grey costumize shoes na may heels sa loob.   “Bravo! Nice work Faye! It's good to meet you sir Lyric!” ani ni Dustin at kinindatan si Artemis.   “Ang pogi mo sis!” aniya ni Krista. "Clothes maketh a man talaga!"   “Iba talaga ang mga make-up transformation ni Faye kalerki!” saad ni Mika.   Katabi ni Artemis si Ms. Nami habang naglalakad at nakasunod naman sa likod ang apat. Nakita ni Ms. Nami na pinupunas ni Artemis ang kamay niya sa itim nitong pantalon.   “Don’t worry Ms. Parker. Kasama mo kami,” at nginitian nito si Artemis.   Pagkalabas nila ng entrance ng building ay bumungad ang mga sigawan ng mga fans. Tila ba dumoble ang dami nito at may mga nakaparadang media. Nakakabingi ito   “Omo good luck sa music video fafi Lyric!”   “Anakan mo ko please!”   “Lyric we support you!” "Marry me Lyric!"   “Ang pogi mo kyah!”   “ Mr. Parker totoo ba ang rumor na may relasyon daw kayo ni Audrey Deine?” ani ng isang reporter na nagpumilit i-extend ang microphone niya ngunit agad siyang pinigilan ng guard ng muntik na siyang makalapit.   Napataas ang kilay ni Artemiis sa sinabi niya. ‘ Sinong Audrey Deine? ‘ sa isip ng dalaga.   “Don’t mind them,” mahinang bulong ni Ms. Nami habang pilit na pinipigilan ng mga guards ang mga fans na dumugin ako ng literal. Nakapasok din sila ng matino kahit na madaming komusyon ang naganap.    "Hey I heard meron daw na malapit na beach resort sa pags-shoot-an ah!" ani ni Mika sa likod ng van. "Nag-ready ako ng  swimsuit. Share ko lang. "   "Same Mika! ako din!" aniya ni Faye.   "Hala mga ate, si Krista din nag-prepare!" sabi ni Artemis at humalakhak habang nakaupo sa gitna ng van. Kasalukuyan nitong nilakasan at tinapat ang aircon sa kanya. "Grabe pinagpawisan talaga ako kanina," ani ng dalaga sa sarili niya.   "Uy mag beach naman tayo after ng shoot. Baka naman o!" pambabaeng tinig ni Dustin.   "Sige -ta-try ko isingit sa schedule ni Lyric I mean ni Ms. Parker." she chuckled   "Yown!" malakas na saad ni Faye.   " Pero 'pano 'yan wala tayong pag-ii-stay-an kasi biglaan tayo nakapag decide. I heard need daw ng reservation sa mga resort ngayon e," sambit ni Faye habang may inii-scroll sa cellphone niya.   "Hala oo nga!" aniya ni Dustin.   "Don't worry guys may old villa kami na malapit sa pag-sho-shootan. Then tapat nun yung dagat. Kaya lang medyo maliit nga lang yung lugar so...." saad ni Ms. Nami at my tinext ito.   "Ano ka ba Nami kahit sa semento pa kami matulog basta lang makapag dagat! Init na init na ko girl!" habang pinapaypay ni Faye ang kamay niya sa mukha niya.   "Okay na guys nasabihan ko na yung caretaker namin na bibista tayo." aniya ni Ms. nami habang naka-upo sa harap ng sasakyan.   "Iba talaga ang yayamin ang bilis umaksyon. One call away lang talaga," saad ni Dustin na ikinatawa ng lahat.   After ng tatlong oras na biyahe ay nakarating sila sa lugar ng pagsh-shootingan. Pagkalabas ng van ni Artemis ay napansin niya ang mga tao na mabibilis ang kilos. Huminga siya ng malalim at  naghalo ang amoy ng lupa at ng mga bulaklak. Naka-set up na ang mga ilaw at mga camera. Natanaw niya si Caleb na kausap ang mga staff habang may tinuturo sa hawak niyang papel.   ‘He’s so busy. Grabe first time ko siyang makikita magtrabho!’ sa isip ni Artemis.   “Good Morning po Sir Lyric, diretso na po muna kayo sa loob ng tent. Kasalukuyan pong kumakain ng brunch yung ka-member niyo po.” ani ng lalaki na may towel sa balikat.   “Ay okay po. Salamat.” bati ko pabalik.   “Lyric una na kami sa dressing room mo ha. Doon na muna namin iseset-up yung mga gamit..” ani ni Ms. Nami at nagtungo na ang team sa isang black na tent na may nakasulat na ‘STAR: LYRIC APPOLO PARKER”   “Hey hey hey!” napalingon ako dahil sa pamilyar na boses. “Lyric! Tara kain na daw muna tayo dun sa puting tent para dire-diretso daw yung shoot mamaya.” ani ni Uriel habang naka akbay sa akin. Ang bigat ng braso niya! “Hey guys dumating na si Lyric!” sigaw ni Uriel pagkapasok namin sa tent na punong-puno ng pagkain. Parang naka buffet style ito habang ang malaking lamesa ay nasa gitna.   “Hey Lyric!” bati ni Eros at nginitian ako.   “Lyric. Sit. Here.” Pansin ko ang madilim na titig ni Blake. Mabilis akong nagtungo sa upuan na katabi niya. Nagsimula na kaming kumain.   “Lyric dinala ko pala yung brown coat mo na naiwan sa bar last time. Nasa tent ko lang abot ko sa’yo mamaya.” ani ni Eros at uminom ng pineapple juice.   ‘Yun ba yung milagrosong coat na nagin dahilan ng one night stand nila ni Krista?’ sa isip-isip ng dalaga. “Ay sige kunin ko mamaya. Thank you pala sa pagdala.” saad ni Artemis.   Nagulat ako ng nilagyan ako ng gulay sa plato ni Blake. “What are you doing?” bulong ko sa kanya habang pinanlalakihan ko siya ng mata.   “Kumain ka ng gulay. Puro prito yung kinuha mo.” sambit nito at nilagyan din ako ng cauliflower. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ng gulay. Paano ba naman mukhang puno ito.   “Oh! Lyric, cauliflower is your favorite right? Last time hinigingi mo pa yung mga cauliflower sa food namin e” saad ni Uriel. Tumayo ito at nilagay sa pinggan ko ang mga cauliflower galing sa plato niya. ‘Freaking hell! I can’t even say no dahil ito ang favorite gulay ni kuya Lyric! This is all your fault Blake hays!’ pagwawala ko isip.   “Ito rin yung sa’kin Lyric oh.” at inabot sa’kin ni Eros ang mga cauliflower na nilagay niya sa platito. “You’re welcome!” at nginitian ako pa ako ng mokong.   “T-t-thank you,” nanlulumong saad ko.   “Excuse me po, yung tapos na po kumain pwede na po mag-proceed na magpa make -up po.” ani ng babaeng pumasok na may I.D na nakasulat ay staff.   “Una na ko guys ha,” saad ni Eros at tumayo.   “Ako rin. See you later.” sambit ni Uriel.   Naiwan kami ngayon ni Caleb sa hapagkainan habang punong-puno ng cauliflower na mukhang puno ang pinggan ko. Gusto kong nang umiyak nung sinubukan kong tikman ang isa nito. Ang gaspang sa dila!   “Hoy tulungan mo ko ubusin ‘to. Kung ‘di ka kasi nagpasimuno hindi gagaya yung dalawa,” magkasalubong ang kilay ko sa kanya. Napansin kong hindi man lang ako kinibo nito. “Uy bakit ka tulala.” at inalog ko ang braso niya at nagulat ako.   “A-ano ulit yung sabi mo?” pabulong na saad nito.   “Hey Blake ang init ng katawan mo!” agad kong hinawakan ang noo niya. “May lagnat ka!”   “Ah okay. Akala ko naman kung ano ng meron.” tila walang pakeng sambit nito.   “Anong pinagsasabi mo. Need mo magpahinga ngayon. Baka lumala pa yang lagnat mo. Sabihin natin na i-resched na lang yung shoo—”   “Don’t Artemis.” mahinang saad nito habang mapungay ang mga mata. “Work is work.”   “Pero ang taas ng lagnat mo. Mamaya lumala pa yan. Maiintindihan naman nila yun e.” Hindi ko mapigilang mag-alala dahil kahit na mukha siyang bad boy ay tila ba batang kuya Lyric ang naalala ko sa kanya.   “Artemis listen to me. Lahat ng tao dito gumising ng maaga para i-set up yung lugar ng pag sho-shootan natin. They even built an air conditioned tent just for us. Gusto mo ba masayang yung pagod nila?” ani nito sa may pagka husky niya na boses. Medyo namumula ang pisngi nito dahil sa lagnat.   “H-hindi.” I mumbled.   “Okay. Don’t worry about me. I can handle myself...” at matamlay akong nginitian nito at inalalayan ko siyang tumayo dahil parang babagsak ito. Ikinawit ko ang kamay niya sa balikat ko bilang suporta. Bakit ang laki niya? " Kumain na ba ang B.L.U-- " hindi natuloy ni Caleb ang sasabihan niya ng makita niya kaming dalawa ni Blake.    TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD